Cristina Gonzales recalls visit of David Beckham in Tacloban; says private sectors are helping rebuild the city

It is impossible for Cristina Gonzales to even consider going back to acting no matter how she misses showbiz. She explains, "Kasi I’m a mother, a wife and I’m a public servant and [I have] business to attend to. Parang ang hirap."


Nagbigay ng update si Tacloban Councilor Cristina Gonzales sa pagbangon ng Tacloban mula sa pagkakalugmok nito sa pinsalang idinulot ng super typhoon Yolanda noong 2013.

Maraming celebrities nag-abalang bisitahin ang Tacloban para makisimpatiya sa mga taga-roon at magpaabot ng tulong.

Nakilala at nakadaupang-palad ba niya ang mga ito bilang siya ang maybahay ng mayor ng Tacloban na si Alfred Romualdez?

Saad ni Cristina, “There were some, yeah... Aiza Seguerra went there for like a day. My husband met with her.

"Manny Pacquiao was there... not too many celebrities pero some sent their help.

"Yung iba kasi nagpadala na lang baka kasi may gulo or whatever.

"Kahit yung mga politicians, few lang, like the Vice President [Jejomar Binay] went there, Nikki Coseteng was there."

DAVID BECKHAM. Binanggit din ni Cristina ang ilang kilalang dignitaries sa ibang bansa gaya ng Amerika, Singapore, China, at United Nations.

Hindi raw niya nakita at nakausap si Justine Bieber dahil nasa Maynila si Cristina noon, pero nakita raw niya nang malapitan ang football superstar na si David Beckham.

Pagsasalarawan ni Cristina sa ginawa ni Beckham sa mga tiga-Tacloban, “Ang sweet talaga ni Beckham.

"Kasi ang ginawa niya, umupo siya sa mesa doon sa isang tent kung saan nandun yung mga bata.

“Parang daycare kasi ng mga bata yun, and then pinaupo niya sa lap niya yung isang bata.

“Ang media were not allowed to go in, e, but I was able to get a picture from my phone cam.

“It was Valentine’s day, he was writing Valentine’s greetings sa mga bata.

"Ang cute, ang sweet."



CLEP. Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristina sa mini-concert ng Me-Me, isang Japanese all-female singing band, na ginanap sa Eclipse Bar, Solaire Resort & Casino noong Linggo, May 18.

Nagpasalamat ang dating movie actress sa S88.Com sa donasyon nito sa CLEP (Cristina Learn and Earn Program), isang livelihood project na nagtuturo sa mga tiga-Tacloban ng puwede nilang pagkakitaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang S88.Com ay isang online gaming site na siya namang nagdala sa Me-Me sa Pinas para mag-show.

Paglalarwa pa ni Cristina sa kanyang livelihood program, “It’s my program seven years ago pa and we have skills training program for women, pero we also have men.

"S88 is supporting us. And two weeks ago, nagbigay sila ng mga starter kits para sa 200 graduates sa livelihood program ko."

PRIVATE SECTOR. Usap-usapan ang diumano’y mabagal na pag-mobilize ng funds mula sa iba’t ibang bansa para maitayong muli ang Tacloban.

Pahayag ni Cristina tungkol dito, “Actually, all the health centers are tapos na.

"Why? Kasi ang mga tumulong ay mga NGOS. Like ang Turkey, may mga Turkish groups na tumutulong.

"Yung SM City foundation, tumulong sa hospitals, yung iba’t ibang NGOS tumulong para sa health centers, sa hospitals.

“Private people, e... yung mga Waray group abroad, tumulong sa mga pangangailangan ng mga tiga-Tacloban.

"Yung ibang grupo, tumutulong sa mga classrooms."

Ang kulang na lang daw sa Tacloban ay temporary at permanent shelters para sa mga pamilyang nawalan ng bahay at naninirahan ngayon sa danger zones ng siyudad.

Pahayag ni Cristina, "So, yun ang kailangan mailipat at they’re building it na... by Habitat, but it will take a year o two.

"Ang kailangan namin ngayon for these one or two years ay temporary shelters para maalis yung mga tao sa danger zone.

"Yung mga nakatira sa tent city at yung mga nagtayo uli ng mga bahay nila sa danger zone at malipat naman sila sa safe areas.

“Ang kailangan, shelter kits and temporary shelters, and DSWD [Department of Social Welfare and Development] promised naman that they will donate the shelter kits.

"And we’re waiting for it now.”

COLOR BLIND. Naayos na ba ang gusot nila ng mister niyang si Mayor Alfred Romualdez sa administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Cristina, “Actually, ever since, I’m okay.

"You know me naman, I’m not naman talaga na politician per se.

"I’m okay kasi lahat naman tayo dapat magkakasama dito sa Pinas.

"Kilala naman ninyo ako, I’m not into color.

“Alam mo naman na way back, yung dad ko [Jose Mari Gonzales] helped Tita Cory [Aquino].

"Yung husband ko naman is Romualdez, hindi naman siya Marcos, ’di ba?

“Okey naman na. Hopefully, everything goes well.”

May tulong na ba mula sa gobyerno?

“Oo naman. Nagbigay na si [Interior Secretary Mar] Roxas, like a couple of hundred million pesos, pero for the government buildings.

"What we need now is housing. Kahit wala namang government, okey lang, basta ang importante yung mga tao, may bahay.

"Yun ang priority ni Mayor ngayon."

Ano ang natutunan ni Cristina ngayong nakikita niyang nagkakaroon na ng pagbabago sa Tacloban?

Tugon niya, “Well, you know all of us, the Taclobanos-survivors, we’ve learned so much in terms of standing up, being stronger.

"’Di ba, life is... anytime you can go. Anytime you can lose everything.

"Before Yolanda, you focused on tsismis, material things, mga shallow things.

“Pero ang importante ay yung buhay ng tao and being thankful of what you have.”

Nagpapasalamat naman si Cristina sa mga kasamahan niya sa entertainment industry na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Tacloban.

“Lahat tumulong, hindi lang naman kami ang tinamaan ng bagyo, pati yung lugar ni Lucy Torres [Ormoc representative].

"Saka yung mga lugar around Leyte, Samar.

"Medyo malaki-laki [ang damage] nung sa amin kasi, kumbaga, sentro at the same time mas malaki yung population namin.

“Kasi sentro ang Tacloban. Nandun yung mga universities, yung schools, banks.”

Ayon kay Cristina, makakapagbukas na raw ang schools at universities ngayong pasukan kahit may iba pang kinukumpuni ang mga napinsala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOWBIZ COMEBACK. Pagdating naman sa posibilidad ng pagbabalik niya showbiz, malabo para asikasuhin ito ni Cristina ngayon.

“Kasi Tacloban malayo, e. It’s more of schedule, lalo pa ngayon, ang dami-dami pang kailangang gawin.

"But once in a while naman nagge-guest naman ako, I come out.

“Okey lang naman if I come out and guest somewhere and more people help Tacloban, why not?

“Of course, nami-miss ko yung showbiz and love ko naman yung acting and showbiz.”

Bukas naman daw sa ideya ng paglabas niya sa acting projects. Ang problema nga lang ay ang halos isang buong linggong taping para sa isang drama soap.

“Kasi I heard na three times a week ang tapings? Parang hindi ko naman ’ata kaya yun.

"Pero kung mga once a week na taping, puwede naman.

"Hindi ko kaya yung everyday taping or three times in a week magtatrabaho.

"Kasi I’m a mother, a wife, and I’m a public servant and [I have] business to attend to. Parang ang hirap.

“Kung mga twice a week... kasi umuuwi naman ako ng Manila to Tacloban, puwede rin naman yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN