Toni Gonzaga returns to The Buzz; says co-hosting stint with Kris Aquino a blessing

Toni Gonzaga has learned to pace herself in working with the King and Queen of Talk: "Kailangan buo yung sarili mo para alam mo kung hanggang saan ka lang at alam mo kung saan ka lulugar. Kung alam mo lang kung saan lulugar ang sarili mo, mas madaling magtrabaho."


Hindi pa rin makapaniwala si Toni Gonzaga na balik siya muli sa paghu-host ng showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz.

Matatandaang si Toni ang pumalit kay Kris Aquino, na namaalam dahil sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan nito noong 2010.

Nakasama ni Toni ng tatlong taon sa The Buzz si Charlene Gonzalez at ang isa pang original host ng show na si Boy Abunda.

Nang mag-reformat naman ang show at naging Buzz Ng Bayan noong 2013, pinalitan sina Toni at KC nina Janice de Belen at Carmina Villarroel, habang nanatili naman sa programa si Boy.

Noong May 18 ay muling ibinalik ang titulong The Buzz, kasabay ng pagbabalik nina Kris at Toni at ang pagkawala nina Janice at Carmina.

Sabi ni Toni sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi pa nga nagsi-sink in ang lahat.

"Feeling ko, next week, puwede pang magbago ang lahat ng mga pangyayari.

"Ganun naman sa industriya, siguro nasanay na rin ako na nothing’s permanent, anything can still change.

"Hindi pa nga ako naniniwala kasi fresh ka pa dun sa idea na sa dami ng mga pangyayari, you’re open to change all the time."



COMPARISON. Nang mawala sina Toni at Charlene sa The Buzz ay balitang dumagsa ang e-mails mula sa maraming viewers ng show na humihiling na bumalik sila sa show.

May ilan pa ngang nagkukumpara sa kanila nina Janice at Carmina.

Ayaw namang magkomento ni Toni tungkol dito.

Saad niya, “Ang hirap siyempre magsalita on our part, kasi kami yung artista, ’tapos may mga ibang artista involved.

"Naramdaman ko rin naman ‘yan when we said our farewells to the program.

"Siyempre ’pag artista ka lang at empleyado ka ng kumpanya, ’di mo alam ang sasabihin mo, ’di mo alam ang ire-react mo.

"Ano lang kami dito, mga good soldiers na kung ano ang iaatang sa amin, ipagkakatiwala, ibibigay lang namin yung 100 percent naming trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



KRIS AQUINO. First time na makakasama ni Toni sa isang talk show si Kris Aquino.

Ayon kay Toni, maaaring simula na ito ng pagiging mas malapit pa nila ng kontrobersiyal na TV host.

“Ako siyempre, I feel honored to share the same stage with the King and Queen of Talk [Boy and Kris].

"I know I will learn so much from them, every Sunday is going to be a learning experience for me.

“First time, nasanay ako ng puro mga interviews ’pag nagge-guest ako sa Kris TV, ito yung first time na makakasama ko siya sa panel, sa stage.

"Si Ate Kris kasi, since I’ve known her for quite some time, matagal ko na siyang kakilala at naging kaibigan ko na rin.

"Alam ko, with Buzz, magiging close kami.

"I’ve got to know more about her, na-gets ko na si Ate Kris, na-gets ko na yung rhythm namin.

"Kasi one thing I learned with the Buzz is that you don’t lose your core.

"Huwag kang matatangay sa mga pangyayari, kailangan buo yung sarili mo para alam mo kung hanggang saan ka lang at alam mo kung saan ka lulugar.

"Kung alam mo lang kung saan lulugar ang sarili mo, mas madaling magtrabaho.

"Alam ko na ngayon kung saan ako lulugar, kung paano ako magtatrabaho.”

Bilang King and Queen of Talk sina Boy at Kris, hindi ba kinakabahan si Toni na baka masapawan siya ng dalawa sa kanilang mga diskusyon tungkol sa isang pinag-uusapang isyu?

Sabi ni Toni, “Kahit sapawan nila ako, okay lang, may krediblidad naman sila.

"Okay lang, wala sa akin yung mga ganun. I was just really blessed na makasama sila."



MISSING ALEX. Samantala, hnggang ngayon ay nasa loob pa rin ng Bahay ni Kuya ang bunsong kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga.

Aminado naman si Toni na nami-miss na niya talaga ang nakababatang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Sobra, nami-miss ko na siya. Hindi na nga siya dapat magtagal, ayaw palabasin.

"Ewan ko, ’di ko alam."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN