Martin del Rosario on being falsely identified in "kissing photo": "Nakaka-degrade yun as a person."

Labis na ikinalungkot ni Martin del Rosario ang pagkalat ng isang larawan ng dalawang lalaki na naghahalikan dahil nadawit ang kanyang pangalan dito. Pinaninindigan din ng bagong Kapuso actor na isa siyang tunay na lalaki.


Noong May 21, Miyerkules, ay kumalat sa Internet ang "kissing photo" ng dalawang lalaki.

Kaagad namang pinangalan ng ilang Netizens na ang isa diumano sa dalawang lalaki ay ang aktor na si Martin del Rosario.

Kamukhang-kamuka raw kasi nito ang bagong Kapuso actor.

Inamin ni Martin na ikinasama ng kanyang loob ang pagdadawit ng pangalan niya sa nasabing larawan.

Kagabi, May 23, pinagbigyan ni Martin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa isang eksklusibong panayam sa isang condo sa Ortigas, Mandaluyong City.

Ano ang naramdaman niya nang makita ang naturang kissing photo, kung saan siya raw ang isa sa mga naroon?

Tugon ng Rhodora X cast member, “Sa akin po kasi, confident na confident naman po ako na hindi naman po talaga ako ang nasa picture.

"Hindi naman po ako yung tipong tao na hindi mag-iisip na maggagawa ng mga ganung bagay sa isang public area.

"And more than that, sa isang lalaki pa, kaya confident ako.

"Pero kasi medyo nag-worry ako dahil kamukha ko talaga.

“Na to the point na pati sila Mama, ‘Mart, ano ba ‘to? Ikaw ba talaga ‘to?’ gumaganun sila.

"So, parang nag-worry ako nung makita ko yung picture, yun yung initial reaction ko."

Sa kabilang banda, natuwa naman daw si Martin na simula nang lumabas ang naturang larawan, marami sa kanyang mga tagahanga ang nagparamdam kaagad ng suporta sa kanya.

Katunayan, ang mga ito raw ang nag-research sa social media sa identity ng dalawang lalaki sa larawan, at itinag ito sa kanya sa Twitter.

Sabi ni Martin, “Nagulat na lang ako, siguro yung mga fans, nagbutingting sa social media, na nagulat na lang ako na, after a day, biglang inilagay dun yung comparison... yung frontal ng dalawang litrato.

“So, I guess na-prove naman na hindi talaga ako yung nasa picture.

"Pero yung sad fact lang is bakit kailangang idikit yung pangalan ko agad doon sa picture na yun na hindi naman talaga ako yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang sinasabi ng iba na parang ako talaga, e, as if ako yung nasa picture.

"Parang feeling ko naman na na-judge ako as a person.

“And ako naman yung tipong tao na hindi bini-big deal yung mga ganyan, as long as alam ko kung ano yung totoo.

"Pero ’pag nakikita ko kasi na yung family ko affected, ’tapos mama ko nalulungkot, napaparaning, dun na ako naaano, e, sumasama na yung loob ko.

“Kasi ako naman dito, pakiramdam ko naman na sa buong pagtatrabaho ko sa showbiz, parang wala naman akong intensiyon na mang-apak ng iba.

"Alam ko naman na wala akong nasaktan, bakit may mga taong... hindi ko alam kung anong reason, pero bakit may mga taong minsan gustong sirain ka."

Sa ngayon, wala pa raw hinala si Martin kung sino ang mga gustong manira sa kanya.



“I’M NOT GAY!” Kinuha rin ng PEP ang pahayag ni Martin sa isyung kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki.

May ilan pa ngang nagkokomento ng kung anu-ano sa kanyang social media accounts kapag nag-post ng larawan si Martin kasama ang mga kaibigan niya.

Saad ng aktor, “Ilang beses na kasi….

"Parang ayoko na siyang sagutin pa, kasi dahil ilang beses ko na siyang sinagot talaga, na for the nth time na… sobrang daming beses na.

"Pero siguro for the record, sasabihin ko, I’m straight. I’m not gay.

“Yun yung final na, kasi masyado… na parang palagi na lang tinatanong.

"Parang kung minsan, nakakaano na... parang masakit na siya sa ulo."

Ano ang mensahe niya sa patuloy pa ring nagdududa sa kanyang kasarian?

Saad ni Martin, “Ang masasabi ko lang, paniwalaan niyo kung ano ang gusto niyong paniwalaan.

“Ang hinihingi ko lang po is respeto lang po.

"Hindi ko naman po mapi-please kayong lahat.

"Pero sana naman po, huwag niyo nang paabutin sa point na magkakaroon… na maglalabas ng mga pictures na hindi naman talaga totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, for me, nakaka-degrade yun, e, as a person.

"’Tsaka ayokong ma-affect yung family ko.

"Basta ako, I’m straight. Kung ayaw niyong paniwalaan, it’s okay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN