Lovi Poe still evasive about real score with rumored boyfriend Rocco Nacino: “Basta ako, I’m very happy now.”

Lovi Poe reveals what she discovered about rumored boyfriend Rocco Nacino during their recent European trip together: “Magaling siyang tumawad. Kasi may binibili akong painting na akala ko ’di ko matatawaran, pero nung siya na, nakuha namin at fifty percent discount. And, yeah, aside from that, maasikaso talaga siya.”


Isa sa masasabing “sweetest pairs” na dumalo sa lst PEP List Awards sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino noong May 20 ay ang matagal nang nali-link na sina Lovi Poe at Rocco Nacino.

Sabay silang dumating sa nasabing red-carpet event.

Kagagaling lang ng dalawa noong nakaraang buwan mula sa mahigit na dalawang linggong pagbabakasyon sa iba’t ibang bahagi ng Europe, kaya lalong umigting ang usap-usapang sila na talaga.

Bagamat hindi pa rin nila kinukumpirma ang totoong estado ng kanilang relasyon, sa mga kilos at tinginan nila sa isa’t isa ay mas napapansin ng publiko na may malalim na talaga na pag-uunawaan sa pagitan ng kapwa Kapuso stars.



EUROPEAN TRIP. Kuwento ni Lovi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media tungkol sa katatapos lang nilang bakasyon, “We spent a lot of time together.

“We’re both very busy achieving our dreams separately, so focused muna kami doon.

“I’ve always known him to be funny, smart, and he’s very maasikaso.

“He’s the one who fixed all the directions sa lahat [ng kanilang European tour] and I was just following him.

"He was the leader and I was his follower."

Pahayag naman ni Rocco, “Yung European tour namin, the most important thing was that, we not only got to enjoy each other’s company, but it was also a spiritually-fulfilling experience for both of us.

"Kasi sakto, Holy Week, e.

“So, we got to attend Mass, we got to see Vatican City, and we prayed a lot together.

“Spiritually, lalong na-renew yung faith namin.”

Wala naman daw silang gaanong nabili para sa isa’t isa dahil, ayon sa actress-singer, “It’s the time kasi na we wanted to spend more time together.

“It’s more like nga na he’s the one who fixed all for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t want to go on a date with someone who’s not prepared for me.”

Sabi naman StarStruck alumnus, “May mga nabili, pero usually pasalubong.

“May nabili ako for us, yung trip sa Eiffel Tower, napaghandaan.”

Ang Eiffel Tower ay isa sa mga kilalang historical landmarks sa Paris, France, na isa sa mga lugar na kanilang pinuntahan bukod pa sa Rome at London.

GETTING TO KNOW EACH OTHER MORE. Ano naman ang mga bagong discovery nila sa isa’t isa lalo na’t nasa malayong lugar sila?

Ayon kay Rocco, “Marami.

“Siya lagi yung nagsasalita and I’m just listening.

“We bonded really well.

“Ang naano [na-discover] ko kay Lovi? Ano... tini-treasure niya talaga ang family niya and her faith in God, kitang-kita ko sa kanya.

“Lalo na nagtsi-church kami, kung gaano niya kamahal ang buhay niya ngayon.”

Ayon naman kay Lovi na natatawa, “Magaling siyang tumawad!

“Kasi may binibili akong painting na akala ko ’di ko matatawaran, pero nung siya na, nakuha namin at fifty percent discount.

“And, yeah, aside from that, maasikaso talaga siya.”

TERMS OF ENDEARMENT. Sa puntong ito, inalam namin kung ano ang “terms of endearment” nila sa isa’t isa.

Tawa nang tawa ang anak ng yumaong Action King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. nang sumagot: “Nothing. I call him ’Nothing.’

“No, I was just kidding.

“No, wala kaming term of endearment,” diin niya.

Sabi naman ni Rocco, "Kung anu-ano. Usually..."

Sabay singit uli ni Lovi, “Well, everybody naman has a term of endearment sa ’kin ’coz the people call me na ’love,’ e, so..."

Dugtong naman ni Rocco na natatawa rin, “Secret na namin yun kasi hindi kami kumportable na pag-usapan ang mga ganyan, e.

“’Beh?’ Yung mga ganun?” pagbibiro pa niya kay Lovi na katabi lang niya.

Pero narinig ng ilang miyembro ng press na tinawag ni Rocco si Lovi ng "Hon" noong gabing iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil lagi silang napagkikita sa maraming showbiz events na magkasama, marami rin ang nangangamba na baka dumating ang oras na magkasawaan sila sa isa’t isa.

Sabi ni Rocco tungkol dito, “Hindi siguro mangyayari yung dumating yung tinatawag nilang ’sawa factor.’

“Never, ever.”

Para naman kay Lovi, “I don’t know, e.

“Basta ako, I’m very happy now.

“And I love to laugh, and he makes me laugh.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN