Robin Padilla believes nephew Daniel Padilla can surpass his iconic legacy: “Mas malalampasan niya yun.”

Robin Padilla believes nephew Daniel can be an even bigger star compared to him: “Mas malalampasan niya yun, sa usapin ng pag-aartista, malalampasan ni Daniel yun. Magaling kumanta si Daniel, ako naman, e... Ay, very proud! Hindi lang ako ang proud sa kanya—buong angkan namin.”


Naniniwala si Robin Padilla na kayang higitan ng pamangkin niyang si Daniel Padilla ang kasikatang tinamasa niya nung kanyang kapanahunan.

Tinaguriang "Bad Boy of Philippine Movies" dahil sa mga pelikula niyang naging blockbuster hits, nakapareha ni Robin ang ilan sa mga sikat na aktres noon katulad nina Sharon Cuneta, Kris Aquino, at Vina Morales.



IN PRAISE OF DANIEL. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Robin sa 45th Box Office Entertainment Awards noong nakaraang Linggo, May 18, sinabi niyang mas malayo pa ang mararating ng pamangkin kung career ang pag-uusapan.

“Mas malalampasan niya yun, sa usapin ng pag-aartista, malalampasan ni Daniel yun.

"Magaling kumanta si Daniel, ako naman, e..." tawa niya.

Very proud din daw si Robin sa tinatamasang tagumpay ngayon ng anak ng kanyang kapatid na si Rommel Padilla sa aktres na si Karla Estrada.

"Ay, very proud!" bulalas niya.

"Hindi lang ako ang proud sa kanya—buong angkan namin.

"Sana lalo pang mamayani ’yan para dala niya kaming lahat."

May pelikula bang gagawing muli ang Padilla clan, katulad ng Sa Ngalan ng Ama, Ina, at Mga Anak kung saan isa sa mga artista dito ay si Daniel?

Tugon ni Robin, “Taun-taon naman yun, mayroon kaming ganun.

“Siyempre sa ngayon, kailangan naming intindihin, kailangan naming suportahan si Daniel.

“Hindi naman namin siya puwedeng puwersahin na sasabay pa kami sa napakasaya niyang sitwasyon sa ngayon.

"Kung kailan siya libre, nandito lang kami."

BIOPIC. Ibinalita rin ni Robin na gagawin palang pelikula ang buhay ni Andres Bonifacio, kung saan siya ang gaganap sa papel ng nasabing bayani.

Kuwento niya, “Mayroon akong Andres Bonifacio.

"Hindi ko pa alam kung sino ang mga makakasama ko, kalalabas lang [ng announcement ng gaganap na] Gregoria [del Pilar role].

“Siyempre, dream role yun, lalo na para sa akin, ang pagmamahal natin sa bayang Pilipinas ay sobra-sobra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dream role yun."

STILL NO PLANS TO HAVE KIDS YET. Sa ngayon ay pahinga muna sa trabaho pareho si Robin at ang misis niyang si Mariel Rodriguez.

Gaya ng nasabi niya noon, consistent pa rin ang aktor sa pagsabing ayaw muna nilang magkaanak.

Muling sambit ni Robin, “Huwag muna ngayon, pagka nag-aral na ako.

“Nag-usap naman kami. Marami, marami akong gustong pag-aralan.

“Sa ngayon kasi, masaya pa kaming magkasama. Kami lang lagi ang magkasama.

"’Pag nagtrabaho siya, nagtrabaho ako, malungkot yun.

“Hindi, huwag muna. Wala pa, ako muna ang baby niya.”

Si Robin ang itinanghal bilang Film Actor of the Year sa 45th Box Office Entertainment Awards, at labis naman ang pasasalamat nito sa karangalang ipinagkaloob sa kanya.

Aniya, “Maraming salamat, suki na naman tayo dito.

"Magandang organisasyon, maganda ’pag binibigyan tayo ng parangal, medyo pandagdag sa cabinet ng mga parangal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN