Roxanne Barcelo on boyfriend Will Devaughn: “Ngayon, ang sigurado sa aking puso ay siya ang aking soulmate at aking twin flame.”

Roxanne Barcelo on her relationship with Will Devaughn: “I think the best thing about our relationship is that we started out as friends. Kahit papaano, nakilala talaga namin ang isa’t isa ng walang best foot forward. Hindi kami yung nagkukunwari na… eto na yung expectation mo. Parang… ganito ako.”


Perfect match ang tingin ng marami kina Roxanne Barcelo at Will Devaughn.

Bukod sa pisikal na aspeto, mukha ring compatible sila dahil magkasundo sila sa maraming bagay.

Last May 14 nga, nagselebra sila ng kanilang first anniversary. At mukha namang masaya pareho sina Roxanne at Will na nananatiling smooth-sailing ang kanilang relasyon.

Sa interview ni Tonipet Gaba sa morning show ng GMA-7 na Tunay na Buhay noong nakaraang Lunes, May 19, tinanong si Roxanne kung totoo nga bang napag-uusapan na nila ni Will ang pagpapakasal?

“I will be blessed if siya yung papakasalan ko.

“Ngayon, ang sigurado sa aking puso ay siya ang aking soulmate at aking twin flame.

“Meron palang ganun?” sabay ngiting sabi pa niya.

Ayon sa Wikipedia, ang twin flame “is a spiritual (esoteric or New Age) concept describing a special soul connection between two souls.”

COMPATIBLE. Sa isang hiwalay na panayam din sa programang Tunay na Buhay, kinumpirma ni Will na magkasundo nga raw sila ni Roxanne sa maraming bagay.

“We go to the gym together,” kuwento ng model-actor.

“We do archery a lot of times, which is really an incredible activity that we do together.

“Climbing. We do walking together. Swimming.

“We read together. We read together on a daily basis.

“Tawa kami nang tawa almost every day. Not even almost… as in every day, we laugh.

“We have the same sense of humor.

“We like the same food. We like the same movies.

“It’s really… we clicked together.”

Binigyang-diin ni Roxanne kung ano ang pinakamagandang aspeto sa relasyon nila ni Will.

“I think the best thing about our relationship is that we started out as friends. Kahit papaano, nakilala talaga namin ang isa’t isa ng walang best foot forward.

“Hindi kami yung nagkukunwari na… eto na yung expectation mo. Parang… ganito ako.”

SHOWBIZ CAREER. Balik-sigla ulit si Roxanne ngayon sa kanyang career. At nakakagulat dahil daring at sexy na ang kanyang imahe ngayon. Matatandaang noong nakaraang taon ay inanunsiyo din ni Roxanne ang pagbago niya ng pangalan bilang Roxee B, kaugnay ng paglantad niya bilang isang hip hop artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pagpu-pose niya nang sexy sa FHM ang naging hudyat ng pagbabagong-bihis ni Roxanne sa kanyang image.

“Pinag-isipan kong mabuti. Kasi meron akong niri-represent na mga babae na… na-bully at kailangan nang bumangon,” patuloy pa niya.

Noong nagsisimula pa lang daw siya sa showbiz, bukod sa matitinding intriga ay maraming beses daw niyang naranasan ang pangbu-bully mula sa mga taong sadyang hindi lang siya gusto.

“There was a time na inisip ko… huminto na lang sa pag-aartista. Pero mas nanaig ang pagkagusto ko sa showbiz.

“Lalo pa at marami namang magagandang break na dumating para sa akin. Na hindi lang sa pag-arte kundi napasabak rin ako sa recording at nakagawa ng sarili kong album.”

Ngayon ay balik-recording ulit si Roxanne. At excited siya sa bago niyang album na WoW (Women Of The World) na nakatakdang i-release very soon.

“Gusto ko lang i-share ang aking mga awitin. Meron nga akong isinulat na bagong kanta sa album ko na malapit nang lumabas.

“’Moreno’ ang title nung song.”

Abala rin si Roxanne sa kanyang mga gigs. Bukod sa pag-arte, ang music daw talaga ang kanyang first love.

POSITIVE OUTLOOK. Matatandaang unang nakilala si Roxanne nang manalong first runner-up sa Metro Pop Music Festival noong 1998 sa edad na 13 anyos.

Pagbabalik-tanaw niya, “Ang natutunan ko sa mga nakaraang bahagi ng buhay at career ko… maging matatag at magtiwala sa sarili.

“Kahit ano pang pinagdadanan mo. Maganda o hindi maganda, okey lang ‘yan.

“Malalampasan mong lahat ‘yan.

“At ang importante ay ang pagbangon mo na mas malakas ka, mas maganda ka, at mas aalagaan mo ang sarili mo.

“Kung may mahal kang gawin, do it with all your heart.

“Huwag ka nang mag-hold back.

“Parang… tama na yung fears. Tama na yung mga worries.

“And it’s time to give your whole heart.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN