Marlene Aguilar asks niece Maegan to stop bashing her dad Freddie in public

Marlene Aguilar (left) on niece Maegan Aguilar: "I understand that Maegan is angry at her father. I understood why she had to vent out in that interview she gave with Inquirer. Pero hindi ko na naiintindihan kung bakit lahat na ‘ata ng istasyon ng TV iniikutan niya para tuluyang saktan niya ang ama niya."


Tumangging magpainterbyu sa media si Marlene Aguilar tungkol sa away ng kanyang kapatid na si Freddie at ng anak nitong si Maegan, ngunit gumawa siya ng open letter para sa pamangkin.

Si Marlene ang nakababatang kapatid ni Freddie at ina ni Jason Ivler, ang former teen actor na suspect sa road rage killing noong 2009.

Ang kanyang Facebook account ang ginamit ni Marlene upang iparating sa mag-amang Freddie at Maegan ang kanyang mensahe.

Dahil sa open letter ni Marlene, nagkaroon ng linaw ang tunay na ugat ng pinag-awayan nina Freddie at Maegan.

Sa panayam kasi ni Maegan sa isang daily broadsheet at sa iba’t ibang programa sa TV, sinabi niyang pinalayas siya at ang kanyang mga anak sa pamamahay ng ama dahil sa nabulok na mga gulay at utang na P1,500.

Read: Freddie Aguilar keeps mum about daughter Maegan’s allegations: "My daughter, her partner, and all the other people living in my house know the truth."

Read: Maegan Aguilar denounces dad Freddie Aguilar: “Nagsisisi ako na tatay ko siya.”



THE REAL STORY. Una muna niyang in-address si Maegan sa kanyang open letter.

Sabi ni Marlene sa kanyang pamangkin, “Nakausap ko ang nanay mo ng 2 beses, kagabi at ngayong umaga.

“Nalaman ko na hindi pala pinapalayas ng tatay mo sa pamamahay niya ang 2 mong maliliit na anak, ikaw lang.

“Ito rin ang sinasabi ng 2 mong kapatid na lalaki na saksi sa pag-aaway niyong mag-ama noong araw na yun.

“Kung ganoon nga ang nangyari—at naniniwala akong ganoon ang nangyari—may malaki kayong hindi pagkakaintindihan ng tatay mo.

“Maaaring sa sobrang init ng ulo mo, hindi mo narinig nng mabuti ang sinabi niya sa ‘yo.

“Napag-alaman ko din sa nanay mo kaninang umaga na hanggang ngayon ay bukas ang pintuan ng tatay mo para sa mga anak mo.

“Sana naman magbigay ng liwanag ito para sa iyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RESOLVE THE ISSUE IN A PEACEFUL WAY. Patuloy ni Marlene sa kanyang open letter, “Hindi naman sumasagot si Kuya Freddie. Alam ko minsan lang siya nagsalita at ang ganda ng sinabi niya.

“I understand that Maegan is angry at her father. I understood why she had to vent out in that interview she gave with Inquirer.

“Pero hindi ko na naiintindihan kung bakit lahat na ‘ata ng istasyon ng TV iniikutan niya para tuluyang saktan niya ang ama niya.

“Maegan had my full support in the beginning when I heard about her interview with Inquirer.

“But after I heard about her TV interviews, I asked her to please stop bashing her father publicly. Nasabi na niya ang gusto niya, sana tama na.

“I asked her to resolve this issue in a peaceful way.

“But she refuses, so she goes on and on and on campaigning against her father in public.

“And I find that very very sad, and wrong.

“My entire family is hurt because of this. We are all grieving.

“I am grieving not only for Maegan and her father but for all of us who love them both.

“My heart breaks for father and daughter, but most of all, my heart breaks for Maegan’s children who must feel the immense pain that is coming from this tragedy.

“I hope and pray that this dreadful situation ends in peace, sooner than later. And I hope my entire family and I learn from this nightmare.

“I am hopeful that this tragedy brings us all closer together, in the name of love and peace.”



ENDING HER RIFT WITH FREDDIE. Dahil sa insidenteng ito ay tinapos na rin ni Marlene ang kanyang alitan sa kapatid na si Freddie.

Saad niya, “I have not spoken to my brother Freddie or seen him for over 3 years because of some things he said against Jason and me to the media during the horrible tragedy we faced in 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I thought his behavior was wrong and unjust.

“I thought I’d never want to speak to my brother again. I thought I’d never want to see my brother in person again, not because he hurt me.

“I can endure that, but I couldn’t forgive him for hurting my son whose human rights were gravely violated by the government of the Philippines repeatedly.

“But because of this dreadful fight between Maegan and him, I felt such pain, not just for me but for every single member of my family.

“This is why I decided to humble myself and end my fight with my brother.

“I know I hurt Maegan as well because she believes I have chosen to side with his father, which is not true.

“I am on nobody’s side. I just want peace between them.

“So, I apologised to her too.

“I hope and pray that my humility rubs off on them so they may do the same to each other and end this dreadful fight between them.

“Thank you all for your kind words of support. I appreciate them deeply.

“Your touching words are blessings. They bring me comfort.

“Mabuhay po kayo!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN