Zsa Zsa Padilla gets a surprise visit from boyfriend Conrad Onglao at her birthday celebration in ASAP 19

Zsa Zsa Padilla was pleasantly surprised when her boyfriend, architect Conrad Onglao, made a surprise appearance during her birthday celebration in ASAP 19.


Sa May 28 pa ang ika-50 kaarawan ni Zsa Zsa Padilla pero nagdiwang na siya ng kanyang kaarawan sa ASAP 19 kaninang tanghali, May 25.

Ang “Only Girl (In the World)” ang inawit ni Zsa Zsa para sa kanyang solo number at gulat na gulat siya pagkatapos kumanta dahil sa biglang paglitaw ng kanyang boyfriend, ang architect na si Conrad Onglao.

Malaking sorpresa kay Zsa Zsa ang guesting ni Conrad sa ASAP 19, dahil bukod sa mahiyain, inilihim niya ang pagpunta sa studio ng Sunday noontime show ng ABS-CBN.

Ikinuwento ni Zsa Zsa na may sinat siya kagabi at na-appreciate niya ang pag-aalaga ni Conrad dahil ito pa ang nagsuot ng medyas sa kanyang mga paa.

Hindi na inililihim nina Zsa Zsa at Conrad ang kanilang relasyon na tanggap na tanggap ng mga anak ng singer/actress.

May blessing din ng mga anak ni Dolphy ang pakikipagrelasyon ni Zsa Zsa kay Conrad dahil gusto nila na maging maligaya ang kanilang dating stepmother.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN