Elmo Magalona claims no tension during encounter with rumored ex-gf Lauren Young at The PEP List awards night

Elmo Magalona (in photo), who came with rumored girlfriend Janine Gutierrez, says there was no tension or awkwardness when he encountered former onscreen partner Lauren Young at The PEP List awards night: “Hindi! Hindi naman kami magkagalit. Wala namang, alam mo ’yon, big deal, kasi parang close friend naman siya ng family ko. Close naman siya sa family ko and minsan nakikita ko pa rin siya, kaya wala namang ano.”


Kamakailan ay nanalo si Elmo Magalona sa The PEP List bilang Male Teen Star of the Year.

“Nakakatuwa actually, kasi nag-twenty ako this year e ’tapos nakakuha ako ng teen award, pero ’yon, parang ever since nag-start yung sa PEP nakita ko yung voting ng mga fans and supporters, super-hardworking sila talaga.

“Every day nagpu-post sila tapos sine-share nila sa akin na ’SuperElmo, nag-vote kami sa iyo for PEP!’

“’Tapos ayun hindi sila nag-stop and hanggang sa dulo binu-vote nila ako and nakaka-ano lang, nakaka-inspire na inspiration pa rin ako sa mga teens kahit na hindi naman ako teen na this year.

“Pero technically, alam mo yun, teen pa rin naman ako so yeah, kumbaga it’s another addition to my achievements,” pagpapasalamat niya.

Ang female counterpart sa award niya ay si Julie Anne San Jose, at nagkita sina Julie Anne, Elmo at ang date ni Elmo noong gabing iyon na si Janine Gutierrez sa ballroom ng Solaire Hotel and Casino.

Nagkausap din daw sila ni Julie Anne.

Ani Elmo, “Opo, nag-ano naman, from across the table, nakita ko siya.”

Nagkita rin daw sina Janine at Julie Anne.

“Yes, opo nagkita rin sila.

“Wala namang isyu,” sabi pa niya.

May isyu daw na bina-bash si Janine ng mga fans diumano ni Julie Anne.

Kapag may pagkakataon na nagkikita silang tatlo, tulad sa Sunday All Stars, wala naman daw awkward moment.

Nasa PEP List awards night rin si Lauren Young na napabalita dati na karelasyon ni Elmo; nagkita rin daw sila at wala rin naman daw awkward moment.

“Nag-hello, nagkumustahan,” pakli niya.

Kahit sina Janine at Lauren ay nagbatian at nagkumustahan rin.

“Nauna kaming dalawa ni Janine [sa red carpet], ’tapos nasa likod namin sina Lauren,” dagdag pa niya.

May nagtanong kay Elmo kung ano ang pakiramdam ng nasa isang lugar kasama sina Janine at Lauren. Wala bang tensyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matipid niyang sagot, “Wala.”

Hindi sila magkagalit ni Lauren?

“Hindi! Hindi naman kami magkagalit.

“Wala namang, alam mo ’yon, big deal, kasi parang close friend naman siya ng family ko. Close naman siya sa family ko and minsan nakikita ko pa rin siya, kaya wala namang ano,” paglinaw ni Elmo.

VILLA QUINTANA ENDING. Dahil sa nalalapit na pagwawakas ng Villa Quintana sa June 6, nalulungkot si Elmo Magalona.

“Nakakalungkot and kumbaga, ako ngayon, sinusulit ko lahat ng oras ko ngayon na nandun ako sa set, na kasama ko lahat, sa cast, sa staff,” sabi niya.

At siyempre, kasama sa tinutukoy niyang “lahat” ay ang leading lady niya sa Villa Quintana na si Janine Gutierrez.

“Kasama siya dun, of course,” diin niya.

Paano niya sinusulit ang oras niya?

“Sinusulit ko na parang iyon, yung mga bagay na hindi ko naman magagawa sa ibang lugar, na sa taping ko lang mahahanap, like yung mga katrabaho ko dun...

“Sinusulit ko na as in lagi kaming magkakausap, lagi kaming nag-o-organize ng party or ganun.

“Ganun talaga kami ka-close, e. So ganun ko sinusulit yung time ko,” sabi pa ni Elmo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo nitong Huwebes, May 22 sa Papa John’s restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

Kay Janine, ano ang pinakamami-miss ni Elmo?

Ayon kay Elmo, “Siguro yung unang beses naming mga eksena kasi ’yon, parang nagsisimula pa lang kami sa Villa Quintana and nag-aano pa... warm-up pa, pakiramadaman so ’yon, yung moments na ganun.

“Nung una pa, siguro nung simula pa lang ng Villa Quintana.”

At hindi rin nila inakala na magki-click ang tandem nila ni Janine.

“Yes! ’Tsaka yung maganda yung pagkakatanggap niya sa audience, e, iyon naman talaga yung goal namin since remake nga siya.

“Ang gusto namin hindi siya ma-compare dun sa luma, ginawa namin siya talagang bago so ako, masaya na rin ako na kumbaga this is the 2014 version ng Villa Quintana,” masaya niyang saad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INITIAL APPREHENSIONS. Sa simula kasi ng serye nila ay may mga nagduda kung tatanggapin ng publiko ang tambalan nila ni Janine. Pero dahil naging matagumpay ang serye ay napatunayan nila ni Janine na bagay sila at may chemistry bilang magkapareha.

Pagsang-ayon niya, “Well, marami nang tao nanoood ng Villa, sila talaga yung dapat bigyan ng focus because sila yung naka-appreciate ng story.

“Tapos yung team-up namin ni Janine, so sila talaga yung dapat naming bigyan ng oras at panahon at pasalamatan...

“Dahil pinanood nila from nung una pa hanggang sa dulo, hanggang sa ngayon nanonood pa rin sila ng Villa Quintana.”

UNFORGETTABLE MOMENTS. Tinanong namin si Elmo kung ano ang eksenang hindi niya makakalimutan sa Villa Quintana.

“Marami, e. Meron akong isang favorite na eksena kasama si Ate Shine [Sunshine Dizon], si Janine, si Kuya Raymart [Santiago], si Kuya Pao [Paolo Contis], lahat meron akong favorite scene together with them,” lahad niya.

At ano naman ang paborito niyang eksena kasama si Janine?

“Kay Janine, yung pinakamami-miss ko sigurong eksena ay yung mga eksena namin na nag-aaral kami, si Isagani saka si Lynette...

“Nag-aaral kasi dun pa lang sila nagkakamabutihan na hindi nga nila alam na gusto pala nila yung isa’t isa.

“Kasi ang tingin lang nila sa isa’t isa nung time na yun parang childhood friends.

“Pero nung dun nga, nagkaka-debelopan sila sa school so iyon, yung time na ’yon, yung moment kung paano namin ginawa, ’yon yung mami-miss ko,” ani Elmo.

LESSONS LEARNED. May mga bagay daw na natutunan si Elmo sa pagiging bahagi ng Villa Quintana.

Kuwento ni Elmo, “Natutunan ko na iba’t iba yung approach mo talaga, hindi biro yung kumbaga pag umaarte ka, hindi one-dimensional na isa lang ang kausap mo parati.

“Like sa eksena na ito, alam ko na yung nanay ko ang kausap ko, itong eksena na ito alam kong si Lynette ang kausap ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So mas naging deep lang yung pagkakaintindi ko sa acting ngayon, yung atake ko.”

“As a person siguro natutunan kong maging strong, kasi strong yung character ko, e.

“Nung una hindi, tapos nag-develop siya nang nag-develop hanggang sa lahat na ng tao sa paligid ni Isagani sinaktan siya.

“So alam mo ’yon, parang nag-ano siya... nag-bounce back dun, parang natuto siya dun sa lahat ng sakit na naramdaman niya before.”

Ginagampanan ni Elmo ang papel bilang Isagani sa Villa Quintana.

Masasabi ba niya na may mga katangian si Isagani na nakuha ni Elmo?

“Siguro, oo. May similar traits siguro,” pahayag niya.

MOVIE VERSION? Kung magkakaroon ng ideya ang GMA na gawing pelikula ang Villa Quintana, papayag daw si Elmo.

“Puwede, puwedeng gawin kasi very ano naman e, very realistic yung story ’tsaka may connection talaga na makaka-relate ang mga tao.

“And it’s a classic story, so oo naman, tingin ko magagawa. Puwede siyang gawing movie since hindi pa naman siya nagagawang pelikula before, TV show lang.

“Pero kung gagawin siyang movie, tingin ko kaya,” saad niya.

NEXT PROJECT. Hindi pa alam ni Elmo ang susunod niyang proyekto sa GMA.

Pakli niya, “Pero hopefully. Basta ngayon more on lubusin ko muna yung oras ko na dalawang araw sa Villa Quintana.”

Noong nakakausap namin si Elmo ay dalawang araw na lang ang natitira sa taping nila para sa serye.

“Siguro bakasyon muna, pahinga lang.

“Kasi tuluy-tuloy talaga yung Villa Quintana, halos konti lang yung pahinga since may iba pang work in between pero iyon siguro, back to pacing lang ng gym, school, pahinga, work, ’yon.

“Iba-balance ko lang ulit yung oras ko kasi ever since nung nag-start ako ng Villa Quintana, talagang most of my time napunta dun,” patuloy pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN