Janine Gutierrez on being bashed by JuliElmo fans: “Wala naman po kasi kaming problema sa isa’t isa.”

Despite being bashed by JuliElmo fans, Janine Gutierrez (shown with Elmo Magalona at The PEP List awards night held May 20) has nothing bad to say about fellow Kapuso actress Julie Anne San Jose: “Wala naman po kasi kaming problema sa isa’t isa. Sobrang I admire Julie because she’s talented and magaling siya so ayun, I admire her talent and wala namang, I don’t have anything bad to say against her.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine Gutierrez noong Huwebes, May 22, sa Papa John’s restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City, at ang unang itinanong namin kay Janine ay kung sino ang pinakamami-miss niya sa nalalapit na pagwawakas ng Villa Quintana sa June 6.

Noong araw ng aming panayam, dalawang araw na lang ang taping nila ni Elmo Magalona para sa nasabing serye.

“Lahat po sila!” panimula niyang pahayag.

Kabilang sa cast ng Villa Quintana sina Sunshine Dizon, Tanya Garcia, Paolo Contis, Maricar de Mesa at Raymart Santiago.

Patuloy pa niya, “Pinaka-nakaeksena ko si Kuya Pao at saka si Ate Maricar.

“Si Ate Maricar po, kung ano yung character niya sa show sobrang kabaligtaran siya sa totoong buhay.

“As in sobrang maalaga siya, lagi niya kaming pinapapakain, and ayun kasi kapag kahit hindi naman kami magkaeksena magkakasama kaming lahat sa tent.

“Si Kuya Raymart, si Ate Shine, si Kuya Pao, si Ate Maricar, si Ate Tanya, tapos kami ni Elmo. Kaya palagi talaga kaming nagkakakuwentuhan, tapos sabay-sabay kami kumakain kasama si Direk Gina kaya ayun.”

ON DIREK GINA. Mami-miss rin daw ni Janine ang direktor nilang si Gina Alajar.

At may mga natutunan din daw si Janine sa kanilang direktor.

Kuwento niya, “Naku madami! Of course, siyempre kailangan mo talagang ibigay yung best mo and kailangan galing sa totoong lugar yung kung anuman yung sinusubukan mong ipakita.

“And sobrang thankful ako na yung unang show ko si Direk Gina ang kasama namin kasi sobrang patient niya sa amin ni Elmo and she’s an actor’s director. And talagang tiniyaga niya kami.

“Hindi siya papayag na mapahiya ka sa eksena.

“Si Kuya Pao, mahal na mahal ko talaga si Kuya Pao.

“Mami-miss ko yung kakulitan niya ’tsaka palagi niya kaming niloloko and kapag kailangan mo din siyang kausapin about serious things, sobrang matino siyang kausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya ayun.”

Anong eksena sa Villa Quintana ang hindi niya makakalimutan?

“Yung debut ni Lynette,” pakli niya.

Ginagampanan ni Janine sa Villa Quintana ang papel bilang si Lynette at si Elmo naman ay gumaganap bilang si Isagani.

“Kasi may eksena dun na parang iyon yung unang beses na sinabi ni Isagani kay Lynette na mahal niya siya.

“And sobrang action-packed kasi yung debut na ’yon, e.

“Iyon, favorite kong eksena yung kay Isagani tsaka kay Lynette, sa debut niya,” dagdag niya.

Kahit may kontrobersiyang kinasasangkutan si Raymart (at Claudine Barretto), hindi raw nakikita nina Janine na dinadala nito ang problema sa trabaho.

“Sa set wala po. Alam ko naman na maraming pinagdadaanan si Kuya Raymart pero he’s very professional ’tsaka sobrang maalaga siya sa amin and wala, he’s just a really good person.

“Kapag trabaho naka-focus si Kuya Raymart sa trabaho,” pagpuri niya.

KNOWING ELMO BETTER. Sa mga panahon na magkasama sila ni Elmo, ano ang bagay na nadiskubre niya dito?

“Na talagang passionate siya sa pag-arte.

“Siguro big deal talaga yung Villa Quintana para sa kanya.

“Alam ko na talagang pinahalagahan niya yung show, lahat ng eksena talagang pinaghirapan niya and iyon, siguro iyon yung isang bagay na hindi ko in-expect, na ganun pala siya ka-dedicated dun sa character niya ’tsaka sa buong show,” patukoy niya kay Elmo.

WHAT’S NEXT? Hindi pa alam ni Janine kung ano ang susunod niyang show after Villa Quintana. Sa tanong naman kung nais ba niyang makasama sa isang serye ang ina niyang si Lotlot de Leon…

“Opo, gusto ko sana talagang makatrabaho si Mama.”

Gusto ba niya na si Elmo pa rin ang leading man niya sa susunod niyang proyekto?

“Opo,” pahabol pa niya.

Kung hindi si Elmo, kung pagpapahingahin muna ang kanilang loveteam…

“Siguro si Alden [Richards]. At siyempre po, si Dingdong [Dantes],” detalye niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP LIST CLOSE ENCOUNTER. Nagkita sina Janine, Elmo, Julie Anne San Jose at Lauren Young sa nakaraang PEP List awards night noong May 20 sa ballroom ng Solaire Hotel and Casino pero walang anumang tensyon na naganap sa pagitan nila.

Si Julie Anne ang dating ka-loveteam ni Elmo at si Lauren naman ay napabalitang dating karelasyon ni Elmo.

Nagpansinan sila at walang awkward moment.

Sabi pa niya, “Wala, hindi naman po kami awkward ni Julie, wala naman po kaming isyu sa isa’t isa.

“Palagi po kaming nagbabatian sa SAS [Sunday All Stars] and yung sa PEP awards, pareho kaming nagpaayos sa GMA so even before PEP nagkita na kami sa GMA.”

IGNORING BASHERS. May mga fans kasi ang JuliElmo na bina-bash si Janine.

“Sinusubukan ko na lang pong hindi pansinin kasi siyempre masama din kung puro negative yung iniisip mo, di ba? So ayun.

“Pero hindi naman po siguro lahat ng fans niya.

“Baka meron lang talagang mga iba na hindi natutuwa pero supportive din po yung fans nila sa Villa Quintana.

“So nagpapasalamat din ako dun sa mga tumanggap sa show kahit na iba yung partner ni Elmo,” saad niya.

Paano kung ang next project ng GMA ay isang kuwento ng love triangle na ang mga artista ay sila nina Elmo at Julie Anne?

“Puwede!

“Wala naman po kasi kaming problema sa isa’t isa.

“Sobrang I admire Julie because she’s talented and magaling siya so ayun, I admire her talent and wala namang, I don’t have anything bad to say against her,” pahayag pa niya.

Kahit sila raw ni Lauren ay wala ni anumang isyu.

BREAKOUT STAR NOMINATION. Speaking of The PEP List awards, nominado dito si Janine bilang Breakout Star pero ang nagwagi ay si Tom Rodriguez.

“Flattered, flattered po ako just to be noticed and included dun sa listahan na ’yon na kasama nga si Tom na talagang hinangaan ko sa My Husband’s Lover, sobrang hindi talaga ako nag-miss ng episode nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ayun nakakatuwa lang na napansin ako in that way,” pagpapasalamat ni Janine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN