Ian Batherson on his controversial sexy selfies: “Well, it made a lot of people happy, di ba? So I did a good thing!”

Ian Batherson on his sexy selfies circulating in gay websites: “I posted those photos just to let people know na nandito pa ako—na buhay pa naman ako. Those are photos that they will never forget, di ba? But now, hindi na muna natin gagawin iyon. I’m preparing for a few possible projects. Kailangan fresh ang image natin ulit. I will be busy kaya wala munang mga sexy selfies!”


Nagbalik na si Ian Batherson sa pangangalaga ng Mercator Models pagkatapos ng higit na isang taon mula noong umalis ito at lumipat sa pangangalaga ng Backroom Inc. ni Boy Abunda.

Sa naganap na 10th anniversary celebration ng Mercator Models ni Jonas Antonio Gaffud sa 71 Gramercy sa Makati City last May 23, si Ian ang nag-host ng event at sinabi nitong bumalik na siya sa pangangalaga ng orihinal niyang manager.

“Mercator is my first family in this business. Sila ang nag-push sa akin sa maraming projects and they were the ones responsible bakit ako nakasali sa Starstruck 5 at sa Survivor Philipppines: Celebrity Showdown.

“So I felt that I needed to go back to my original home. Malaki ang utang na loob ko sa Mercator.

“At first, I had second thoughts pa. Baka hindi na ako tanggapin.

“But Mama Jonas is so nice to take me back. Para nga akong prodigal son na nawala and now I’m back with them,” ngiti pa niya.

THE “PRODIGAL SON” RETURNS. Inamin nga ni Ian na masyado siyang naging impatient noong nasa poder pa siya ng Mercator.

“It’s really my fault talaga. I was kinda impatient—may mga gusto akong gawin pero lagi nilang sinasabi na hindi pa ako ready.

“Medyo pasaway ako before talaga.

“I wanted to know kung ano ba ang kaya kong gawin. I now realize that they wanted me to be ready muna. Hindi yung basta na lang ako bibigyan ng project.

“Now I’ve matured and learned to wait for that right opportunity,” pag-amin niya.

THANKFUL TO BACKROOM. Noong lumipat nga si Ian sa Backroom, naging part siya ng grupong NYOBG (Not Your Ordinary Boys and Girls). Regular silang nagsu-show sa lahat ng Casino Filipino.

“I am very thankful to Kuya Boy and Backroom that they made me a part of NYOBG. Marami akong natutunan and I enjoyed performing before so many people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas natutunan ko maging professional and to love my job.

“But this time, I want to go back to acting on TV. ’Yon naman ang gusto ko talaga aside from performing.

“Maayos naman akong nagpaalam sa Backroom.

“Nakakalungkot din kasi hindi na ako part ng NYOBG. I had a great time working with all of them,” saad niya.

Dahil sa mga regular gigs niya with NYOBG ay nakaipon si Ian at meron na siyang nabiling bahay.

“I really worked hard para makaipon. My goal is to buy my own house and slowly it came true.

“I feel good because I got something from working really hard for it,” diin pa niya.

WORKSHOPS. Desidido ngang bumalik sa pag-arte si Ian kaya agad siyang pinag-acting workshop sa mga mahuhusay na mga direktor at artista.

Patuloy pa niya, “When I got back with Mercator, they immediately sent me to acting workshops under Direk Rhyan Carlos, Pen Medina and Direk Laurice Guillen.

“I learned so much and I am a humble student because of them.

“As for my Tagalog, it’s a lot better now. Medyo may twang ng konti but definitely better than before. Kaya ko na mag-Tagalog nang maayos.”

Gusto ni Ian na muling makatrabaho ang mga nakasabay niya noon sa Starstruck.

“I miss them a lot. And they are all doing great like si Rocco Nacino, Enzo Pineda, Sef Cadayona. Busy silang lahat. I want to work with them again if possible.

“Hopefully, I can work again with GMA-7 since doon naman ako nagsimula.

“The last show I did with GMA-7 was Sisid with Jackie Rice. That was like three years ago pa.

“It all depends on where God takes me,” pahayag pa ni Ian.

SEXY SELFIES. Naging controbersiyal ang pagpapa-sexy ni Ian, lalo na yung selfies na naka-underwear lang siya na kumalat sa mga gay websites.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin siya kung ipagpapatuloy pa niya ang kanyang mga sexy selfies ngayong nakabalik na siya sa Mercator.

“Well, it made a lot of people happy, di ba? So I did a good thing!” tawa pa niya.

“I posted those photos just to let people know na nandito pa ako—na buhay pa naman ako.

“Those are photos that they will never forget, di ba?

“But now, hindi na muna natin gagawin iyon. I’m preparing for a few possible projects. Kailangan fresh ang image natin ulit.

“I will be busy kaya wala munang mga sexy selfies!”

LOVELIFE. Inamin nga ni Ian na meron siyang dine-date ngayon na taga-showbiz. Pero secret pa raw muna dahil gusto niyang handa sila kapag inamin na niya kung sino ang inspirasyon niya ngayon.

“I am dating someone beautiful right now. I can’t mention her name kasi baka magalit siya.

“When the time is right, I will make that announcement.

“Right now, we want to keep things private and enjoy our time together,” lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN