Martin del Rosario hints that gay rumors could be part of a smear campaign: “Meron akong idea, pero wala naman kasi akong proof.”

Martin del Rosario asks for respect: “Wala akong kailangang patunayan sa kanila. Ang hinihingi ko lang, respeto. Isipin n’yo na ang gusto n’yong isipin, pero sana at the end of the day, respetuhin naman n’yo ako. Kung hindi n’yo ako papaniwalaan, sana huwag n’yo naman akong i-judge.”


Nagbigay na ng pahayag si Martin del Rosario tungkol sa kumalat na litrato ng isang lalaking naka-blue na sando na may kahalikang lalaki.

Lumabas ito sa isang blog na tinatanong kung si Martin nga ba ang nasa litrato o kamukha lang nito.

Pahayag ng bagong Kapuso actor, “’Eto na naman, may dinagdag na naman na isang isyu tungkol sa binabato sa akin tungkol sa aking sexual preference. Hindi na naman totoo as usual.”

Napatunayan naman daw na hindi ang aktor ang nasa litrato dahil nakumpirma nila sa Facebook account ng isang nagngangalang RJ Charmant na si RJ ang nasa litratong iyon.

Pagkatapos lumabas at kumalat ang naturang litrato, kaagad na ipinarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng manager ni Martin na si Arnold Vegafria ang ilang litrato na nagpapatunay na hindi iyon si Martin.

Pina-check pa niya sa amin sa Facebook account nitong RJ Charmant, dahil nandun daw ang thread ng pag-uusap tungkol sa naturang litrato.

Wala na ang litratong iyon pero nabasa pa namin ang isang naka-post na naging viral na raw ang “kissing photo.” Sumagot lang itong RJ sa kanyang timeline ng “deadma.”

Tiningnan uli namin kahapon ang FB account nitong RJ Charmant at parang nalinis na niya ang kanyang timeline. Wala na yung mga litrato at pati ang mga ipinu-post nito.

Sabi ni Martin, nahihiya rin daw siya sa ibang taong nadadamay dahil wala naman daw silang kinalaman sa intrigang ibinibintang sa kanya.

Kaya wala raw siyang ano mang legal na hakbang laban sa nagkalat ng naturang litrato.

“Ayoko namang ma-involve pa yung mga tao dun sa picture. Kasi, respeto na lang sa kanila.

“Pag ginawa mong big deal yun, madadamay pa yung dalawang taong sila naman talaga yung sa picture.

“As much as possible, ayoko namang palakihin pa. Pero kailangan ko na ring magsalita, kasi lately, sunud-sunod na ang mga isyu na ganun,” paliwanag ni Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAMILY AFFECTED BY ISSUES. Kaya raw siya nagsalita na ay dahil nakikita na raw niyang apektado na ang kanyang mga magulang.

“Ako kasi yung type ng tao na ever since, nakakaano ng mga tsismis, intriga, talagang ganun-ganun lang. Basta ako, alam ko kung ano ang totoo, at kilala ko naman ang sarili ko, kaya okay lang ako.

“Pero once na nakikita ko na yung family na affected na, na parang si Mama na imbes na magtrabaho napi-pressure na siya sa mga comments ng mga tao, na si Martin ganito ganyan, siyempre pressure as a mom na parang ginulo ko ang buhay nila,” pahayag nito.

Hindi naman daw lingid sa kanya ang mga naglalabasang intrigang kinasangkutan niya.

Nalulungkot lang daw siya dahil lahat naman daw na mga naglabasan, walang basehan.

Aniya, “May mga stories na lumalabas na meron daw akong scandal, pero wala namang lumalabas.

“May boyfriend daw ako, na merong naglalaslas daw ako para sa lalaki.

“Tapos itong isyung ito na nakipaghalikan sa lalaki. Hindi na ba nila ako tatantanan?

Himutok pa nito, “Bago nila ako i-judge sana man lang meron man lang silang… meron lang silang proof na ba’t mo nasabi ‘yan.

“Parang gusto ko malaman saan nanggaling. Hindi yung paniwalaan agad dahil merong taong nagsulat ng ganyan, pinaniwalaan agad.

“Buti na lang malakas ang loob ko. Imagine, kung mahina lang ako, parang nakaka-degrade yung ganun, e."

Dagdag pa ng 21 anyos na aktor, “Before, sabi nila bad publicity is still publicity.

“Pero ang publicity na yun pag paulit-ulit na dinidiin sa ‘yo, hindi na rin siya maganda, e. Old issue na siya, pero parang nilalaliman ang isyu, lalong lumala nang lumala.”

ANOTHER ALLEGATION. Sinagot na rin tuloy ni Martin ang ibang intrigang matagal nang ibinabato sa kanya.

Isa na rito ang pagkaka-link niya sa isang commercial model na si Zuher Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin niyang kaibigan niya ito, pero hindi raw totoong may romantic relationship silang dalawa.

“Actually, affected din siya sa trabaho niya.

“Kawawa din, kasi akala ko ako din yung sobrang ano… pero ang image niya ganun din sa commercial industry, nahirapan din siya,” dagdag pa ng aktor.

Naapektuhan din daw tuloy ang kanilang friendship, dahil nagdesisyon na rin siyang medyo dumistansya sa kaibigan.

Deklara ni Martin, “Gusto ko lang i-confirm sa mga tao na I’m not gay.

“Hindi ako against sa gay relationships. In my case, I’m straight. Hindi ako against gay people,” sabi pa niya.

"Ba’t kailangan ko pang magpatunay pa? Kilala ko naman ang sarili ko, e.

“Wala akong kailangang patunayan sa kanila. Ang hinihingi ko lang, respeto.

“Kumbaga, paniwalaan n’yo na ang gusto n’yong paniwalaan. Isipin n’yo na ang gusto n’yong isipin, pero sana at the end of the day, respetuhin naman n’yo ako.

“Kung hindi n’yo ako papaniwalaan, sana huwag n’yo naman akong i-judge. Huwag n’yo akong gawan ng kuwento,” seryoso niyang pahayag.

THAILAND SIGHTING. Nilinaw din ng dating Kapamilya actor ang pagpunta niya sa Songkran Festival sa Thailand na nabigyan ng malisya dahil puntahan daw iyon ng mga bading.

Kuwento niya, “Sabi nila gay Mecca daw. I believe, ang mga tao, sila din ang nagbigay ng label sa ganung festival.

“Kasi ang Songkran Festival is New Year for Thailand. Nagbabasaan ang mga tao dun. Ang nagpuntahan dun, families, hindi lang gay people.

“Parang siguro, isa lang siyang favorite puntahan ng mga foreign gays, siguro mga Filipino gays. Kaya siya nabansagan ng mga Pinoy na gay Mecca, siguro mga Filipino gays pumupunta dun pag ano...” saad nito.

“Sabi nila may mga lumalabas sa Silom Street daw ako, ano daw yun.

“Actually, nagsa-shopping lang naman ako. Nagsa-shopping ako ng damit, nakita naman sa picture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, magkakatabi lang naman ang street dun, Patpong, Silom, kumbaga napunta lang ako sa isang street, they judged me na ganun na ako,” dagdag pa niya.

Sabi pa niya, siya pa nga raw ang nag-post nun sa Instagram account niya.

Na-realize na nga raw niyang naging limitado na raw ang mga kilos at pinupuntahan niya, dahil naiisip niyang baka mabigyan na naman ng malisya.

SMEAR CAMPAIGN? Tinanong namin si Martin kung may pinagdududahan ba siyang nagkakalat ng ganitong intriga.

Sagot nito, “Meron akong idea, pero wala naman kasi akong proof. I’m sure alam nila na alam ko na sila yung gagawa ng ganung bagay sa akin.”

“Ayoko naman isipin na ganun. Ayokong isipin na gusto talaga nila akong siraan. Pero kung gusto nga nila, choice na nila yun.”

May mga nagsabing baka kagagawan ito ng ilang taong nasa dating TV network na iniwan niya. Pero ayaw na raw niyang isipin iyon dahil maayos naman daw siyang nagpaalam sa Kapamilya network at tingin naman daw niya, wala siyang nakasamaan ng loob bago siya umalis.

“Parang pamilya ang trato ko sa kanila. Parang it would hurt me pag malaman ko na sila ang gumawa, pero wala namang proof e,” pakli nito.

HAPPY TO BE KAPUSO. Ngayon ay nagpapasalamat siya sa magandang pagtanggap sa kanya sa GMA-7.

Natutuwa raw siya dahil hindi pa nga raw siya nakapirma ng kontrata, binigyan na agad ito ng programa.

“Gusto kong pasalamatan ang GMA dahil binigay nila ang trust nila sa akin. Bago pa lang po ako, sinabak nila ako sa Rhodora X, primetime pa ‘yan.

“Malaking bagay po sa kin yun. Kumbaga, nandiyan agad ang trust, e. Malaking isyu sa akin yun na pinagkatiwalaan nila ako.

“Okay talaga. Proud to be Kapuso talaga,” tugon nito.

Naging kumportable daw siya agad sa set ng Rhodora X dahil maayos daw ang pakikitungo sa kanya, at naging close daw niya kaagad ang mga katrabaho niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN