Zsa Zsa Padilla on boyfriend Conrad Onglao: "He brought back the smile."

Divine Diva Zsa Zsa Padilla gets a surprise visit from boyfriend Conrad Onglao on her birthday celebration in ASAP 19.


Lalong naging espesyal ang birthday celebration ni Zsa Zsa Padilla sa ASAP 19 kahapon, May 25, dahil naging surprise guest niya sa kanyang birthday celebration ang current boyfriend niyang si Conrad Onglao, isang kilalang arkitekto.

Read: Zsa Zsa Padilla gets a surprise visit from boyfriend Conrad Onglao at her birthday celebration in ASAP 19

Pagkatapos ng kanyang production number, lumabas sa entablado si Conrad bitbit ang bouquet of flowers na iniabot niya sa Divine Diva.

Sinamahan naman nina Nikki Gil at Gary Valenciano sa stage ang dalawa.

Ayon kay Zsa Zsa, ikinagulat niya ang pagpayag ni Conrad na lumabas sa telebisyon dahil alam niyang isa itong pribadong tao.

Nagtanong agad si Nikki kay Zsa Zsa kung si Conrad ba ang dahilan ng beautiful smile nito.

Tugon naman ni Zsa Zsa: "Yes, he brought back the smile."

Naghiyawan ang audience sa sagot ng singer-actress.

Ikinuwento rin ni Zsa Zsa na noong nilagnat siya ng gabi ng Sabado, May 24, ay inalagaan at kinuwentuhan siya ni Conrad.

Sinabi rin ni Gary V. na tuwing Linggo ay napapansin niyang lagi nang nakangiti si Zsa Zsa.

Nang hingan ng maikling mensahe para kay Zsa Zsa, sinabi ni Conrad na hinahangad niya ang mas marami pang success and happiness para sa kasintahan.

Humirit si Gary na alam niyang aabot ba sa "happily ever after" ang pagsasama ng dalawa.

Pabirong sagot ni Zsa Zsa, "Ako ba ang magpo-propose?"

Bago lumapit si Zsa Zsa sa kanyang cake para hipan ang kanyang birthday candle, hinawakan niya ang kamay ni Conrad para samahan siya.

Pagkatapos hipan ang cake, isang mabilis na halik sa labi ang ibinigay ni Conrad sa Divine Diva.

Halos dalawang taon na ang nakalilipas nang yumao ang longtime partner ni Zsa Zsa, ang Comedy King na si Dolphy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN