Claudine Barretto settles issue with Mon and Raffy Tulfo

Two years after their airport incident, actress Claudine Barretto finally settled her issue with brothers Mon and Raffy Tulfo. Caudine posted of her and Raffy on Instagram last Thursday, May 22.


Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang maganap ang engkuwentro sa pagitan ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago at ng beteranong broadcast journalist na si Mon Tulfo sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Read: Raymart Santiago and Mon Tulfo engage in fistfight over flare-up video of Claudine Barretto at the airport

Nadamay rin sa gulo ang mga kapatid ni Mon na sina Erwin, Ben, at Raffy dahil sa hayagang pagkampi ng mga ito sa kanilang kuya at ang pagbabanta ng mga ito sa mag-asawa sa kanilang TV5 program na T3.

Read: Tulfo brothers Ben, Raffy and Erwin air their disgust over the beating of brother Mon by Raymart, Claudine and the latter’s friends

Dahil sa insidente ay nagsampa ng kaliwa’t kanang reklamo ang magkabilang partido.

Pero nitong Huwebes, May 22, marami ang nagulat sa ipinost na larawan ni Claudine sa kanyang Instagram account, kunsaan kasama niya si Raffy Tulfo at ang abugado ng aktres na si Atty. Ferdinand Topacio.

Sa caption ni Claudine ay may nakalagay na: “Peace. Had a nice afternoon with u po Sir Raffy Tulfo. God bless po @ferdietopacio.”

Read: Claudine Barretto regrets marrying Raymart Santiago: "Wala na rin akong respeto na kahit konti sa kanya."

Dahil sa larawang ito ay marami ang nagsasabing nagkaayos na sina Claudine at Raffy.

ALL’S WELL THAT ENDS WELL? Sa phone interview ng The Buzz 15 kay Claudine kahapon, May 25, sinabi nitong nagkita sila ni Raffy sa isang lunch at magkaiba ang meeting nila noong oras na yun.

“I don’t know how it started na parang… hindi naman importante kung sino ang nagsabi.

“What’s important is napakabuting tao niya pala.”

Kinumpirma rin ni Claudine na nagkaayos na sila ni Mon Tulfo.

Saad ni Claudine, “Okay na, nagkausap na kami ni Kuya Mon.

“Una pa lang, sabi niya nahihiya nga raw siya sa akin, humihingi ng pasensiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At ako rin, ganun sa kanya.”

Sa hiwalay na phone interview ng show kay Raffy, sinabi nitong ang abugado ni Claudine na si Atty. Topacio ay matalik niyang kaibigan.

Aniya, “Si Atty. Topacio ay best friend ko. Sinabihan niya ako na if it’s okay, isasama niya si Claudine sa isang meeting namin, ’Maganda siguro magkabati-bati kayo.’

“Sabi ko, siguro kung magkakaroon kami ng pag-uusap… Of course, nag-reach out siya sa akin at nag-sorry, then, yun, nagkapatawaran, okay na.”



MON TULFO. Sa panayam naman ng The Buzz 15 kay Mon, tila may iba siyang pakahulugan sa pagkikita nina Raffy at Claudine.

Sabi nito, “Natawa ako kasi kilalang-kilala ko si Raffy.

“Yung tawa niya, yung ngiti niya, parang nakakaloko. Sinakyan-sakyan lang niya si Claudine.”

Bagat kinumpirma rin ni Mon na napatawad na niya si Claudine, may patama pa rin siya tungkol sa aktres.

Aniya, “Matagal ko na siyang pinatawad at dapat unawain mo ang babae.

“Meron pang diperensiya sa pag-iisip. Dapat nga ‘yan kaawaan at unawain.”

Kumusta ang mga kasong isinampa niya noon laban kina Raymart at Claudine?

Sagot ni Mon, “Wala na, hindi na ako nag-a-attend ng hearing.

“Una, pinatawad ko na nga silang lahat.

“Pangalawa, wala akong tiwala sa hustisya natin.”

Para kay Mon, mas maganda raw kung humingi ng tawad sa kanya si Raymart at ang ibang kasamahan nito na nambugbog sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN