Vice Ganda speaks up about Terrence Romeo’s denial

“Kung tutuusin, kayang-kaya kong ipagtanggol ang sarili ko at ilahad lahat ng gustong malaman ng bayan, kung gugustuhin ko lang. Pero kapag ginawa ko yun, may mapapahiya, mapapahamak, at masasaktan. Ayokong manakit ng tao, lalo na kung ang taong yun ay minsang nagpangiti at may nagawang mabuti sa akin," pahayag ni Vice Ganda kaugnay ng pagde-deny ng PBA player na si Terrence Romeo na nagkaroon sila ng relasyon, at sa mga masasakit na salita na binitawan laban sa kanya ng


Dahil sa cryptic tweet ni Vice Ganda na “i TRied but i’m TiRed. time To Rest,” marami ang humula at nagbigay ng espekulasyon na ang capital letters na “T” at “R” ay tumutukoy sa initials ng naka-break na boyfriend ng comedian-TV host.

Ito ay ang rookie player ng koponang GlobalPort sa PBA na si Terrence Romeo.

Sa kabila ng matagal nang usap-usapan tungkol sa kanilang dalawa, hindi inamin kailanman ni Vice kung sino o ano ang pangalan ng kanyang boyfriend.

Ngunit may ilang pangalan na ng varsity players ang lumitaw at sinasabing siyang karelasyon ni Vice.

Pagkatapos lumabas ng tweet ni Vice, kung saan na-highlight ang mga letrang T at R, ay nag-tweet si Terrence Romeo upang pabulaanan na nagkaroon sila ng relasyon ni Vice.

Read: PBA player Terrence Romeo addresses rumors of relationship with Vice Ganda

Pagkatapos nito ay kinunan din ng pahayag ang ama ni Terrence, at nagbitiw ito ng masasakit na salita laban kay Vice.



VICE’S REACTION. Sumunod naman nito ay ipinagtanggol ni Vice ang kanyang sarili sa isyu.

Sabi ni Vice sa panayam sa kanya ng The Buzz 15, “Never akong nagpangalan.

“I never clarified, I never confirmed. I never said that we were together.

“Wala akong tahasan, direktang sinabi na Terrence Romeo. Wala akong ganyan.

“At wala akong sinabing anumang masama sa kanya, and I will never say anything ill about him.”

Hindi naman itinanggi ni Vice na magkakilala sila ni Terrence.

“Oo, magkakilala kami, magkaibigan kami until kahapon.

“Noong nabasa ko yung ano…” pagtukoy niya sa tweet ni Terrence kung saan itinanggi nitong nagkaroon sila ng relasyon.

Pero nagkausap na raw sila ng basketball player.

Ayon kay Vice, “Tinawagan niya ako to clarify and apologize for what he said. Kung ano ang lumabas, ano ang mga nasabi nila.

“At saka, I felt sorry for him, kasi napakinggan ko yung podcast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naawa ako kasi parang napaglaruan sila ng nag-i-interview.

“Kaya sabi ko sa kanila, ’I never had any doubt that it will come from your mouth. I know na hindi nanggaling sa bibig mo’ yung kinowt [quoted] sa kanya.

“It was spoonfed, ibinigay lang sa kanya.

“Naawa rin naman ako sa kanya. Kasi wala siyang magawa, na-pressure, and yun lang...”

Nakarating din sa kaalaman ni Vice ang mga nasabing hindi maganda ng ama ni Terrence laban sa kanya.

Sabi naman ni Vice tungkol dito, “I respect him.

“Nauunawaan ko na may mga bagay na hindi sila nauunawaan, kaya uunawain ko na lang para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.”

Inamin naman ni Vice na nasaktan siya sa isyu.

Saad niya, “Hindi ako manloloko ng tao.

“I’m not so okay, but I don’t have any negative words to say about them.

“Gustong kong ipagtanggol ang sarili ko, pero ayokong may taong lalong masaktan at mapahiya kung lalo ko pang ipagtanggol ang sarili ko.

“Ayokong manakit ng isang tao na naging mahalaga sa akin. Ayokong manakit ng kaibigan.”

Patuloy niya, “Whatever they have to say about me and kung anuman ang gusto nilang iparating sa akin, nasa kanila yun.

“Kung masakit man, ako na lang ang masasaktan. Hindi na ako mananakit.”

Pinipigilan niya ba ang mga luha niya?

“Right now, no... parang hindi naman. I already cried so much last night.

“I tried to smile. I’m trying my best to smile.

“Sabi ko nga kagabi sa Showtime, at times, I’m smiling because I’m happy.

“This time, I’m smiling because I am strong.”



TEXT MESSAGE. Pagkatapos ipalabas ang taped interview kay Vice, binasa naman ni Kris Aquino ang karagdagang mensahe ng kaibigang komedyante.

Sabi ni Vice sa kanyang text message kay Kris, “Kung tutuusin, kayang-kaya kong ipagtanggol ang sarili ko at ilahad lahat ng gustong malaman ng bayan, kung gugustuhin ko lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag ginawa ko yun, may mapapahiya, mapapahamak, at masasaktan.

“Ayokong manakit ng tao, lalo na kung ang taong yun ay minsang nagpangiti at may nagawang mabuti sa akin.

“Maraming magandang alaala ng pagkakaibigan, yun na lang ang aking pahahalagahan.

“Kahit naman ikaw asawa, alam mo namang lahat, ‘di ba?

“At dahil mahal mo ako, kahit gusto mo akong ipagtanggol, hindi ka na lamang magsasalita.”



KRIS’S REACTION. Tinanong naman ni Boy Abunda si Kris, bilang malapit na kaibigan ni Vice, kung hindi ba ito magsasalita.

Sabi ni Kris, “Isa lang ang pinapaklaro niya, kasi I listened to that podcast.

“Vice never met Terrence Romeo noong high school pa lang si Terrence.

“Parang four times, five times naulit ng father yun.

“Pero, no, they really just met in FEU [Far Eastern University] and, yun nga, there’s not truth about the Hummer [jeep].

“Kakasakay lang namin sa Hummer ni Vice at hindi rin totoo ang condominium, and they were really friends.

“And in fact, I think, Vice is really handling the situation very well because in a situation like this, the less said, the better.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN