Giselle Sanchez squeezes real score between Elmo Magalona and Janine Gutierrez: “When you say you’re dating, that’s like boyfriend-girlfriend."

Elmo Magalona refuses to confirm that he and Janine Gutierrez are now in a relationship. Giselle Sanchez insists, however, that to say that they’re "dating" is the same with being "boyfriend-girlfriend."


Pilit na pinaamin ni Giselle Sanchez sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez tungkol sa tunay na estado ng relasyon ng dalawang young stars.

Kumatawan bilang celebrity host si Giselle para sa red-carpet event ng The PEP List awards night na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino noong May 20.

Dito nakapanayam ni Giselle sina Elmo at Janine, na umaming magka-date sila para sa naturang event.

Ngunit halatang nagulat ang dalawa at hindi alam kung ano ang isasagot nang diretsahan silang tinanong ni Giselle kung mag-“boyfriend-girlfriend” na ba sila.

Tila pa-safe na pahayag ni Elmo tungkol sa ugnayan nila ni Janine, “We actually just keep saying that we’re dating, but not really [boyfriend-girlfriend].”

Ngunit giit ni Giselle, “When you say you’re dating, that’s like boyfriend-girlfriend.

“So, ladies and gentlemen, it’s official! Elmo and Janine are dating, they’re boyfriend-girlfriend!"

"And ako ang naka-squeeze ng news! Woohoo!”

Walang nagawa si Elmo kundi ang ngumiti at manatiling tikom ang bibig.

Si Janine naman ay idinaan na lang din sa tawa ang kanyang pagkagulat dahil sa tinuran ni Giselle.

Humirit pa ulit ang sexy comedienne at tinanong si Janine kung paano niya mailalarawan si Elmo bilang “boyfriend.”

Nag-alinlangang sumagot ang young actress at saka tumingin kay Elmo, na tila nagpapatulong kung ano ang dapat niyang sabihin.

Binigyan naman ni Elmo si Janine ng go signal na basta ilarawan na lang siya nito.

“He’s very sweet. He’s funny, and spontaneous, and I’m glad we’re here together,” nakangiting sabi ni Janine.

Pagkatapos ay tinanong naman ni Giselle si Elmo kung paano niya mailalarawan si Janine bilang “girlfriend.”

Agad namang sumagot si Elmo at sinabing, “She [Janine] is just really positive and she’s fun to be with. I like hanging out with her.”

Sa nakaraang panayam ng PEP kay Elmo ay inamin nitong si Janine ang nagbibigay inspirasyon sa kanya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gumagaan daw ang pakiramdam ng aktor kapag kasama niya ang dalaga.

Ngunit iwas din itong sabihin na opisyal na silang magkarelasyon ni Janine.

READ: Elmo Magalona neither confirms nor denies relationship with Janine Gutierrez: "Present time lang kami. Kung masaya kami, masaya kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN