Grae Fernandez sad over negative rumors about dad Mark Anthony Fernandez: "Kahit ano’ng sabihin nila, he’s a great dad po."

The OB Montesorri grade schooler is showing maturity at age 12 and knows the pitfall of showbiz high. Grae Fernandez assures, "Alam ko naman na po how I will counteract with confidence. Yung iba kasi, madaling ma-attract sa ganung bagay. ’Di lang naman po ang dad ko ang may pinagdaaaan na ganung bagay, ’di ba?"


Ang isa sa pumupukaw sa atensiyon ngayon ng teenage fans ay ang 12-year-old member ng Gimme 5 na si Grae Fernandez, anak ng aktor na si Mark Anthony Fernandez at kabiyak nitong si Melissa Garcia.

Apo rin siya ng dating aktres na si Alma Moreno at ng yumaong award-winning action star na si Rudy Fernandez.

Ang Gimme 5 naman ang teen group sensation na binuo ng Star Magic, ang talent and management arm ng ABS-CBN.

Ang iba pang miyembro ng sing-and-dance group na ito ay sina Nash Aguas, Joaquin Lucas Reyes, John Immanuel Bermundo, at Brace Arquiza.

PROUD SON. Ipinagmamalaki raw ni Grae na anak siya ni Mark Anthony, ngunit aminado siyang meron din itong downside.

Pahayag ni Grae, "Siguro may influence po talaga yung siya ang father ko at kilala yung name namin sa showbiz.

"Pero may ano din po ito... like, mataas ang expectations sa akin.

"At hindi ko pa alam kung paano ko maa-achieve yung expectations nila sa akin.

"Gusto ko rin yung influence ng dad ko at yung mga grandma at grandpa ko.

"Pero I want to make a name for myself."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Grae sa 1st PEP List Awards, noong May 20, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino.

Hindi naman daw kontra ang kanyang ama sa pagpasok niya sa showbiz, pero lagi raw siyang pinapaalalahanan nito.

Aniya, "Lagi niyang sinasabi po na kailangan ay mag-aral pa rin ako nang mabuti.

"Don’t forget school and always keep my feet on the ground.

"Sa pagiging artista naman, sabi niya na kailangang always be myself lang ako and be natural.

"Kailangang maging magalang, always mag-beso [kiss sa cheek] at ’wag isipin na trabaho ito. Fun lang po.

"Basta enjoy lang daw muna ako sa opportunities na dumarating sa akin.

"Be passionate about what I’m doing and work hard."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DAD’S SHADOW. Bakit nga ba naisipan ni Grae na pasukin ang showbiz sa mura niyang edad?

Sagot ng Kapamilya teen star, "Na-inspire po talaga ako ng dad ko.

"Kasi, nung bata pa po ako, lagi ko siyang nakikita sa TV.

"’Tapos sa every party na dinadala niya ako, para talagang gusto ko nang mag-artista na katulad niya.

"Siguro po yung feeling and fondness na marami kang makikilalang ibang tao, ’tapos yung fan po.

"’Tsaka, yung passion ko rin po talaga na magpasaya ng mga tao."



GREAT DAD. Aware din daw si Grae sa hindi magandang nakaraan ng kanyang ama.

Saad niya, "Alam ko po yun at sa kabila nun ay love na love ko pa rin siya.

"Kahit ano’ng sabihin nila, he’s a great dad po.

"So, kahit I feel sad na may mga kuwento pa rin tungkol sa kanya ngayon, I would like to defend him.

"Kasi, hindi naman po lahat alam how supportive he is as a father at mahal na mahal niya po kami."

Dahil nasa edad na rin siya na naiintindihan na ang mga nangyari sa kanyang ama, inalam namin kung napag-uusapan na ba nila ito.

Sagot ni Grae, "Nababanggit po niya minsan.

"’Tapos he tells me na, ’Don’t do bad things in your life.’

"And, yun nga po, lesson learned naman po yun.

"At sabi nga niya, huwag yumabang at huwag magluko-luko."

Dahil sa naging karanasan ng ama, alam daw ni Grae kung paano umiwas sa maaaring maging pangit na impluwensiya ng showbz sa kanya.

Sabi niya, "Alam ko naman na po how I will counteract with confidence.

"Mas mature po ako kahit ganito pa lang ang age ko.

"At saka, yun nga po, siguro kung ’di rin sa lesson na natutunan ng dad ko, baka hindi ko po alam...

"Yung iba kasi, madaling ma-attract sa ganung bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang naman po ang dad ko ang may pinagdaanan na ganung bagay sa showbiz, ’di ba?"

SHOWBIZ CRUSHES. Para maging magaan naman ang aming usapan, inalam namin kung sino ang crush niya sa showbiz.

"Si Kim Chiu po," nakangiti ngunit nahihiyang sagot ni Grae.

"Gusto ko po yung tsinita look niya.

"Sa mga ka-age ko naman, siguro yung closest, si Ella Cruz."

Si Ella ay an gumanap blang young Cristine Reyes sa teleseryeng Dahil Sa Pag-Ibig sa ABS CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN