Raffy Tulfo on ending rift with Claudine Barretto: ??Gusto ko na ring maka-move on???

IMAGE Borrowed from Claudine Barretto's Instagram

Ikinatuwa ni Raffy Tulfo na nagmula mismo sa kampo ni Claudine Barretto ang kagustuhang makipag-ayos sa kanya. Sinabi rin ng TV/radio host na "maayos" at "magalang" kausap ang aktres.


Noong May 22 ay lumabas ang balitang nakipag-ayos na si Claudine Barretto kay Raffy Tulfo.

Si Raffy ay isa sa Tulfo brothers na nakaalitan ng aktres dahil sa engkuwentrong naganap sa pagitan ng kapatid nilang si Mon Tulfo at ng mag-asawang Claudine at Raymart Santiago sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport noong May 2012.

Read: Raymart Santiago and Mon Tulfo engage in fistfight over flare-up video of Claudine Barretto at the airport

Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post si Claudine noong May 22, Huwebes, ng larawan nila ni Raffy, kasama ang legal counsel ng aktres na si Atty. Ferdinand Topacio, kung saan nakalagay sa caption ang sumusunod:

“Peace. had a nice afternoon with u po Sir Raffy Tulfo. Godbless po @ferdietopacio”

Read: Claudine Barretto regrets marrying Raymart Santiago: "Wala na rin akong respeto na kahit konti sa kanya."

Kinabukasan, May 23, nagkuwento si Raffy sa radio program nitong Wanted Sa Radyo, sa 92.3 NewsFM at Aksyon TV, tungkol sa pagkakaayos nila ni Claudine.

Sinabi ni Raffy na ang kaibigan niyang matalik na si Atty. Topacio ang nag-initiate ng naturang pagbabati.

Matagal na raw niyang kaibigan ang abugado kaya pumayag siya sa pakiusap nitong pagbatiin sila.

Saad niya, “E, yung nagri-reach out, babae, 'tapos gusto kong mag-move on, why not?

"Kaya sabi ko, ‘Sige, sige.’

“Kaya pinagtagpo niya [Atty. Topacio] kami.”

Sabi pa ni Raffy, “Lahat ng maginoong lalaki, kapag kampo na ng babae ang nag-abot ng kanilang kamay, at ang nagpapakumbaba, nakikipagkaibigan, hindi naman siguro tatanggi.

"'Pag tumanggi, hindi gentleman yun.”

Diin pa niya, “At gusto ko na ring maka-move on.

"Tumatanda tayo, ‘di ba? Pangit naman yung meron kang tinik sa dibdib.

“At maayos naman kausap at magalang kausap si Claudine.”

"MON IS INCONSISTENT..." Sa panayam naman kay Mon ng Aksyon ng TV5 noong Biyernes, May 23, sinabi nitong matagal na niyang napatawad si Claudine, ngunit ayaw raw nitong makipagbati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Mon, “Matagal ko nang pinatawad si Claudine. Si Claudine ay dapat unawain at kaawaan.”

Noong Sabado naman, May 24, isang short letter ang ipinadala ni Atty. Topacio sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sinabi niyang “insconsistent” at “hindi na niya alam ang kanyang sinasabi” tungkol sa mga binitawang salita ni Mon.

Narito ang kabuuang sulat ni Atty. Topacio:

"Palagay ko ay uliyanin na ang ating kaibigang si Kuya Mon Tulfo. He is being inconsistent at hindi na niya alam ang kanyang sinasabi.

"Sinabi niya na parang binibiro lamang ng kanyang kapatid na si Raffy Tulfo si Claudine nang nagbati ang dalawa noong makalawa.

"Kilala ko si Pareng Raffy sapagkat dekada na ang bilang ng aming pagkakaibigan.

“Hindi plastic na tao si Raffy at lalaking kausap ito.

"Nang masumpungan namin siya ni Claudine sa Sulu Hotel, sinsero at taos-puso ang kanilang pagbabati ni Claudine matapos nilang mag-usap ng masinsinan.

“Mabibigyan ito ng patotoo ng aking mga kapatid sa INC, kasama na ang tanyag na abugadong si Abraham Espejo, dekano ng New Era College of Law, na aming kasalo sa hapag-kainan.

“Kung may poot pa si G. Mon Tulfo sa kanyang puso para kay Claudine, huwag naman sana niyang idamay pa at ipahamak ang kanyang kapatid na si Raffy.

"Napakaganda na ng ipinakita si Raffy, at huwag naman sanang bigyan ng masamang kahulugan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN