Sarah Geronimo, Coco Martin elude Kris Aquino’s inquiries about their romantic affairs

Maybe This Time Coco Martin and Sarah Geronimo manage to elude Kris Aquino’s inquiries into their romantic affairs with charm and feigned ignorance.


Sa The Buzz 15 noong Linggo, May 25, inungkat ni Kris Aquino ang tungkol sa “pambubuko” ni Coco Martin kay Sarah Geronimo noong shooting nila ng pelikulang Maybe This Time.

Nabanggit daw ni Coco na kapag hindi sila nagte-take, masaya raw si Sarah dahil may ka-text ito.

Natawa naman si Sarah sa tanong ni Kris kung sino ba ang ka-text nito.

At saka ipinakita ni Kris ang larawan sa Instagram account ni Ryan Agoncillo kung saan magkakasama silang apat nina Judy Ann Santos at Matteo Guidicelli.

Sabi ni Sarah, “Supposedly, magri-race po sana siya...”

Sinong siya?

“Si Matteo po!” natatawang pag-amin naman ni Sarah.

“Kaya lang, he wasn’t feeling well. Binisita na lang namin si Kuya Ry at saka si Ate Juday [sa bike race].”

Kasama ba nila sa event ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo?

“Si Daddy, kasama ko po,” nakangiting sagot ni Sarah.

Ibinalik ni Kris ang tanong kung si Matteo ba ang ka-text ni Sarah kapag wala siyang take sa shooting ng pelikula nila ni Coco.

“Baka nga po, baka nga po siya ang ka-text ko,” alinlangang pag-amin ni Sarah.



COCO’S TURN. Sa parte naman ni Coco, nabanggit nito sa isang interview na maggi-girlfriend siya kapag 35 na siya.

Thirty-two years old ngayon si Coco.

Pahayag ng aktor, “E, kasi hindi naman ako nagmamadali.

"Sabi ko nga, baka nga 40 pa!

“Sabi ko nga, sasagarin ko ng lahat.

"At nakita naman nila na pagod na pagod na ako sa kaka-taping, nakakagawa pa ako ng indie at mainstream movies."

Tinanong naman ni Kris si Coco tungkol sa sinabi ni Erich Gonzales na sinabihan daw siya ng aktor ng: "May bahay na ako, kumpleto na, ikaw na lang ang kulang."

Natawang sabi ni Coco dito, “Hindi ko matandaan, ha.

“Hindi naman siguro, nagtatanungan lang kami siguro ng bahay kasi nagpapatayo rin siya ng bahay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino pa ang nasabihan niya nito?

“Wala, wala!” natatawang sagot ni Coco.

Nagbiro naman ni Sarah, “Parang narinig ko na ‘yan.”

Sinabi rin sa kanya ni Coco ang linyang yun?

“Hindi, parang linya palagi ng mga lalaki. May narinig lang ako, overheard,” sagot ng Popstar Princess.



HIS DREAM. Mas gusto raw ni Coco sa babae ay simple lang.

“Actually, gusto ko nga, hindi maganda, kasi seloso ako, e,” aniya.

Kapag may niligawan siya, baka isipin ng babae na hindi siya maganda?

“Hindi naman, sakto lang!” natatawang bawi ni Coco.

Sabi nga, men in general are polygamous, malikot sa babae, hirap maging faithful. Tingin ba ni Coco, mahihirapan siyang maging faithful?

Sagot niya, “A, hindi, kaya sabi ko nga, kung halimbawa, ito na, yun na yun, dire-diretso, kasi broken family ako.

“Kung sakali at hihiling ako, siguro yun, kasi nga, lahat nagawa ko na.

"Kahit papaano, okay na lahat.

“If ever na magka-family ako, sisiguraduhin ko na hindi mangyayari yun sa pamilya ko.”



SARAH’S REVELATION. Noong magkasama pa sila sa dating teleseryeng 1dol, sinasabing crush na ni Coco si Sarah.

Pero paglilinaw ni Sarah, “Yung sister ko po ang crush niya.”

Available pa ba ang kapatid niya?

“Yata, kaya lang malayo, nasa Paris.”

Ka-text ni Coco ang sister niya?

“A, hindi po,” nakangiting sabi ni Sarah.

Kung nagkataong walang Matteo, posible kayang i-pursue ni Coco si Sarah?

Tugon ng aktor, “Every time na nagkikita kami, hindi agad-agad.

“May warm-up kami, ’tapos later on, nagiging okay.

“Sabi ko nga, kahit sino sigurong leading man, napakaimposibleng hindi ma-in love kay Sarah.”

KRIS PURRS. Sa huling banda ng interview ay nagpasubali si Kris kay Sarah.

Kris: “Sarah, I hope it’s a painless experience. Kasi madalas mo akong tanggihan. Sana ngayon, huwag mo na ‘kong tanggihan, ha.”

Sarah: “Opo!”

Kris: “I was nice to you. Was I nice?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sarah: “Opo.”

Kinumpirma rin ni Kris na sila ni Coco ang magkasama sa pelikulang ilalahok sa Metro Manila Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN