Gardo Versoza involved in minor biking accident

Gardo Versoza’s photo on his Facebook wall this morning, around 7am, before the minor accident happened. Here he greeted his fb friends, "good morning, cupcakes..." (’cupcakes’ serve as his term of endearment to friends and vice-versa; it started during the time of ’Amaya’ in 2011)...


Nasangkot sa isang minor accident kanina, bandang 10 a.m., ang aktor na si Gardo Versoza.

Ang aksidente ay sanhi ng pagbibisikleta na palagiang ginagawa ni Gardo bilang hobby at pampabawas-timbang din.

Sa mabato at lubak-lubak na terrain na siyang pinagte-training-an ng bike racers na kung tawagin ay Thunderbird, sa Antipolo City, naaksidente si Gardo.

Ito ang ibinalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng personal assistant-trainer ng aktor na si Joel Emuslan, sa pamamagitan ng telepono, ngayong araw, May 26.

Kuwento ni Joel, “Hindi naman nadale ang katawan ni Sir Gardo.

“Pero tumambling siya, umangat yung likurang gulong ng racer bike, at bumagsak siya sa lupa.

“Buti pahiga agad ang bagsak niya, hindi tumama yung ulo sa batuhan.

“Pero naitukod niya yung daliri niya, kaya yun ang bumaliko at namaga.”

Malaking bisikleta—FoxRacerShox ang brand—ang ginagamit ni Gardo.

Kalaunan, nakausap din ng PEP ang aktor.

Aniya, “Awa ng Diyos, itong kaliwang daliri ko lang ang napuruhan.

“Naitukod ko kasi pagbagsak ko. Ang sakit!"

Nagkataong papunta si Gardo ang partner-talent manager niyang si Ivy Vicencio, makapananghalian, sa Cardinal Santos Hospital para ipagamot ang kanilang anak na si Deity Uziel, sanhi ng skin asthma na iniinda ng bata over the past weeks.

Makakapagpatingin na rin si Gardo sakaling may natamo siyang pilay sa iba pang bahagi ng katawan sanhi ng pagbagsak.

“Naku, bumaligtad ako!

“Hindi ko inaasahan, tumama kasi yung harapang gulong ng bike sa malaking bato, ayun, sabay angat naman ng gulong sa likuran, tuluy-tuloy na... ang bilis!

“May helmet naman ako, protection din sa ulo, kaya lang plakda!” natatawang kuwento pa ni Gardo sa PEP.

Hinggil naman sa susunod na katatampukang teleserye ni Gardo sa GMA, nagbigay lang ng hint ang aktor tungkol sa kinagigiliwan ngayong panooring series—drama man o comedy—involving gay characters.

Pero may hiwalay na impormasyong nabatid ang PEP tungkol sa isa na namang gay series, na makakasama ni Gardo si Gabby Eigenmann sa show, tungkol sa mga “beki” na may kanya-kanyang propesyon at drama sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ricky Davao ang magdidirek ng bagong gay dramedy mula sa Kapuso network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN