Marian Rivera enjoys stint in "Juan For All, All For Juan" segment of Eat Bulaga!

Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/43574/marian-rivera-enjoys-stint-in-juan-for-all-all-for-juan-segment-of-eat-bulaga" data-desc="Marian Rivera excited about her upcoming self-titled dance show on GMA." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d448b1d9b.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/43574/marian-rivera-enjoys-stint-in-juan-for-all-all-for-juan-segment-of-eat-bulaga" data-desc="Marian Rivera excited about her upcoming self-titled dance show on GMA." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d448b1d9b.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/43574/marian-rivera-enjoys-stint-in-juan-for-all-all-for-juan-segment-of-eat-bulaga" data-desc="Marian Rivera excited about her upcoming self-titled dance show on GMA." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d448b1d9b.jpg">

Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/43574/marian-rivera-enjoys-stint-in-juan-for-all-all-for-juan-segment-of-eat-bulaga" data-desc="Marian Rivera excited about her upcoming self-titled dance show on GMA." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d448b1d9b.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/43574/marian-rivera-enjoys-stint-in-juan-for-all-all-for-juan-segment-of-eat-bulaga" data-desc="Marian Rivera excited about her upcoming self-titled dance show on GMA." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d448b1d9b.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/43574/marian-rivera-enjoys-stint-in-juan-for-all-all-for-juan-segment-of-eat-bulaga" data-desc="Marian Rivera excited about her upcoming self-titled dance show on GMA." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d448b1d9b.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/43574/marian-rivera-enjoys-stint-in-juan-for-all-all-for-juan-segment-of-eat-bulaga" data-desc="Marian Rivera excited about her upcoming self-titled dance show on GMA." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d448b1d9b.jpg">

Marian Rivera on being part of "Juan For All, All For Juan" segment of Eat Bulaga!: “Yun nga ang sinasabi ko, iba pala talaga ang experience na ikaw mismo ang pumupunta sa bahay at nakikita mo ang pamilya kung anong estado meron sila. Iba yung nararanasan mo at nakikita mo sa mga tao, iba yung dulot nun sa akin. Mas lalo kong pinapahalagahan kung ano ang meron ako, mas minamahal ko. Lalo akong naging thankful sa mga biyayang ibinibigay sa akin


Mukhang napapadalas ang pagdi-date ngayon ng magkasintahang Marian Rivera at Dingdong Dantes, base na rin sa mga larawang ipinu-post ng aktres sa kanyang Instagram account.

Nakangiting sabi ni Marian tungkol dito, “Yun nga ang sinasabi ko sa Instagram ko, kumbaga, nag-i-invest kami ng time.

“Hindi lang siya ang magiging busy, pati ako magiging busy.

“Kaya kapag may time na puwede kaming mag-date, magdi-date talaga kami.”

Sa isang hiwalay na panayam ay nabanggit ni Dingdong na pareho silang pupunta ni Marian ng Amerika sa magkaibang pagkakataon, pero pipilitin daw nilang magkita roon.

Nakangiting sabi ng The PEP List Editors’ Choice Female TV Star of The Year, “Oo, e, kasi halos dalawang linggo akong mawawala.

“Ewan ko sa kanya. Sabi niya, hintayin ko raw siya.

“Ewan ko kung mahintay ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Marian sa grand launch niya bilang endorser ng bagong shampoo brand na Hana, kaninang tanghali, May 26, sa New World Hotel, Makati City.



EAT BULAGA!. Samantala, si Marian ang bagong dagdag sa masayang barkadahan sa noontime show ng TAPE Inc. at GMA Network na Eat Bulaga!

Ilang beses na siyang napapanood sa segment na “Juan For All, All For Juan,” kung saan personal nilang pinupuntahan ang mga nanalong contestant sa bahay.

Kasama ni Marian dito sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Maging si Marian ay nagbibigay ng papremyo sa pamamagitan ng “Puhunan Ni Yan.”

Pahayag ni Marian, “Yun nga ang sinasabi ko, iba pala talaga ang experience na ikaw mismo ang pumupunta sa bahay at nakikita mo ang pamilya kung anong estado meron sila.

“Iba yung nararanasan mo at nakikita mo sa mga tao, iba yung dulot nun sa akin.

“Mas lalo kong pinapahalagahan kung ano ang meron ako, mas minamahal ko.

“Lalo akong naging thankful sa mga biyayang ibinibigay sa akin ng Diyos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nararamdaman ni Marian kapag nakikita niya ang mga taong kanyang natulungan?

Sagot niya, “Yun nga ang sinasabi ko, iba pa rin kapag nakita mo ang taong may ngiti talaga.

“Kasi ito, live. Hindi mo puwedeng i-take... hindi mo puwedeng i-take two.

“Kaya kung ano ang nangyayari sa ‘Juan For All’ ay yun ang nangyayari sa totoong buhay.”

Bukod sa “Puhunan ni Yan,” namimigay rin si Marian ng suot niyang relo.

Natatawang lahad ni Marian, “To be honest, kahapon po [May 25], namili na po talaga ako ng relo. Sigurado na po yun.”

Kaninong ideya ang pagpasok niya sa Eat Bulaga!—sa kanya o sa manager niyang si Mr. Tony Tuviera?

Sabi ni Marian, “Actually, napag-uusapan na namin ‘yan nila Tatay noong pumasok ako sa kanya.

“Kaso, ang problema lang, hindi talaga kinaya ng schedule ko.

“Ngayong natapos na ang Carmela, nagkaroon kami ng pagkakataon para gawin ko siya.”

Si Marian daw mismo ang nag-request na sa segment na “Juan For All, All For Juan” siya ipasok.

“Oo… Sabi nga ni Tatay, ‘Ano ang choice mo, sa studio o ‘Juan For All?’

“’Ay, doon ako sa Juan For All!’”



HELPING OTHERS. Tuluy-tuloy na ba ang pagiging co-host niya ng Eat Bulaga!, lalo na’t marami ang nagre-request sa kanya?

Tugon ni Marian, “Bakit hindi, lalo na yung naranasan ko ngayon sa labas ng studio, happy ako dun, at yun ang gusto ko.

“Yung init, yung pagod, e, maliit lang na parte yun sa buhay ko.

“Ang importante, yung nakikita kong saya sa mga tao.”

Sa ginagawa niyang ito, mas napapalapit siya sa mga tao. Hindi kaya malayong baka pasukin na rin niya ang pulitika?

Paglilinaw ni Marian, “Hindi... hindi sa nagsasalita ako nang patapos, pero wala talaga sa dugo ko. Wala akong nararamdaman.

“Ang importante lang sa akin, makapagpaligaya ako ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Makita nila na may mga taong katulad natin na nagmamahal sa kanila at binibigyan talaga sila ng mga oras.

“At saka, iba, iba ang experience talaga.

“Tuparin ko muna ang pagiging ambassador ko sa mga taong may kapansanan.

“Saka yung bangka ko, hindi pa ako tapos. May second wave pa ako dun.”

Isandaan na raw ang naipamigay niyang bangka sa mga mangingisdang nasalanta ng bagyong Yolanda, pero sa birthday niya sa August ay gusto niyang madoble pa ito.

“Pero ayokong magsalita nang patapos. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin namin.

“Pero talagang gradual, inuusad ko talaga siya, dahil marami pang nangangailangang kababayan natin ng bangka, e.”

Ano naman ang reaksiyon ni Dingdong sa mga ginagawa niyang pagtulong?

“Happy siya, happy siya,” nakangiting sabi ni Marian.

Kung sakaling tanggapin ni Dingdong ang mga alok ditong pumasok sa pulitika, hindi malayong maging “politician’s wife” si Marian. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Napalunok talaga ako!” sambit niya.

“Alam niyo, mahirap pangunahan si Dong kung ano ang gusto niyang gawin.

“Pero sa nakikita ko kahit noon pa man, e, bukal talaga sa loob ni Dong ang pagtulong, higit lalo sa mga kabataan.

“Kaya nga sabi ko, natutuwa ako na hinirang siya na magandang ehemplo talaga ng mga kabataan, dahil ako mismo, nakita ko kung paano siya sa mga bata.”



NEW DANCE SHOW. Ngayong tapos na ang primetime series niyang Carmela, malapit nang magsimula ang bagong dance show ni Marian sa GMA Network, ang Marian.

Sabi ni Marian tungkol dito, “Excited ako, sobrang excited.

“Sabi ko nga, isa ito sa mga pangarap ko na ibinigay talaga ng GMA.”

Totoo bang si Batangas Governor at Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto ang magiging guest niya sa pilot episode ng Marian?

Sabi niya, “Ayokong mangako. Pero, magka-text kami.

“Sabi ko, ‘Hindi ako papayag na hindi kita guest kasi ikaw ang isa sa mga iniidolo ko talaga sa pagsasayaw.’ At hindi naman niya ako binigo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May co-host din si Marian sa Marian—ang kasamahan niya sa “Juan For All, All For Juan” na si Paolo Ballesteros.

Pero natatawang sabi niya, “Patay na naman ako sa GMA. Sinabi ko na talaga!”

Ano naman ang masasabi niya na siya pa rin ang nangunguna sa botohan para sa FHM’s Sexiest Woman?

Tugon ni Marian, “Alam niyo, ang palaging hirangin na pinaka-sexy, number one sa FHM, ito, e, sinasabi ko nga, kahit anong sexy mo, kahit anong ganda mo, nakadepende pa rin ito sa mga taong nagmamahal at bumuboto sa ‘yo.

“Kaya sa mga taong nagmamahal, bumuboto sa akin every day, mga fans club na nakikita ko sa Instagram, talagang power vote sila, e, thank you sa kanila.

“Hindi rin naman ako hihiranging number one last year kung hindi rin naman dahil sa akin.”

Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/43574/marian-rivera-enjoys-stint-in-juan-for-all-all-for-juan-segment-of-eat-bulaga" data-desc="Marian Rivera excited about her upcoming self-titled dance show on GMA." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d448b1d9b.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/43574/marian-rivera-enjoys-stint-in-juan-for-all-all-for-juan-segment-of-eat-bulaga" data-desc="Marian Rivera excited about her upcoming self-titled dance show on GMA." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d448b1d9b.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/43574/marian-rivera-enjoys-stint-in-juan-for-all-all-for-juan-segment-of-eat-bulaga" data-desc="Marian Rivera excited about her upcoming self-titled dance show on GMA." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d448b1d9b.jpg">


Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/43574/marian-rivera-enjoys-stint-in-juan-for-all-all-for-juan-segment-of-eat-bulaga" data-desc="Marian Rivera excited about her upcoming self-titled dance show on GMA." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d448b1d9b.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/43574/marian-rivera-enjoys-stint-in-juan-for-all-all-for-juan-segment-of-eat-bulaga" data-desc="Marian Rivera excited about her upcoming self-titled dance show on GMA." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d448b1d9b.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/43574/marian-rivera-enjoys-stint-in-juan-for-all-all-for-juan-segment-of-eat-bulaga" data-desc="Marian Rivera excited about her upcoming self-titled dance show on GMA." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d448b1d9b.jpg"> Eat Bulaga!" data-url="https://www.pep.ph/news/43574/marian-rivera-enjoys-stint-in-juan-for-all-all-for-juan-segment-of-eat-bulaga" data-desc="Marian Rivera excited about her upcoming self-titled dance show on GMA." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d448b1d9b.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN