Valerie "Bangs" Garcia on lessons from past relationships: "Learn to accept and adjust."

Valerie "Bangs" Garcia has a tall order for the next man in her life: He must be a good conversationalist ’cause “I’m always attracted to smart guys."


Mahigit isang taon nang single and available si Valerie "Bangs" Garcia.

Sa katunayan, tanging ang best friend niya ang nakasama ng aktres na magbakasyon sa Boracay para sa kanyang birthday salubong kagabi, March 26.

Ngayong araw, May 27, ang 27th birthday ni Bangs.

Kasabay nito ay nag-post si Bangs sa Instagram ng beach photo na may caption na: “The best is always yet to come… Every year on your birthday, you get a chance to start anew.”

Tiyempong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bangs sa birthday party niya, kasama ang kanyang fans sa McDonald’s, Quezon Avenue, Quezon City, kahapon, May 26.


HEART INTACT. Dito ay nilinaw ni Bangs na hindi siya brokenhearted at matagal nang nakapag-move on matapos ng dalawang magkasunod niyang failed relationships.

“Yeah, actually mabilis. I have two previous boyfriends.

"One lasted for almost four years.

“Yung isa naman naging boyfriend ko right after a month.

“So, parang naging rebound ko yung second [boyfriend] ko.

"Our relationship lasted for a year and three months,” kuwento ni Bangs.

Kung tutuusin ay ngayon lang daw talaga niya nae-enjoy ang pagiging single.

“Kapag ako kasi nasa isang relasyon, lagi kong iniintindi yung partner ko lang.

“So now I’ve learned to love myself better. Mas nakilala ko ang sarili ko.

“Mas nalaman ko kung anong weaknesses ko.

"So ngayon, mas mature na ako to handle things in life.”

Inamin din ni Bangs na muntik ulit siyang pumasok sa panibagong relasyon ngunit bigla na lang itong naudlot.

Sabi ng 27-year-old actress, “I was getting to know someone from Cebu pero medyo hindi kami nag-click.

“Basta hindi ko puwede sabihin kung bakit, so sa akin na lang yun.

"Sayang kasi sobrang okay siya.”

Ayon pa kay Bangs, hindi niya nanghihinayang kahit nauwi sa wala ang pakikipagrelasyon niya sa kanyang ex-boyfriends.

LESSONS ON LOVE. Naniniwala raw ang Kapamilya actress na sa tamang panahon ay makikilala niya ang lalaking para sa kanya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nasa relasyon ka, don’t expect too much.

"Kasi when you expect too much, mas nagkakaroon ng disappointments.

“And always learn to accept and adjust kasi hindi lahat ng gusto mo puwedeng mangyari.

“Kailangan you have to be submissive sometimes.

"Mag-submit ka rin sa partner mo. It takes two to tango.

“So, I think God is just preparing me for the perfect one.

“Masuwerte yung magiging next ko kasi ang dami ko nang lessons na natutunan,” nakangiting saad ni Bangs.

POGI POINTS. Aminado rin ang aktres na medyo mapili siya pagdating sa sukatan ng isang potential boyfriend.

Pero ang pinaka-plus pogi points sa kanya ay iyong lalaking good conversationalist.

“I’m always attracted to smart guys.

"I really want a guy who can cope up with conversations with me ‘cause I’m really talkative.

“Gusto ko ng guy na makakasama mo lang siya, kahit na wala kayong inaatupag na gadgets, you can talk about anything with him.

“Ayoko yung magkasama nga kayo, wala naman kayong napag-uusapan.

"I tend to get bored a lot. I need a guy who’s very adventurous.”

Bukod sa nabanggit ni Valerie na taga-Cebu ay may iba pa siyang manliligaw.

Ngunit sa ngayon ay hindi pa raw siya handang makipagrelasyon muli dahil marami pa siyang ibang priorities.

Kabilang na rito ang kanyang showbiz career, ang paggawa at pagbenta ng sarili niyang paintings, at planong pagpapatayo ng sarili niyang artisan restaurant.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN