Katrina Halili overjoyed by team-up with Tom Rodriguez in Niño

Katrina Halili plays a good person, for a change, in the primetime series Niño. She says, "Ita-try ko na maging convincing din ang portrayal ko bilang isang madre. Kaya nga happy ako, may kakaiba naman, ‘di ba? Kasi puro ‘yon [kontrabida roles] na lang lagi ang nakikita sa akin."


Nagsimula nang umere ang pinakabagong soap ng GMA Network na Niño.

Marami ang naninibago kay Katrina Halili dahil mabait na character naman ang ginagampanan niya rito.

“Yes, opo. This time, mabait naman, so may kakaiba silang makikita,” nakangiting sabi ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos siyang mag-guest sa Sunday All Stars noong Linggo, May 25.

Matagal na na-typecast si Katrina sa kontrabida roles. Naging mahirap ba sa kanya na mag-shift sa mabait na character naman?

Sagot niya, “Actually, binasa ko lang yung script.

“And sa tulong naman ni Direk Maryo [de los Reyes], medyo okey naman.

“Natuwa talaga ako na mabait na character naman ang ipinu-portray ko.

“Biro ko nga, ’Bigyan niyo naman ako ng chance!’” sabay tawa niya.

Tumatak na ang husay niya bilang kontrabida. Sa paningin ng marami, mas convincing siya kapag gumaganap na salbahe o maldita.

Pag-amin naman ni Katrina, “Challenge sa akin ito na isang mabait na character naman ang ginagampanan ko sa Niño.

“Ita-try ko na maging convincing din ang portrayal ko bilang isang madre.

“Kaya nga happy ako, may kakaiba naman, ‘di ba?

“Kasi puro ‘yon [kontrabida roles] na lang lagi ang nakikita sa akin.

“Happy ako na nabigyan ako ng chance ng GMA na iba naman yung gawin.

“At least puwede kong ipapanood sa anak ko,” pagtukoy niya kay Katrence, anak ng aktres sa singer na si Kris Lawrence.

“Kasi pambata, ‘di ba?

“And dapat abangan nila dito yung character ni Tom Rodriguez.

“Kaabang-abang po, napakaganda ng role niya.”

TOM RODRIGUEZ. Sa istorya ng Niño, bago naging madre ang character ni Katrina ay may nakaraang relasyon sila ni Tom at si Niño, na character ni Miguel Tanfelix, ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan.

Totoo nga bang natuwa at sobrang thankful si Katrina nang malamang si Tom ang gaganap na boyfriend niyang makakabuntis sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, grabe!” natawang reaksiyon ni Katrina.

“Oo! Bakit naman hindi, ‘di ba? Kasi, para iba naman.

“Grabe kayo!” tawa niya.

Hindi raw dapat lagyan ng malisya kung ganun man daw ang pagkagusto niyang makatrabaho si Tom.

“Ano ba ‘yon? Nanonood lang ako kasi dati ng My Husband’s Lover, kaya at least, nakatrabaho ko siya.

“Okey naman… magaling siya.”

Totoo rin ba na nailang siya nang kunan ang kissing scene nila ni Tom?

“Oo, nailang talaga ako,” pag-amin ni Katrina.

Nakailang take ba sila sa eksenang ‘yon?

Sagot niya, “Pina-take one ko lang, kasi ayoko nang paulit-ulit. Pero actually, na-take two.

"Kasi sinasabi nina Direk, ‘Hindi maganda… ano kayo, sixteen years old?’ So, pinaulit nila.

“Kaya yung mapapanood ninyo, pinaulit lang nila ‘yon, ha.

“Hindi ko talaga kagustuhan ‘yon, hindi ko ‘yon sinadya!” tawa ulit ni Katrina.



SEXY AGAIN. Sexy na ulit si Katrina pagkatapos isilang ang anak nila ni Kris Lawrence na si Katrence.

Sabi niya, “Kasi nagda-diet ako ’tapos nagdyi-gym din.

“Nagwu-workout ako three to four times a week, ‘tapos talagang diet.”

Gusto niyang sexy talaga siya sakaling matuloy na yung balitang plano nilang pagpapakasal ni Kris?

“Hindi, wala pa.

“Sa ngayon kasi, okey naman kami, ‘di ba?

“Si Katy muna yung priority namin.

“And siyempre, ano… mag-ipon muna kaming dalawa.

“Hindi naman porke, ‘Uy ganito,’ kailangang magpakasal na.

“Kailangang ready, ‘di ba? Kasi iyon na ‘yon, e—mag-asawa.

“So, kailangang ready kayong dalawa.

“Basta sa ngayon, focused lang kami na mag-ipon muna nang mag-ipon.

“Basta si Katy lang, ‘yon!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN