Andrei Paras says younger brother Kobe is his "source of energy"

Andrei Paras on working with the young cast of The Half Sisters: "Kaming apat nina Barbie, Thea, and Derrick, we get along very well. Na kahit gabi na, we get to smile pa rin. Kasi happy kami while working. I’m really actually having fun."


Malapit na ang school opening at gaya ng ibang estudyante, naghahanda na rin para rito si Andrei Paras.

First year student siya ng kursong Filmmaking sa University of the Philippines.

Kahit nagte-taping para sa GMA afternoon soap na The Half Sisters—kung saan kasama niya sina Barbie Forteza, Thea Tolentino, at Derrick Monasterio—hindi naman daw magiging mahirap para kay Andrei na um-attend ng regular classes.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sakto naman po sa schedule ko.

“I accepted the soap kasi I know na hindi magiging sagabal sa schedule ko sa school.

“I can still manage, yes, which is good—basketball, school, and this,” pagtukoy niya sa taping ng The Half Sisters.

Nakausap ng PEP si Andrei sa Sunday All Stars noong Linggo, May 25.



FIRST SOAP. Unang sabak pa lang ni Andrei sa soap.

Karibal ni Derrick kay Barbie ang character na kanyang ginagampanan sa The Half Sisters.

Kuwento ni Andrei, “Super-saya naman po sa set.

“Kaming apat nina Barbie, Thea, and Derrick, we get along very well.

“Na kahit gabi na, we get to smile pa rin. Kasi happy kami while working.

“I’m really actually having fun.

“It’s just like nung ginawa ko yung first movie ko na Diary Ng Panget.

“Same lang yung fun sa set, naiba lang yung mga kasama kong artista.”

Romance-comedy ang tema ng Diary Ng Panget. Drama naman ang The Half Sisters.

Sabi ni Andrei, “Nanibago lang po ako sa cast.

“Kasi may mga kasama kaming veteran actors na super-well known sila, e, ako, bago lang po.”

Mas mahirap mag-taping ng isang serye kumpara sa pagsu-shoot ng movie dahil grabe ang puyatan. Hindi ba siya nahihirapan?

Sabi ni Andrei, “Minsan kasi sa mga kinukunang sequences kasi, may time to rest. So I can take a nap.

“And then okey na sa akin ‘yon, may power na ulit ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okey lang din daw kay Andrei sakaling may i-groom din na ka-loveteam niya.

Bukod kay Barbie, open daw siya na ipareha kahit kanino pang Kapuso stars.

“Okey naman po sa akin, whatever they give me.

“I’ll do it very well, just to make people happy also po,” sabi niya.



KOBE PARAS. Nasa U.S. ngayon ang kapatid ni Andrei na si Kobe Paras. Very close silang magkapatid kaya sobrang nami-miss daw niya ito.

Kuwento ni Andrei, “He’s playing basketball there for training and studying also.

“And we communicate through social media po.

“Nasa high school pa lang siya.

"Hopefully, maging professional basketball player siya dahil isa ‘yon sa mga dreams nga niya."

Kasabay ni Andrei ang kapatid niyang si Kobe nang i-welcome sila bilang karagdagang co-hosts sa Sunday All Stars. At sinasabi nga ni Andrei na mas confident siya with his brother bilang kanyang ka-tandem sa hosting.

“Ngayon, hindi ko na siya kasama.

“Pero iniisip ko na lang na I’m doing it for him.

“Parang inspiration ko rin si Kobe kasi he’s my source of energy kahit noong mga bata pa kami,” sabi ni Andrei.

Player siya ng UP Fighting Maroons. Wala ba siyang balak na gawing career din ang basketball?

Sagot ng panganay na anak nina Benjie Paras at Jackie Forster, “Let’s see po. Hopefully in the future.

“Well, I already enjoy… I enjoy anything po.

“So, whatever comes my way, I’ll get the opportunity po.

“Sa showbiz, nag-e-enjoy rin po ako.

“At first, I’m nervous. But when I got to feel it, I got to meet new people po, sobrang relaxed na po ako.

“And then I feel at home na rin po.”



FUTURE FILMMAKER. Filmmaking ang kursong kinukuha niya sa kolehiyo. May plano rin siyang maging direktor?

Sagot ni Andrei, “Hopefully director and cinematographer po, or behind the camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, I just like it when people are happy.

“And then I’m also inspired na I can also make people happy with the films that I can make po.

“I’m inspired ‘coz of my dad. Kasi in front of the camera, masaya siyang tao.

“Nai-imagine ko na kahit sa bahay, napapasaya niya ang mga tao.

“So, why not become a person who can make people happy.

“Right now, kuntento naman po ako sa takbo ng career ko.

“I’m happy naman with Sunday All Stars, MTV Pinoy, and itong The Half Sisters po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN