Mikael Daez denies following Megan Young to her Miss World duties

Para kay Mikael Daez, hindi basehan ang pagkakaroon ng lovelife para maging masaya ang isang tao. Saad niya, “Enjoy naman ako when I’m single. Enjoy din naman ako when I have a girlfriend. So, parang pros and cons lang ‘yan, ‘di ba? Merong advantages, meron din namang disadvantages. Nasa iyo ‘yan kung saan ka mag-e-enjoy—being single ba or being having someone with you.”


Hanggang ngayon ay hindi pa rin inaamin ng Kapuso actor na si Mikael Daez ang totoong estado ng kanilang relasyon ng reigning Miss World na si Megan Young.

“We’re friends” ang palagi pa rin niyang sagot sa mga tanong ng entertainment press kung totoong silang dalawa na.

Ito ay sa kabila ng usap-usapang sinusundan niya raw ang events ni Megan kung saan man ito naroroon.

Muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa The PEP List Awards na ginanap noong May 20 sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino.

Dito ay muli siyang tinanong tungkol sa kanila ni Megan.

Sagot niya, “We’re still friends, we’re still friends.

“Yeah, I saw her noong huling nandito siya sa ‘Pinas, pero yun lang.

“I’ve been very busy.

"I just got back from Cambodia and we’re resuming Bubble Gang, ‘tapos nag-start na rin kami sa Small Family.

“’Midnight Express,’ tuluy-tuloy pa rin.

"And I’m doing a lot of work with so many brands [as a model], so I’m really busy."

Ang “Midnight Express” ay ang food segment sa late-night newscast na Saksi sa GMA Network.

Ang Small Family naman ang pinakabagong sitcom na ginagawa niya sa GMA pa rin.

Dagdag pa niyang pahayag tungkol sa namamagitan sa kanila ni Megan, “Well, I don’t know if may kulay ‘coz I see things with colors anyway.

“Same old, same old… wala na bang iba?”

Itinanggi rin niya na “hahabul-habol” daw siya sa mga lakad ni Megan, lalo kapag nasa Pilpinas ito performing her duties as Miss World.

Sabi ni Mikael, “No, I’m not, ‘coz I’ve been really busy.

“I’m not even updated with the activities of my friends and family right now.

“Whirlwind kasi kagagaling ko lang Cambodia last night, then lots of work to do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And parang wala pa nga akong limang oras na nasa bahay.”

LET HER BE. Gusto ba niyang matapos na ang reign ni Megan para mas magkaroon sila ng maraming oras para sa isa’t isa?

Pagkontra ng 26-year-old actor-model, “No, that’s good.

“Why would I do that? If she can be Miss World forever, why not?

“Basta kami, we’re okay, we’re still friends and nothing has changed."

Wala rin daw siyang balak ligawan si Megan kahit tapos na ang pagiging international beauty queen nito.

Ani Mikael, “No, at this point, I wanna focus on my work.

“I’m doing a lot of travellings, so I’m enjoying.”

Ibig ba nitong sabihin ay matagal pa siyang magkakaroon ng lovelife?

Sagot ni Mikael, “I’m enjoying naman.

“I have so many friends at lumalabas din naman ako.

“When I’m travelling, I got to meet a lot of people, so I’m happy.”

THE SINGLE MAN. Mas nag-e-enjoy ba siya bilang single kaysa kung mayroon siyang karelasyon ngayon?

Mabilis niyang tugon, “I guess, I don’t have preference.

“Enjoy naman ako when I’m single. Enjoy din naman ako when I have a girlfriend.

“So, parang pros and cons lang ‘yan, ‘di ba? Merong advantages, meron din namang disadvantages.

“Nasa iyo ‘yan kung saan ka mag-e-enjoy—being single ba or being having someone with you.”

Ano naman ang mensahe niya sa mga babaeng nagkakainteres sa kanya, dahil isa siya sa pinaka-eligible bachelors ngayon?

“Where are you? Say hi!

“I’m very friendly. I don’t bite unless you want me to bite!” natatawang sabi niya.

Gusto rin ba niyang “kagatin” siya ng mga ito?

Tawa na naman niya, “No, no! I don’t mean... it was just a figure of speech.”



GAY ROLE. Tungkol naman sa bago niyang show na Small Family, isang gay role daw ang gagampanan niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam na aarte siya bilang isang beki?

Gusto raw sana ni Mikael na maging sorpresa ang role niya rito, pero nagulat siya nang alam na pala ito ng press.

“Nasabi na pala? Wala na akong magagawa.

“Gusto ko kasing maging surprise, ano ba ‘yan?!

“Basta masaya ‘yan. Basta ang konsepto niya ay very intriguing kasi contemporary siya.

“Alam mo naman tayong mga Pinoy, very traditional, pero heto, bago. Very modern na Filipino family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN