Sarah Geronimo: “Kung anuman ang mga pinagdadaanan ko ngayon ay first time kong nae-experience sa buhay ko.”

At the bloggers’ conference of her upcoming movie, Sarah
Geronimo evades question about rumored relationship with Matteo
Guidicelli. “Bilang respeto sa pelikula, sa leading man ko, hindi
tamang panahon para sagutin ang personal issues,” says Sarah..


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah Geronimo kung ano ang natutunan niya pagdating sa pag-ibig pagkatapos niyang gawin ang pelikula nila ni Coco Martin, ang Maybe This Time.

Sagot ng Popstar Princess, “Mamimili ka ng klase ng pagmamahal… kasi merong pagmamahal na mababaw.

“Hindi naman tayo nandito para manghusga ng pagmamahal na pinagdadaanan ng bawat tao, pero at the end of the day, we want to have the kind of love na buung-buo sa puso mo, na hindi lang dahil you want to please the other person, the other half.

“Dapat masayang-masaya ka rin dahil naging totoo ka sa sarili mo.”

Nakausap ng PEP si Sarah sa bloggers’ conference ng Maybe This Time sa Star Cinema office kaninang tanghali, May 27.

Sinundot ng tanong si Sarah kung handa na ba niyang aminin ang napapabalitang relasyon nila ni Matteo Guidicelli, subalit umiwas si Sarah.

“Bilang respeto sa pelikula, sa leading man ko, hindi tamang panahon para sagutin ang personal issues,” sagot ni Sarah.



THE RIGHT TIME TO FALL IN LOVE. Sa isang punto ng question-and-answer—kasama ang leading stars, staff and creative team ng pelikula—itinanong kay Sarah kung kailan ang tamang panahon para magmahal.

Tugon niya, “Wala namang makakapagsabi sa atin kung ano ang pag-ibig na nakalaan para sa ‘yo.

“Kapag ikaw ang nagmahal, siyempre you want to love to last forever.

“Ibibigay mo ang 100 percent na pagmamahal mo, pero dapat alam mo kung paano alagaan ang sarili mo.

“Para sa akin, wala pa naman ako sa posisyon, pero kung anuman ang mga pinagdadaanan ko ngayon ay first time kong nae-experience sa buhay ko.”

Pagpapatuloy pa ng singer-actress: “Twenty-six na ako, pero first time kong nae-experience lahat ito.

“Basta ang importante lang siguro, you seek guidance kay Lord, hindi ba? Ipagdasal mo lang kung ano ang will Niya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kung tayo lang ay go lang tayo nang go, hindi ba?

"Kapag nagmahal tayo, talagang ipaglalaban mo.

"Pero kapag si Lord na ang nagbigay ng senyales na, ‘Anak, tuloy lang, anak... Tama na.’

“Maniniwala tayo na si Lord ay in-charge din sa lovelife natin.”

Inusisa si Sarah sa nakakaintriga niyang pahayag tungkol sa mga first
time niyang pinagdadaanan pagdating sa karanasan sa buhay.

Ang maiksi niyang tugon: “Siguro ang mga pinagdadahanan ko sa buhay
ko, yung mga personal sa buhay ko na pinagdadaanan ko, ayun…

“Mahirap magbigay ng personal details, pero in time…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN