Yasmien Kurdi to undergo operation to remove cyst in her vocal cord

Aminado si Yasmien Kurdi na kinakabahan siya sa gagawing operasyon sa kanyang lalamunan. Saad niya, "Siyempre, career ko ang nakasalalay, e. Hindi ko alam kasi kung may magiging epekto ba ito sa voice ko. Pero kailangang operahan, kasi masakit siya, e."


Sa Biyernes, May 30, na ang last episode ng GMA primetime series na Rhodora X.

Tinitiyak ng isa sa mga bida ng teleserye na si Yasmien Kurdi na higit na magiging kaabang-abang ang huling linggo nila.

Sabi ng Kapuso actress, “Yung hindi ninyo ini-expect, iyon ang magiging pagtatapos.

“And I think… siguro matutuwa kayo na maba-bother kayo. Parang magugulat kayo siguro sa ending.

“Hindi ko lang puwedeng i-reveal kung ano ba talaga ang mga mangyayari. Panoorin na lang ninyo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien sa studio ng Startalk noong Linggo, May 25.

WORKING RELATIONSHIP. Ayon kay Yasmien, naging maganda ang working relationship nila ng lahat ng cast, lalo na silang tatlo nina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Magkakasama ang tatlo sa unang batch ng reality-based artista search ng GMA na StarStruck.

Noong Sunday night ay nagkaroon sila ng farewell party na si Yasmien mismo ang nag-organize.

Saad niya, “We are celebrating for the friendship and also yung… successful ang show namin.

“Dahil sa Rhodora X, naka-meet kami nina Mark at Jen ng more friends, we became closer.

“Mas marami kaming na-discover with each other.”

Lately ay napag-uusapan na parang sweet ulit sa isa’t isa sina Jennylyn at Mark.

Sa tingin ni Yasmien, nagkakamabutihan nga ba ulit ang dating magkasintahan?

Sagot niya, “Hindi ko alam.

"Lagi lang silang sweet. ’Tapos ‘pag magpi-picture silang dalawa, ayaw nila akong isama.

“So, hindi ko talaga alam.”

Wala siyang kakaibang naoobserbahan kapag magkakasama silang tatlo nina Jennylyn at Mark?

Sabi ni Yasmien, “Ang nao-observe ko sa kanila, minsan, like yung sa dressing room ni Jen, pupunta si Mark.

"And then, magsi-selfie-selfie silang dalawa.

“So, ganun.”

YASMIEN’S OPERATION. Pagkatapos ng Rhodora X, may kasunod na ba siyang proyektong gagawin sa GMA?

“Ang balita ko, Yagit. Pero ano kasi, ooperahan pa ‘ko.

“Next week na ang schedule ng operation ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, magre-rest ako for a month.”

Anong klaseng operasyon ang gagawin sa kanya?

“Parang i-slice nila yung vocal cord ko para matanggal yung cyst.

“Pagkatapos nito, hindi yata ako puwedeng magsalita for a month... ewan ko.

“Pero may check-up po ulit ako bago yung mismong operation.

"At dun ko malalaman talaga yung final kung ano nga bang operation ang gagawin ng doctor sa akin.”

Sa St. Luke’s Medical Center gagawin ang nasabing operasyon.

Pag-amin ng StarStruck alumna, kinakabahan siya sa gagawing operasyon sa kanya.

“Siyempre, career ko ang nakasalalay, e.

"Hindi ko alam kasi kung may magiging epekto ba ito sa voice ko.

“Pero kailangang operahan, kasi masakit siya, e.

“After New Year ko pa ito iniinda, kaso nag-Rhodora X ako.

“E, hindi naman puwedeng kalagitnaan ng Rhodora X, mawawala ako, ’di ba?

“Pero positive pa rin ako about it. Siyempre, hindi naman ako puwedeng maging sad.

“And siyempre, nandiyan naman yung support ng family ko sa akin.

"Magiging okey din ako," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN