Beauty Gonzalez not worried about 15-year age gap with boyfriend

Aminado si Beauty Gonzalez, 23, na araw lang ang itinagal ng panliligaw sa kanya ng 38-year-old boyfriend. Rason niya, "Kasi useless, liligawan mo ako nang matagal, magiging tayo rin naman in the end, e. Feeling ko kasi, once you get together, dun na rin naman kayo magkakilala."


Fifteen years ang agwat ng edad ni Beauty Gonzalez at ng kanyang kasintahang nagngangalang Julsar.

Ngayong araw, May 28, ipinagdiriwang ni Beauty ang kanyang 23rd birthday, habang ang boyfriend naman niya ay 38 years old na.

Ikinuwento ni Beauty sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, sa pocket presscon ng Moon of Desire noong Linggo, May 25, kung paano sila nagkakilala ng kanyang boyfriend.

“Kasi we’ve been friends for four years bago naging kami.

“I had a boyfriend before and he had a girlfriend before.

"’Tapos nagkita kami na wala kaming mga relationship.

"’Tapos ipinakilala ko siya sa friend ko na kakahiwalay lang sa boyfriend.

“So, nung lumalabas kami, ’Bakit ka nagagalit?’

“’Tapos sabi naman niya, ’Bakit mo ako ipinipilit sa kanya?’

"’Tapos sabi niya, ’Lumabas nga tayo.’

“’Tapos naging okey ang usapan namin.

"Kasi nga, we started off as friends. Nandun na kasi yung respeto. Nandun na yung foundation.

"Naging kami rin."

Dagdag ng former Pinoy Big Brother Teen housemate, “Ayoko rin na matagal na ligawin [nililigawan].

"Kasi useless, liligawan mo ako nang matagal, magiging tayo rin naman in the end, e."

Gaano katagal siyang niligawan?

“Mga days lang yata?” sabay tawa ni Beauty.

Paliwanag niya, “Feeling ko kasi, once you get together, dun na rin naman kayo magkakilala.

“So, naging kumportable naman din ako sa kanya.”

AGE DOES NOT MATTER. Magdadalawang taon na raw ang relasyon ni Beauty at ng kanyang boyfriend.

Hindi ba nagiging isyu ang age gap nila?

Sagot ng Star Magic talent, “Hindi naman po, naging okey rin siya kasi supportive siya.

"Ngayon lang ako nakaano ng dyowa [boyfriend] na supportive.

“Kasi yung dati kong dyowa—huwag na nating pangalan, hindi naman siya showbiz—malaki rin ang gap namin, twelve years.

"Kaso very strict. Hindi niya maintindihan yung work ko.

“’Eto nga, iba... mas ano siya, e,” na ang gusto niyang sabihin ay mas understanding ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s nice,” sambit pa ni Beauty sa masayang takbo ng kanilang pagmamahalan.

Papunta na rin ba sa kasalan ang kanilang relasyon?

Pahayag ni Beauty, “Napag-uusapan.

"Kasi siyempre, he’s 38, ’tapos lahat ng friends niya, ikinakasal. Hindi naman natin maano yun.

“Pero nakikita naman niya na ngayon lang ako nag-ano ang career ko... yung napapansin ako.

"I mean, I’ve been in the business for four years, na ngayon lang ako napapansin ng mga tao. Ayaw niyang biglang masira.

“And I’m too young. It’s just a number lang naman daw yung edad.

"Makakapag-antay naman siya. Huwag lang too long daw."

Mga ilang taon pa ba ang ipaghihintay ng boyfriend niya?

“I don’t know... mga three or four years?

"Kaya pa rin naman yung ganung katagal.

"Hindi naman siya mukhang matanda, e. Mukhang bagets."

Ayaw pumayag ni Beauty sa biro sa kanya ng press na magaling siyang pumili ng boyfriend.

Bukod kasi sa maunawain at supportive sa kanyang karera, successful architect at may sariling construction business ang boyfriend niya.

Sabi naman ni Beauty, “Magaling siyang pumili sa akin, a! Masuwerte siya sa akin.”

Nakikita ba ni Beauty ang kanyang sarili na ang boyfriend niya ngayon ang makakasama niya habambuhay?

Tugon niya, “Meron. Kasi, sa dinami-dami naming pinagdaanan, lalo na last year na may malaki akong pinagdaanan sa buhay ko, oo.

“He was there for me and my family.

"Actually, the first time he met my family was doon."

HUMAN TRAFFICKING CASE. Ang tinutukoy ni Beauty ay ang pagkakasangkot nila ng kanyang kapatid na si Michael Ryan Gonzalez sa kasong human trafficking noong 2013.

Read: Ex-PBB Teen housemate Beauty Gonzalez arrested for allegedly helping brother escape from CIDG detention

Patuloy niya, “Doon niya na-meet yung mom ko, yung brother ko.

"Nahiya nga ako sa kanya dahil hindi naman siya dapat madamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nadamay siya kasi he doesn’t wanna…

“Just to clarify the issue, the issue was my brother only.

"E, hindi naman po ako kasali nung [nahuli] siya."

Nagbalik-tanaw rin si Beauty sa pagkakaaresto sa kanilang magkapatid dahil sa bintang na human trafficking.

Salaysay niya, “Kasi we have a farm in Negros and my brother has a farm in Tuguegarao.

"We need to bring people from Negros to Tuguegarao for the milling season.

“We didn’t know na we need travel papers to travel those people, even within the Philippines.

“We didn’t know, e. Akala namin, Pilipinas lang.

"Saka yung mga tao, tauhan namin, matagal na sa amin doon na nakatira sa farm namin.

"So, yun ang nangyari."

Patuloy ni Beauty, “So, hinold siya ng mga pulis. Ako naman, to the rescue.

"Sabi ko, ’Uy, okey naman na ang umalis [papuntang Tuguegarao].’

"So, umalis kami. Akala ko okey na, walang kaso.

“Pero ang nangyari, nakasakay kami sa RoRo, hinold siya ng pulis.

"E, hindi ko siya maiwan.

"Tapang ko rin, e. Bisaya kasi, e. ’Bakit niyo ginawa ’yan?’ ’O, ikulong niyo na rin ’yan!’

“Hindi naman kami na-prison. Na-detain lang.

“Pero napag-usapan naman lahat. It’s just a pure misunderstanding.

"And now, we’re okay. He’s back to his business and I’m back to work."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN