Patricia Javier resumes showbiz career as a serious actress; sheds sexy image

Patricia Javier is back in local showbiz a changed woman: "Iba na yung priorities mo kasi lahat nang gagawin mo, you always think about your kids."


Isa sa mga head turners sa kagaganap na The PEP List Awards ay ang dating sexy actress na si Patricia Javier.

Nagbabalik-showbiz ito matapos mag-asawa at manirahan nang halos walong taon sa Amerika.

Nakilala siya bilang dating miyembro ng now-defunct That’s Entertainment sa GMA at inilunsad bilang isang sexy and daring actress ng VIVA Films sa pelikulang Ang Kabit ni Mrs. Montero noong 1999.

Nakapanayam si Patricia ng PEP.ph (Philppine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press noong gabi ng The PEP List awards, May 20, sa Solaire Resort & Casino.



NO TO FHM. May mga nagtanong kung magpo-pose ba siya sa FHM tulad ng ilang hot mommas na sina Sunshine Cruz at Alice Dixson.

Aniya, "Hindi muna siguro.

"It’s very flattering if they ask me to pose again.

"Pero this time kasi, alam mo naman ’pag may anak ka na e iba.

"Iba na yung priorities mo kasi lahat nang gagawin mo, you always think about your kids. Makakabuti ba o makakasama?"

Hindi raw magiging issue ito sa kanyang asawa na si Dr. Robert Walcher, isang chiropractor sa San Diego, California. Pero iniisip niya ang dalawang anak.

Aniya, "A, sa asawa ko, okey ’yan sa kanya, walang problema. Gusto niya ’yan.

"Pero yung mga anak ko kasi, nirerespeto ko ang... ayoko na sila ang maaapektuhan."

NO TO NUDITY. At kung may offer daw na ang kanyang magiging role ay magpapakita ng kanyang alindog bilang babae, tatanggihan daw niya ito.

Saad niya, "Bawal na yung nude-nude.

"Siguro, ipakita ang cleavage, baka puwede pa," natatatawang sabi niya.

Ayon pa sa kanya,"Siyempre, iba na ang mundo ko ngayon.

"Married na ako at may mga anak na.

"Kahit medyo liberated ang asawa ko [sa] views [sa] buhay, iba na ’pag ang pag-uusapan ay ang mag-nude, ’di ba?

"At saka, iba na rin ang trend dito, iba na noong kapanahunan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon, hindi ko pa maipaliwanag lalo na sa panganay kong anak tungkol sa ginawa kong movies before."

Ang dalawang anak ni Patricia ay sina Robert 1V, 7, at Ryan James, 2.

CHANGES. Samantala, napansin daw niya ang malaking pagbabago ng showbiz ngayon kumpara noon.

Sabi ng dating sexy star-singer,"Napansin ko nga, ibang-iba.

"Ang daming magaganda, ang daming magagaling na talents ngayon.

"Siguro, I’m just blessed na yung batch namin [sa showbiz] ay medyo tumatak naman sa tao.

"Natutuwa po ako kasi kahit saan ako pumunta, kahit sa States, they still remember me.

"Sasabihin nila, ’Ay , si Patricia Javier, o!’

"Kahit hindi ako nakaayos, tinatanong nila kung ako nga yun.

"Nakakatuwa kasi hindi kaagad nila nakalimutan."

COMEBACK. Gusto raw niyang makilala bilang isang seryosong aktres. Papalitan ba niya kanyang screen name para kahit papaano ay mabura ang sexy niyang imahe sa pelikula?

Lahad ni Patricia, "Actually, ang tunay ko talagang pangalan ay Genesis, ’di ba?

"So parang gusto nilang ibalik kasi sa States ay mas kilala nila ako bilang si DJ G lang, G stands for Genesis.

"Pagbalik ko sa VIVA, sabi sa akin ni Boss Vic [del Rosario], ’wag na nating palitan.

"Patricia Javier pa rin kasi dun ka na kilala ng tao."

Si Patricia ay nagtrabaho bilang isang disc jockey sa San Diego.

Handa rin daw siyang iwanan ito kahit wala pang kasiguraduhan kung sisikat siyang muli bilang isang artista dito.

Sabi ng VIVA contract star, "I’m open naman sa bagong excitement sa buhay.

"Kasi naman sabi ng asawa ko, ’Alam mo, Hon, ang Amerika, puwede kang bumalik kahit kailan, e.

"Sabi niya, ’Ikaw nag-sacrifice ka na pumunta dito [U.S.]. Eight years ka na, binigyan mo ako ng mga anak.’

"’This time, ang feeling ko, you have something na puwede mo pang ipakita.

"Ako naman, gusto ko ring ma-experience ang puwede kong gawin sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hinahanap-hanap ko naman talaga kasi kahit dun [San Diego], nagsu-show ako sa mga casino."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN