Lance Raymundo gets a new look after aesthetic surgery

Lance Raymundo posts photo on Instagram showing his new look after gym accident.


Maayos ngunit naging iba na ang hitsura ngayon ni Lance Raymundo dalawang buwan matapos ang aksidenteng kinasangkutan niya sa isang gym.

Ibinahagi ng actor-singer sa kanyang Instagram account (lanceraymundo) ang bago niyang hitsura matapos sumailalim sa isang reconstructive surgery.

Ang parehong kuha ay lumabas sa “Funfare” column ni Ricky Lo sa Philippine Star kahapon, May 27.

Matatandaang nasira ang mukha ni Lance nang mabagsakan siya ng 80-pound barbell habang nag-eensayo sa gym noong March 20.

Dulot ng aksidente nito ay ang pagkasira ng kanyang ilong, cheek bones, noo, at bahagyang pagkabulag.

Sa parehong buwan, inumpisahan na rin ang reconstructive surgery kay Lance.

Sa naunang panayam ng PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal), inilarawan niya ang mga gagawin sa kanyang mukha para sa surgery.

Ayon kay Lance, “So far, nag-implant sila ng supra foil net sa surrounding areas ng eyeball ko dahil nabasag mismo ang socket kung saan naka-encase ang eyeball ko.

“Bago ako inoperahan, half-blind na po ako.

“Nag-implant din sila ng mga titanium plates sa lahat ng areas ng mukha ko na nabasag, ‘tulad ng buong mid-area ng face, forehead, cheek bones, at nose.

“Kailangan ito para ma-reconstruct ang eye socket at ang porma ng face ko.”

Sa kanyang Instagram account, nag-a-update ni Lance ang mga pagbabago habang sumasailalim sa nasabing operasyon.

Narito ang dalawang larawang kanyang nai-post:

Sa isang comment, sinabi niya sa isang follower: “The damage caused by the accident required me to undergo two surgeries one month apart. The one I had last march 25 was to reconstruct the skull and foundation of my face...

"This new one was to transplant cartilages into the external areas like my nose, they also transplanted fats (harvested from my stomach) into places of my face that got depressed/deformed like my eye area and areas around the nose. Now I’m finally back in one piece.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN