Alwyn Uytingco takes on gay role anew in upcoming TV5 series Jasmine

"It’s a very healthy challenge for me," Alwyn Uytingco says about his role in Beki Boxer. “Physical siya. More than the beki side, mas kinabahan ako do’n sa physical side no’ng role."


Masaya raw si Alwyn Uytingco sa takbo ng kanyang career sa TV5 kahit naglalagare siya sa tatlong shows.

Aniya, “Bukod sa Beki Boxer, kasama rin ako sa regular mainstays Tropa Mo Ko Unli, and then magsisimula na ring umere ang Jasmine.”

Ang Jasmine ay ang bagong suspense-drama show ng Kapatid network na pinagbibidahan ni Jasmine Curtis-Smith.

“Gay din ang character ko sa Jasmine, isang blogger na gay.

“Medyo nagkasunod na gay roles sa Beki Boxer at dito sa Jasmine.

"But the thing is, parehong maganda ‘yong role.

“Kung sa Beki Boxer ay gay na boksingero, ‘yong role ko naman bilang gay na blogger sa Jasmine, meron din siyang mystery, e.”

CREDIBLE ACTOR. Sa Beki Boxer, isang closet queen siya na pinasok ang larangan ng boxing para ipagpatuloy ang hindi na-achieve ng kanyang ama na dating boksingero.

“It’ a very healthy challenge para sa akin,” sabi ni Alwyn nang nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, May 25, sa birthday party ng movie reporter na si Rommel Placente sa R Bistro sa Timog Avenue, Quezon City.

“At first parang kinakabahan lang ako kasi mahirap siya, e.

“Physical siya. More than the beki side, mas kinabahan ako do’n sa physical side no’ng role.

“Kasi kailangan kong magpapayat, mag-workout.

“Masaya naman ako na maganda ang feedback sa pag-portray ko no’ng role.

“Fourteen weeks ang itatagal ng airing ng Beki Boxer.

"So matatapos ito mid of June."

Sa Jasmine naman, ano ang magiging kaugnayan ng role niya sa character ni Jasmine na gumaganap dito bilang artista?

“Ako ‘yong pinaka-resbak niya pagdating sa mga tsismis o intriga o kapag may mga nagba-bash sa kanya.

“So ako ‘yong tagaprotekta sa kanya pati sa mga press, gano’n.

“And more than that, sa story ay ako ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Jasmine."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JENNICA. Sobrang inspired sa trabaho ngayon si Alwyn at isa raw sa rason ay ang patuloy na tumitibay at masayang relasyon nila ni Jennica Garcia.

“Four years na kami…effort lang talaga.

“Dapat dalawa kayong nag-i-effort na mapatatag ‘yong relationship.”

Napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa kasal?

“Siyempre mapag-uusapan at mapag-uusapan ang tungkol do’n talaga.

"Ako, ang sinasabi ko lang… ’Paghahandaan natin.’

“Pero wala pa ‘yong kung anong klaseng wedding, ‘yong gano’n.

“Siyempre bago ‘yon, ‘yong proposal ko muna, di ba?” sabay tawa ni Alwyn.

“At nauuso ngayon ‘yong mga kakaibang mga wedding proposals, na pinag-iisipan talaga at pinaghahandaan.

“Pero sa akin, basta galing sa puso, espesyal na ‘yon, more than the extravagance at ‘yong grandeur no’ng proposal.

“It’s a big moment in your life, yes. Pero kesa mas isipin mo na dapat ay bonggang-bongga ‘yong proposal, kailangang alam mo kung ano ‘yong prefer no’ng partner mo.

“Dahil baka mas gusto pala niya e simple lang,” patapos na naging pahayag ni Alwyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN