Janine Gutierrez nudged by aunt Ruffa to join beauty contest; dreams of portraying a mermaid role

If ever, will Elmo Magalona allow Janine Gutierrez to have a kissing scene with other Kapuso actors? The young actress answers, “I think kapag trabaho, supportive naman po siya."


Early next year ay beauty-pageant season na namang muli, at tulad ng nakaraang taon, tiyak na muling kukulitin si Janine Gutierrez na sumali sa Binibining Pilipinas o sa Miss World-Philippines.

Pero walang pagbabago sa desisyon ni Janine: hindi pa rin siya sasali sa anumang beauty contest.

Panimula ng dalaga, “Hindi ko po talaga balak sumali, wala talaga akong balak na sumali sa Binibining Pilipinas.”

Kahit daw ang tiyahin niyang beauty queen na si Ruffa Gutierrez ay in-encourage siya na sumali.

“Actually sinabihan na ako dati ni Tita Ruffa na parang sumali nga.

"Tiniweet niya ako. Nakakakilig lang kasi na pakiramdam niya, makakapasok ako sa ganung klase ng competition.

“So ayun, flattered lang ako pero wala po akong balak.”

Ang focus daw niya ay ang pag-aartista.



LAUREN YOUNG. Samantala, kung may proyekto raw na magkakasama silang tatlo nina Elmo Magalona at Lauren Young ay tatanggapin niya ito.

“Opo, why not?

"Si Lauren magaling na artista and it would be nice to work with her.

"She’s talented and she’s pretty, and ayun, it would be interesting.

“Wala naman po kaming kaso sa isa’t-isa.”

Napabalitang may relasyon dati sina Elmo at Lauren.

Ngayon, bukod sa magkapareha sina Janine at Elmo sa Villa Quintana, ay maugong ang balitang may relasyon na sila.

Nagkaroon sila ng kissing scenes sa nasabing afternoon series.

Papayagan kaya siya ni Elmo na makipag-kissing scene with another leading man in a different project?

“I think kapag trabaho, supportive naman po siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine noong Huwebes, May 22, sa Papa John’s restaurant sa Tomas Morato.

HOSTING. Bukod sa Villa Quintana ay isa rin sa mga hosts ng Sunday All Stars si Janine.

Pero amindao itong, “Marami pa po ako kailangang matutunan pagdating sa hosting.

“Pero ini-enjoy ko po siya, sobrang gusto ko po na host ako sa SAS kasi ang dami ko pa ring natututunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakasama ko yung mga hosts na mas matagal nang nandiyan kesa sa akin so natututo ako by watching them.

“And iyon, gusto ko din po talagang mag-improve sa hosting kasi parang si Mond di ba nakagawa siya ng career in hosting?

“He’s a really good host and ayun idol ko siya in that way.”

Tiyuhin ni Janine si Raymond Gutierrez na kapatid sa ama ni Ramon Christopher, ama ni Janine.


DREAM ROLE. Back to acting, ano naman ang dream role niya?

“Madami pa po akong gustong gawin.”

Payag raw siyang gumanap bilang isang luka-luka o madre pero, “Gusto ko dati maging mermaid!

"Kasi di ba si Mama nag-mermaid din?"

Gumanap bilang si Banak ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon sa Dyesebel ni Marian Rivera sa GMA noong 2008.

“Pero ayun, gusto ko lang pong subukan lahat,” saad ni Janine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN