Franco Daza talks about co-stars Ellen Adarna, Beauty Gonzales and his jealous girlfriend

Franco Daza is in a four-year relationship with a jealous girlfriend whom he calls to consult before he says yes to a directive kissing scene, “I had to talk to her first, respect ko na yun."


Ayon kay Franco Daza, mas gusto niyang makilala sa comedy dahil na rin sa pagiging komedyante niya sa tunay na buhay.

Silang dalawa ni Beauty Gonzales ang comic relief sa Moon of Desire, ang daytime series sa ABS-CBN na pinagbibidahan nina Meg Imperial, Ellen Adarna, at JC de Vera.

Ilan sa mga gustong tularan ni Franco ay sina Richard Pryor at Eddie Murphy na pawang stand-up comedians sa U.S.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Franco sa pocket presscon na ipinatawag ng ABS-CBN Corporate Communications para sa supporting cast members ng Moon of Desire nung Biyernes, May 23.

INTIMIDATED BY BEAUTY. Malaking tulong daw sa tandem nila ni Beauty ang pagiging komedyante rin ng aktres.

“Napaka-okey namin. Kasi ang ka-love team ko dati, si Jessy Mendiola, my first love team, hindi kami ka-close before. Okey naman.

“Pero kasi kami ni Beauty, we’re close as friends and that was what I was scared about.

"Kasi when I was going to work with her, natakot ako. Kasi parang okey sana on set.

"Kasi you can take that, you can act that.

“Pero natakot, kasi my last mainstay show was Wacko-Wacko, almost a year prior to this.

"Siyempre, coming back on set and knowing that I was going to work with Beauty who has been in the business longer than I have, kinabahan ako ng konti, so intimidated.

"But being the beautiful, beautiful person that she is, siya ang lumapit sa akin, ’O, kumusta ka na, ’dong.’

"Doon ako naging comfortable.

“Super close kami ni Beauty. Nasasabihan ko siya ng mga personal ko.”

Nagpapasalamat ba siya na pareho sila ni Beauty na committed na, kaya hindi puwedeng magkaroon sila ng totohanang relasyon?

Inamin ni Beauty ang pagkakaroon ng 38-year-old boyfriend at meron din namang girlfriend ngayon si Franco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot naman ni Franco, “Pwede naman, it crossed my mind.

"But right now, the scenes that we are producing, there’s no room for love especially behind the camera.

“Kasi professional kailangan to produce something this pure.

"Something that people see automatically na, ’Uy, okey kayong dalawa.’

DRAWN TO ELLEN. Hindi naman itinatanggi ni Franco na type niya sina Ellen at Beauty dahil sa halos magkakapareha nilang qualities.

“Si Ellen kasi what I like with her, cowgirl.

"Sa set, naka-paa lang ’yan, okey lang sa kanya.

"In certain situations na there are artistas that complain and whine and bitch, if I may say, hindi siya gano’n.

“Akala ko maarte si Ellen dati, pero hindi siya maarte.

"She’s very free-spirited, she learns well.

“Si Beauty naman, kasi close kami, very sincere yung heart niya.

"Kapag nagkukuwento ako she knows how to ask the right question.

"She sees I would like to vent out.

“On the emotional side kay Beauty. Kay Ellen more on personality.”

JEALOUS GIRLFRIEND. Supportive daw ang non-showbiz girlfriend ni Franco na hindi na niya gustong pangalanan.

Mag-aapat na taon na raw ang on-and-off relationship niya sa kanyang girlfriend.

Paliwanag niya sa situwasyon, “Dati selos... I’m 25 na now, nag-start ako 20 or 21. At that age going through college pa lang, marami nang... that’s the run of life. Yun ang prime age, e.

"Now that we’re working, parang usual understanding na mas mature na."

Alam ni Franco ang takbo ng showbiz kung saan halos lahat ng mga artista ay nasasalang sa mga isyu at intriga.

Damay na rin sa intriga ang pribadong buhay ng mga ito, lalo na sa pakikipagrelasyon.

Kaya tanong ng PEP kay Franco, handa ba siyang isakripisyo ang kanyang pribadong buhay lalo na ang lovelife para lang may marating sa showbiz?

“Depende, kasi hindi ko masasabi how the gravity of the scene or the situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There are times in a relationship when one person is more understanding than the other, or the other person doesn’t need to be jealous.”

Pero ibinahagi ni Franco na may isang pagkakataon daw na may ginawa siyang isang eksena sa isang proyekto noon na pinag-awayan nila ng kanyang girlfriend.

Pagbabalik-tanaw ni Franco, “Oo, nag-away kami. Sabi ko sa kanya, ’Kasi, babe, ’eto ang scene.’

"To be specific, after Gimik, my first TV show ever, nagkaroon ako ng show yung Nasaan Ka, Elisa.

"Yung first show na parang, alright, this is it!

“First day sabi ni Direk [Jerome Chavez Pobocan], may kissing scene kayo ni Melissa [Ricks].

"Sabi ko, ’Okey. I’ll be right back.’

"Tawag ako, ’Babe... kasi first ko ito, bago pa lang ako.’

"I’d rather consult kaysa uuwi ako, ’tapos sasabihin ko na may kissing scene ako. Pak! Alam n’yo na yun.

“I had to talk to her first, respect ko na yun.

“Itinodo ko yung eksena. Kasi kung gagawin ko ito, I’m gonna give Direk what he wants. Hindi ako magho-hold back."




SEXY ROLE. Bukas naman daw pagpapa-sexy si Franco Daza sa Moon of Desire.

Pero dahil nga sa comic tandem nila ni Beauty, hindi muna pinaghuhubad ng kanyang pang-itaas ang hunk actor.

Saad pa niya, “Kasi yung kay Direk [FM Reyes] at sa mga writers, sina Ellen, JC and Meg muna.

"The momentum comedy I have with Beauty, siguro sa opinyon nila hindi magma-match yung pagiging sexy and funny at the same time.

"Not yet at this point in the story.

"Maybe down the line, papunta na doon sa sexy-comedy.

“I’m open naman, kilala ko naman yung mga directors ko.

"When they ask me to be sexy or when they tell na may mga sexy scenes, okey lang ako.

"I’m confident kasi alam ko naman I’m in safe hands.”


Limang taon na rin sa industry si Franco mula nang makumbinsi siya ng television personality at tiyahin na si Pat-P Daza na pasukin ang showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna munang pinasok ni Franco ang pagmumodelo sa Bench bago niya pinasok ang pag-aartista sa ABS-CBN.

Ama ni Franco ang culinary expert na si Sandy Daza na dating may cooking segment sa Eat Bulaga. Pinsang-buo naman niya si Isabelle Daza na contract artist naman ng GMA-7. Lola niya ang yumaong culinary guru na si Nora Daza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN