Palanca awardee Jessica Zafra “regaining consciousness” in hospital

“JUST IN (from Cookie, Jessica’s sister): Jessica is regaining consciousness, asking questions about her condition, and trying to piece together what happened yesterday,” posted writer Danton Remoto about the condition of fellow writer Jessica Zafra, who was hospitalized on Monday, May 26, after being found “conscious but disoriented” in her apartment.


Unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ng manunulat na si Jessica Zafra.

Ito ay ayon Facebook status ng kapwa niya manunulat na si Danton Remoto.

Ayon sa ulat ng GMA News kaninang umaga, May 29, ibinahagi ni Remoto sa kanyang Facebook account na: “JUST IN (from Cookie, Jessica’s sister): Jessica is regaining consciousness, asking questions about her condition, and trying to piece together what happened yesterday. Neuro is asking math problems and she is responding. Short term memory still fuzzy,” ibinahagi ni Remoto sa kanyang Facebook account.

Naospital ang Palanca awardee na si Jessica noong gabi ng Lunes, May 26, matapos siyang matagpuang “conscious but disoriented” sa kanyang apartment.

Inilahad ng isa ring manunulat na si Joel Pablo Salud sa kanyang Facebook account ang detalyeng ito, na base sa kuwento sa kanya ng kaibigan nila ni Jessica, ang manunulat din na si Ramon Sunico.

Sa nasabing Facebook post ni Salud, humingi rin siya ng tulong para kay Jessica.

Aniya, “Her only sister Cookie (Cheryl) is there for her, but this is a call to all her friends to pitch in and do what they can: every little bit helps.

“As is the case with almost all artists who work freelance, Jessica does not have health insurance.

“Those who would like to make a donation towards Jessica’s hospitalization and medical care can deposit directly into Cookie’s Security Bank account, which is under the name of Cheryl Ann Grace Z. de Jesus.”

Si Jessica Zafra ay isang kilalang kolumnista sa diyaryo at may-akda ng mga librong Twisted. Regular din siyang nagsusulat bilang kolumnista sa news website ng TV5, ang Interaksyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN