Winwyn Marquez clueless about separation rumors of brother Mark Anthony and wife Melissa

Winwyn Marquez is determined to pursue her dream of becoming a beauty queen. She says she won’t give up, “Hindi talaga."


Wala pang isang taon si Winwyn Marquez sa Mercator pero masaya raw ito sa pamamahala ng manager niyang si Jonas Gaffud.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalaga noong May 22, sa Gramercy 71, Makati City, kung saan nagdiwang ng ika-sampung anibersaryo ang nasabing talent management agency.

Aniya, “...honored din ako, masaya kasi naabutan ko ang 10th year anniversary nila ’tapos ni-launch din nila ako nang maganda, marami akong nakilala.”

Ang GMA contract star ay o-managed ni Geleen Eugenio.

BECOMING A BEAUTY QUEEN. Matagal nang sinasabi ni Winwyn ang kagustuhan niyang sumali sa Binibining Pilipinas, pero, hindi pa raw siya nagsisimula ng training para rito.

“Hindi pa ko nagti-training, pinag-uusapan pa kung itutuloy ba talaga.”

Nagulat kami sa huling sinabi niya dahil ang ibig sabihin, hindi pa pala siya siguradong sasali sa Binibining Pilipinas?

“Ako, sure na kong talaga. For me, sure na ko. Although, may kontrata pa ko sa GMA ng two years. Kailangan yatang i-forfeit ang kontrata.

“Pero sabi ko, desidido ’kong sumali, sobrang desidido ’kong sumali pero kailangan pag-usapan, kailangan mag-training, kailangan mawala ng konting time sa TV, pero gusto ko talagang sumali.”

Hanggang sa isang taon pa raw ang kontrata niya sa GMA at sa ngayon ay 22 years old siya. Target nage daw niyang sumali ay 23.

Dugtong ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno, “Pero sana talaga makasali. Sana talaga makapag-training na ko.”

Wala raw makapagpipigil sa kanya kahit pa may mga kailangan siyang isantabi.

“Dream ko talaga as in bata pa ko, pero siyempre ngayon, naiintindihan ko na meron talagang kailangang i-sacrifice.

“Siyempre, noong bata ako, sali lang ako nang sali, pero marami talagang kailangang pagdaanan, marami talagang kailangang i-sacrifice.”

Alam naman daw niya na nasa mabuting kamay siya.

Dagdag ni Winwyn, “Ngayon pa nga lang, may mga projects na ko, sobrang alaga ako ng mga staff, sobrang blessed talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENCOURAGEMENT FROM TITA MELANIE. Kahit ang tiyahin niyang si Melanie Marquez na Miss International ay suportado raw ang kagustuhan niyang maging beauty queen.

Kuwento ni Winwyn, “Si Tita Melanie, nakausap ko siya noong nag-Eat Bulaga, sabi niya sa akin, siya mismo ang lumapit sa akin.

“Sabi niya, ’I heard you wanna join Binibini...Kung gusto ko raw talagang sumali, tawagan ko raw siya. Ipakita ko raw ang lakad ko, ipakita ko raw ang poise. Siyempre, kinilig naman ako, si Tita Melanie na. ’Tapos, sabi ko sa kanya, tatawagan ko talaga siya.”

TV PROJECTS. Samantala, abala rin si Winwyn ngayon sa kanyang kontrabida role sa Kambal Sirena.

Sabi niya, “Yung acting ko naman, okay naman siguro kasi talagang nag-workshop din ako for that role.

“Primetime e so masaya. First ko rin ito na role na nabigyan ako ng may story. At saka shifting role siya—minsan mabait, minsan masama, so, hindi mo alam.”

Sa susunod niyang serye, gusto ba niyang kontrabida pa rin?

“Okay lang, kung ano naman ang ibigay nila sa akin, hindi naman ako mag-iinarte pa.

“Siyempre, lahat naman yata ang dream, maging bida, maging mabait sa isang teleserye, pero if they see me fit sa isang kontrabida role, I’ll gladly accept it and gagawin ko naman ang best ko.”

WORKING WITH MOM AND DAD. Bukod sa maging beauty queen, isa rin daw sa pangarap ni Winwyn ay makasama sa isang proyekto ang mga magulang, sina Alma at Joey.

“Gusto ko talaga,” saad niya.

“Pero, never pang nangyari na nakasama ko silang dalawa lalo na si Daddy. Sa comedy, gusto ko talaga, sa sitcom. Pero, hindi pa talaga nangyayari.

“Si Mommy naman, nakakasama ko sa dance showdown, pero, never pa sa acting. Sa bahay kasi, ayaw nila na nag-a-actingan kami, so, gusto kong ma-experience.”

Napapanood naman daw ng mga magulang niya, lalo na si Alma, ang Kambal Sirena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang komento nito sa kanya?

“Naiinis daw siya sa akin. Ayaw daw niyang makita na masama ako. Minsan daw nililipat na lang niya kasi, ayaw raw niyang nakikitang masama ako.

“Pero, natutuwa siya kasi, pati raw siya, naiinis. So, okay.”

ALMA’S HEALTH. Nang kamustahin namin ang Mommy niya, nakangiti ito pero nag-litanya ito ng, “Nakakainis yun.”

Naiinis daw si Winwyn dahil ayaw daw magpa-confine ng kanyang ina na may sakit.

"...kasi yung multiple sclerosis niya, tumatama ulit. Pero, ayaw niyang tumigil mag-work. Love niya talaga masyado ang tao at saka ang work niya.

“Sobra siyang workaholic na kahit may nararamdaman na siyang masakit, tuluy-tuloy pa rin siya.”

Hindi ba nabalitang gumaling na si Alma sa sakit niyang yun ilang taon na ang nakalilipas?

“Yeah, pero, wala talaga siyang cure. Maintenance lang talaga sa sakit na yun. We’ll never know kung kailan siya mag-i-strike, so kami, nakabantay lang talaga kami sa kanya.

“Ngayon, pinipilit niyang maging okay, pero last thing na sinabi namin, gusto namin siyang ma-admit. Ma-general check-up kaso, may seminar pa raw siya.”

Sa bahay raw nila sa Tahanan Village, Parañaque City, nakatira si Winwyn, pero ang Mommy raw niya ay madalas sa bahay nito sa Baclaran.

Kaya pinalipat muna nila ito sa Tahanan para mabantayan nila.

ALJUR-LOUISE. Tinanong din si Winwyn tungkol sa mga bida ng serye nila na sina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes. Totoo ba ang balitang sila na?

Natatawang sagot agad ni WinWyn, “Oh my gosh, wala akong alam diyan. Bahala sila.”

Close sila ni Louise?

“Honestly, naging close lang kami noong boyfriend niya si Enzo [Pineda]. Mabait naman siya, sobrang bait. Kaso lang, mas close kasi ako kay Enzo.

“Noong naghiwalay sila, medyo naging awkward lang nang konti. Si Enzo po talaga ang barkada namin. Okay rin naman kami ni Louise. May awkward feeling lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalungkot din daw siya nang malaman niyang naghiwalay ang mga kaibigan.

Sabi ni Winwyn, “Sad kasi, mahal talaga ni Enzo si Louise. At saka, hindi naman siguro puwedeng happy dahil naghiwalay sila.”

KUYA MARK’S MARRIAGE. Inusisa rin namin si WinWyn tungkol sa balitang naghiwalay ang kuya niyang si Mark Anthony Fernandez at misis nitong si Melissa.

Sa huling panayam namin kay Mark, inamin nitong hiwalay na nga raw sila.

Napatili naman si Winwyn sabay sabing, “Hindi ko alam!”

Sabi ni Mark, siya raw ang lumipat ng bahay.

“Hindi ko talaga alam, kasama ko lang si Ate Melissa noong kasal ng pinsan ko, noong isang araw lang.

“Wala si Kuya Mark, pero wala namang nababanggit si Ate Melissa. Hindi ko alam, kakausapin ko nga,” gulat na gulat na sabi niya.

Hindi ba niya inaasahang mangyayari ang hiwalayan?

“Hindi, kasi alam ko, okay silang talaga. Kasi, pumupunta pa ko ng Greenhills. Alam ko nandoon sila sa Greenhills.

“Nakakatawa, ngayon ko lang nalalaman. Nasaan ba ko?” nasambit na lang niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN