Claudine Barretto shows letter from security agency claiming shooting incident took place in Malanday

Last night, May 28, Claudine Barretto posted on Instagram a letter from Maraban Security Agency supporting her shooting incident allegation. The caption read, "Who’s lying or should I say who is the LIAR AGAIN?? Di ba’t magkapatid ang SINUNGALING @ MAGNANAKAW???”


Nanindigan si Claudine Barretto na mayroong pagtatangka sa kanyang buhay.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng kampo ni Raymart at report ng Startalk na walang shooting incident na nai-report sa security office ng village, sa Loyola Grand Villas, at sa police headquarters at barangay hall ng Malanday.

“MULTIPLE GUN SHOTS” INCIDENT. Sa kanyang Instagram post kagabi, May 28, ibinahagi ni Claudine ang isang sulat mula sa Marban Security and Investigation Agency na ipinadala sa pamunuan ng Loyola Grand Villas (LGV) Homeowners Association Inc.

Nakasaad dito ang tungkol sa insidenteng pagpapaputok ng baril malapit sa tirahan ni Claudine.

Ayon sa salaysay ng security agency ng LGV, pasado alas dose ng hatinggabi nang makarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril sa may bandang Barangay Malanday, Marikina City.

Bunsod nito ay agad na nagsagawa ng inspeksiyon ang naatasang security guards na sina Marlo Tarun at Norberto Lagbuac mula sa Guatemala street hanggang sa Amakan area.

Liban sa mga nag-iinumang kalalakihan na namataan doon, hindi na inabutan ng security guards kung sino man ang nagpaputok ng baril.

Ngunit kasabay nito ay nakatanggap umano ang LGV guard house ng tawag mula sa security personnel ni Claudine kaugnay ng narinig din nilang sunud-sunod na putok ng baril.

Bilang kaukulang aksyon ay ini-report ng security agency sa Philippine National Police Malanday Sub-station ang naturang insidente.

“WHO’S LYING?” Matatandaang ipinahayag ni Claudine na may banta sa kanyang buhay pagkatapos mangyari ang umano’y pagpapaputok ng baril sa bakanteng lote sa tabi ng tirahan niya sa LGV.

Lahad ni Claudine sa kanyang taped interview sa The Buzz Ng Bayan noong May 11: “Hindi ako natamaan. Tatlong putok muna, sunod dumapa ako.

“Yung isa, six shots. Tumama lang siya sa glass namin, sa chairs, sa balcony.

“That was the fourth attempt na.”

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online noong May 13, inihayag ng legal counsel ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo na naalarma ang aktor para sa seguridad ng kanyang mga anak kaya’t pinaimbestigahan nito ang nangyaring insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit pinabulaanan umano ng pamunuan ng barangay at security agency ng LGV na may natanggap silang reklamo mula sa kampo ni Claudine.

Nabanggit din ni Atty. Castelo na “pagod” na si Raymart sa mga “kasinungalingan” ni Claudine, kaya’t iniiwasan ng aktor na magbigay ng panayam tungkol sa anumang pinagdadaanan ng kanyang estranged wife.

Ngunit ngayong naglabas ng dokumento si Claudine na sinasabi niyang patunay sa umano’y banta sa kanyang buhay, nag-iwan ang aktres ng mensahe na tila si Raymart ang pinatatamaan.

Sabi ni Claudine sa caption ng kanyang Instagram post: “Who’s Lying or should i say who is the LIAR AGAIN??

“’Di ba’t Magkapatid ang SINUNGALING @ MAGNANAKAW????”


Kinontak na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang abugado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo tungkol dito.

Bukas ang website na ito sa anumang pahayag na nais ibigay ng kampo nina Claudine at Raymart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN