Jasmine Curtis Smith scores a first in teleserye history: title role in her own name

Jasmine, the teleserye, warns about the threat of being stalked in social media. Jasmine Curtis Smith, the actress, says if it does not pose a danger to her person and her family, "It would just be a form of flattery also.”


Maski si Jasmine Curtis Smith ay nagulat sa inihanda ng TV5 para sa presscon ng bago niyang programa, ang Jasmine, noong May 26, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Habang tinatanong ng entertainment press si Jasmine ay biglang lumitaw ang isang “stalker.”

At maging sa TV screen na nasa venue ay lumabas ang tinatawag nilang “Maskara” at mga katagang, “Lahat ng ito, para sa ‘yo, Jasmine...”

Hindi raw alam ng dalaga ang part na yun ng presscon, maging ang pagpapakita ng video kung saan natutulog siya.

Paano nga kung may stalker siya, ano ang magiging reaksiyon niya?

Pahayag nito, “I think, mao-overwhelm ako.

"It’s so easy to stalk someone online at hindi na nila mararamdaman na kailangan pang gawin in person.

"Kasi nakukuha na nila ang lahat ng infos online, parang swak na sila roon.

“Kung tipong dangerous na siya for my being and the people around me, doon na lang siguro ako matatakot.

"But until then, it would just be a form of flattery also.”

Ani Jasmine, bilang isang artista, maraming detalye sa buhay nila ang naka-capture ng social media.

“Siyempre, nilalantad namin ang buong buhay namin sa social media.

"Well, hindi naman buo, but halos buong buhay namin, nakikita na talaga.

"Hindi na nakakagulat na lahat ng impormasyon sa amin e alam na nila.

"Kasi kami rin naman ang nagbibigay nun.”

Naranasan na ba niya ang magkaroon ng stalker sa totoong buhay?

“Wala pa naman po na kagaya ng sa show na nakakakaba, nakakatakot.

"Kung meron man akong stalker, mga tagahanga na sila yung gustong palaging maging aktibo sa buhay ko po.”

A FIRST. Tatlong taon pa lang sa showbiz si Jasmine ay nabigyan na siya agad ng show na pangalan niya mismo ang nasa titulo.

Ang karakter pa niya sa nine-week series tuwing gabi ng Linggo na magsisimula ngayong June 1 ay isa ring artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, natakot po ako na baka yung story ng character ko, baka isipin ng tao, totoo.

"Na yun talaga yung nangyayari sa akin o biography ko siya na ginawang teleserye.

“Pero myself, along with TV5 management, creative, and Ace Saatchi and Saatchi discussed it over a few weeks, if not months.

"There will be a line pa rin naman po between fiction and reality.

“Sobrang obvious naman na fictional ang story, although maraming similarities po sa totoong buhay ko tulad ng pagiging artista.

"Mga nakakatrabaho ko po, TV5, at TV5 din yung station.

"Marami pong similarities pero plantsado namin na hindi malilito ang mga tao.

"Hindi po talaga ito ang totoo, although may pagka.”



SAM AND ANNE. Sa poster ng Jasmine, makikita ang ilang larawang kuha habang nagte-taping. Kasama roon si Sam Concepcion, ang kanyang boyfriend.

Posible bang mag-guest o mapanood si Sam sa Jasmine?

“Naku po, parang imposible. May show po siya sa kabilang station.

“Actually, ang picture po na ‘yan, nagdala lang po siya ng breakfast para sa amin, yun lang,” nakangiti niyang sabi.

Ilang buwan o taon na ba ang relasyon nila?

“Ha? May buwan na ba? Taon na ba? Hindi ko rin alam, e,” natawang sabi niya.

Palagi naman daw dumadalaw sa kanya si Sam.

Hindi maiwasang ungkatin na naman ng press ang naging isyu dati sa pagitan nina Sam at ate ni Jasmine na si Anne Curtis.

“Well, sa amin pong tatlo, communication is the key, yun lang po ang sagot doon.

"Kasi nakipag-usap ako kay Ate agad-agad, nakipag-usap ako kay Sam agad-agad.

"Para maklaro ko sa kanila agad-agad kung ano ba ang dapat kong intindihin.

“Importante silang pareho sa buhay ko kaya ayokong mamili ng side.”

Okey naman na raw lahat at kahit noong huling concert ni Anne, nandoon din daw si Sam at nanood. Hanggang sa after-party ay magkakasama rin sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMPARISON. Madalas siyang maikumpara sa ate niya. Sa presscon nga, may nagsabing she’s a better actress than her ate.

Yung mga ganoong komento, ano ang nagiging reaksiyon ni Anne kapag nakakarating sa kanya?

“Of course, natutuwa siya for me. Wala naman kaming away or pagseselos o kumpetisyon sa isa’t isa.

“It’s people’s opinion. It’s like us comparing two artists.”

Maging ang hitsura nila ay hindi maiiwasang pagkumparahin, at may magsabing mas maganda ang isa.

“Grabe naman sila,” nakangiting sagot naman niya.

“Well, ganoon pa rin, kanya-kanyang opinyon lang ‘yan.

"Nagte-thank you na lang ako sa mga nagsasabi ng ganun o nag-iisip na mas maganda o mas magaling umarte.

“Siguro, ganoon talaga, mako-compare talaga kahit kanino kapag artist ka, kapatid ka man o hindi.”


IMAGE. Bilang isang artista, aminado si Jasmine na conscious ito pagdating sa imahe niya.

“Very much, conscious ako sa image ko. Ayokong ma-misinterpret ako.”

Sa mga magagandang pagbi-build up sa kanya ng network, ano ang masasabi niya?

“Of course, malaking pasasalamat po yun, not only for me, pati na rin po sa manager ko.

“Bilang baguhan at kapatid ng isang napakalaking sikat na artista, minsan mahirap pa po sa kapatid na gumapang sa industriya.

“Mas mahirap pang i-prove na karapat-dapat kang maging parte ng industriyang ito.

"Kailangan agad-agad maipakita mo na you belong, na maipakita mo na may skills ka at hindi ka lang puro ganda o salita.

"Pero nadadala mo yun sa sarili mo sa kahit anong sitwasyon pati na rin ang pag-a-acting.

"Kasi yun naman ang puso ng industry na ‘to, yung craft mo talaga.

“Ako po, sobrang thankful lang na malaki ang tiwala ng TV5 at nabibigyan po ako ng magagandang proyekto.

"At palagi pong ine-encourage rin ako ng manager ko to find my outlet.

"Pagdating sa trabaho, trabaho po at maayos palagi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Betchay Vidanes ang tumatayong manager ni Jasmine.


THE REEL WORLD. May tema ring backstabbing at plastikan ang serye dahil buhay-artista o buhay-showbiz ang tinatalakay nito.

Sa totoong buhay at sa tatlong taon niya sa industriya, may pagkakataon bang nakipagplastikan siya?

“Ako po kasi ayoko po ng nakikipagplastikan kasi, ayoko rin po na ginagawa yun sa akin.

“So kung hindi ko po ramdam ang isang tao, hindi naman po ako magiging masama.

"Pero, hindi ko rin naman sila paplastikin na, ’Uy, kumusta na yung ganyan-ganyan mo?’

“As much as possible, I stay quiet and mind my own business.

"If somehow kailangan naming maging relevant sa isa’t isa, I’ll find a way na may common ground kami or mapag-uusapan.

"Para hindi naman po awkward na ayaw namin sa isa’t isa.”

Sa tanong ng entertainment writer na si Jun Nardo kay Jasmine, ginawa niyang example si Alex Gonzaga na dating prinsesa ng TV5 pero ngayon ay nasa ABS-CBN na.

Ngayong siya ang maituturing na prinsesa ng network, saan naman kaya siya makikita pagkalipas ng ilang taon?

Sagot ni Jasmine, “Actually po, kaka-renew ko lang ng kontrata with TV5 for three more years so, rest assured, I will still be with TV5.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN