Elmo Magalona on Janine Gutierrez: "I always tell her I like her... Nagkakaintindihan kaming dalawa."

Elmo Magalona admits to feeling awkward whenever he’s asked about his lovelife: “Hindi ko, actually, kung ano… wala, hindi ako marunong sumagot sa mga ganito, e.”


Balak ni Elmo Magalona na magbakasyon muna sa ibang bansa pagkatapos ng taping para sa teleserye nitong Villa Quintana.

Saad niya, “’Yung malapit lang, siguro Singapore.”

With?

“Puwedeng with friends or family or kahit si…”

Si Janine Gutierrez?

“Or Janine.”

Nakapagbakasyon na ba sila ni Janine?

“Nagsama kami sa Boracay for Labor Day, bakasyon lang.

“Relaxation lang kasi alam din naman ni Janine yung nararamdaman na minsan din makapagpahinga so iyon.

“Nagkaroon ng right timing na walang work...

"Kasama ko friends ko, kasama niya friends niya, pero nagkita kami dun.

“Nauna siya, mas maaga lang nang konti pero same day, May 1.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo noong May 22, sa Papa John’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Usapan raw talaga nilang magkikita sila doon at ang tatlong araw na bakasyon nila sa Boracay ang pinakamagandang bonding daw nila ni Janine.

“Yung second day kasi, maaga kaming nagising so maaga kaming nag-swim sa beach.

"So iyon, sunrise, ganun.”

Unang beses raw nilang nagawa iyon.

Nagseselos ba siya kung may mga lalaking tumitingin kay Janine?

“Hindi kasi given na… she’s well-known and she’s pretty, talagang makaka-attract ng attention sa tao."

At kung may magkagusto man sa dalaga, “Well, wala akong magagawa dun kasi nga, maraming humahanga talaga kay Janine.”

MU. Nag-LOA (Leave of Absence) si Elmo ngayon sa College of St. Benilde sa kurso niyang Culinary Arts.

“Nag-file ako ng leave muna kasi hindi ko kaya, e.”

Balak niyang bumalik sa school sa September.

Hilig ba niya talaga ang pagluluto?

“It’s more of gusto ko nang tapusin ang school ko pero never naman ako talaga naging specific sa Culinary.

"I just really think na makakatulong sa akin yung Culinary in the future.”

Hindi pa raw niya naipagluluto si Janine.

“Hindi pa ako confident enough, gusto ko perfect yung dish ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang plano niyang lutuin para kay Janine?

“Hindi ko pa po alam, isu-surprise ko na lang siguro siya.”

Ano na ba ang estado ng relasyon nila ni Janine?

“Nagkakakilala pa lang din naman, hindi naman kami nagmamadali na dapat may relationhsip.

"Pero iyon, like most of our time, we spend it together.”

So they are not in a relationship?

“Hindi naman per se pero…”


Not in a serious commitment?

“Yes, parang ganun! Nagkakaintindihan kaming dalawa.”

Meron silang MU o mutual understanding?

“Yes, yes, yes, iyon, iyon!”

Nasabihan na ba niya si Janine ng “I love you”?

“Hindi pa,” saka natawa si Elmo.

“Of course, I always tell her I like her.”

Pero hindi pa nga “I love you.”

“Hindi madali sa akin ibitaw yung ganun.

“Ibang level yun, e.”

Kailan aakyat sa next level ang relasyon nila?

“Hindi ko, actually, kung ano… wala, hindi ako marunong sumagot sa mga ganito, e.”

Kumbaga understood na iyon.

“Understood na yun,” pag-ayon ni Elmo.

Basta nagkakaintindihan daw sila ni Janine.

Ano ba ang marrying age ni Elmo?

“Siguro, hindi ako magbabanggit ng age pero more on, gusto ko kapag stable na ako.

"Or kapag mindset na talaga ako ng pang–isang asawa.

"Pero ngayon, hindi ko pa nakikita ang sarili ko, e.”

SAD. Huling ere na ng Villa Quintana sa June 6 at dahil dito ay nangingibabaw ang lungkot kay Elmo.

“Parang hindi ako makapaniwala na eto na, papalapit na yung ending.

“Siyempre may lungkot, actually, baka nga ngayon lang kami naging malungkot sa set.

"Wala talaga kaming sad memories aside from the late Tito Roy na nangyari sa taping.”

Habang ongoing ang Villa Quintana ay pumanaw ang isa sa cast members ng show na si Roy Alvarez, na pinalitan ni Al Tantay sa papel bilang Don Manolo.

“So aside from that, talagang wala akong natatandaan na malungkot na nangyari sa Villa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka ito lang, yung ending kapag lahat kami maghihiwa-hiwalay na.”

Kasama rin si Raymart Santiago sa Villa Quintana at kuwento ni Elmo, “Si Kuya Raymart, nagse-share pa siya ng mga diet tips, ng mga pagkain niya na ginawa niya.

"Minsan nga nagluluto pa siya sa set.”

Hindi ba mainit ang ulo ni Raymart sa set dahil sa pinagdadaanang personal na problema niya?

“Hindi, wala pong mainit na ulo sa set namin.”

Sa susunod na proyekto niya sa GMA, nais ni Elmo na isang orihinal na serye naman ang ipagkaloob sa kanya ng Kapuso Network.

“Or kahit remake basta iba naman kay Isagani,” na papel ni Elmo sa Villa Quintana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN