Mikael Daez says there’s nothing new between him and Miss World Megan Young: "Friends pa rin."

Mikael Daez has a new object of affection, his newly born baby brother Marco Alvaro: “Kakagigil.”


Kamakailan lang ay muling bumalik sa Cambodia ang Kapuso star na si Mikael Daez kunsaan nakasama niyang muli si Carla Abellana at sa unang pagkakataon ay si Andrea Torres.

Ang naging pagbisita niyang muli sa Cambodia ang isa sa masayang ikinuwento ni Mikael Daez nang makausap namin sa nakaraang The PEP List Awards night kunsaan isa ang Kapuso actor sa dumating at naging presentor.

“Ang sarap!” masayang kuwento niya.

“Alam n’yo, ang Cambodia, last year, kami ni Carla, nandoon na kami. This year, inulit kami.

"Hiningi uli kami ng network nila doon, yung CTN, yun ang number one network nila doon.

“Na-impress kaming dalawa dahil yung recall nila sa mga artista, parang sa Pilipinas lang din.

"So, kapag naglalakad ka, parang nasa Pilipinas ka.

“Siyempre, kami ni Carla, proud na proud kami dahil nagustuhan nila yung soap namin.”

Ang una raw na seryeng kasama siya na lumabas sa Cambodia ay ang My Beloved at kasalukuyang palabas daw dito ang Sana Ay Ikaw Na Nga.

“Nakakatuwa kasi, ang babait nila. Para ring Pinoy,” saad niya.

"Talagang nag-o-open-up sila kasi parang recently lang sila naging independent at makikita mo rin sa development ng capital nila.

"Mas maraming commercial na, mas maraming restaurant na, may mga fastfood chains na pumapasok.

“Yun nga lang, napakainit, talo pa ang ’Pinas,” natatawa niyang sabi.

Dugtong pa niya, “Pero alam n’yo, happy na happy ako roon.

"Kahit sa Facebook at Instagram ko, ang dami nang sumusunod na Cambodian, hindi ko na maintindihan ang sinusulat nila.”

Kung sakali at may mag-alok sa kanya ng showbiz career doon, gusto ba niya?

“Well, the thing is, ako, kinausap ko ang network, alam n’yo naman ako, ma-business ako, manegosyo.

"Pero, malayo pa talaga sila, batang-bata pa ang industriya nila.

“I think, malayo pa sila as growing TV industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tayo kasi, malayo na tayo dahil ang tagal na nating may TV industry.”

Masarap sa pakiramdam na kilala rin siya sa ibang bansa?

“Masarap naman, cross-cultural pala yung nagagawa natin.

"Hindi ko inaakala na habang ginagawa ko, naa-appreciate ka sa ibang bansa, hindi naman ganun.

"Nakakagulat, pero, nakakatuwa.”



ALL-AROUND. May bago namang programang gagawin si Mikael ngayon, ang Small Family.

Ayon kay Mikael, “Sitcom siya, every Saturday, starting June 28, with Ryan Agoncillo, Carla Abellana...

"Excited ako dahil sino ang makakaisip na piliin ako para sa sitcom, ‘di ba?”

Nagba-Bubble Gang naman siya.

“Oo, pero siyempre, natuwa ako at hindi ko naman naisip na yung [paglabas sa] Bubble Gang, may iba pang mapupuntahan.

“Sobrang happy na ako sa Bubble Gang at wala na akong naisip na iba.

"And then, biglang may dumating na iba. So, happy ako.

“Siyempre, nakaka-miss din mag-drama, medyo drama kami sa Wagas at sa May 31 yata lalabas.”

Dugtong pa ni Mikael, “Excited din ako kasi, I have hosting, comedy, sitcom, and hopefully, a drama coming-up, so excited ako.

“At the same time, I’m travelling a lot. Baka may Japan, Brunei, and Europe. Sana matuloy ang lahat ng yun.”

MEGAN YOUNG. May nasulat na nakita raw si Mikael at ang Miss World na si Megan Young na nagdi-date o kumakain sa isang restaurant.

Pakli ng aktor, “Talaga? Well, matagal naman kaming lumalabas together, so nothing new.”

Ano na ang status nilang dalawa ngayon, friends pa rin?

“Friends pa rin,” nakangiting sabi niya.

“Wala, hindi ko na nga siya nakikita, hindi ko na siya nakakausap kasi, work kami nang work.

"Pero kapag dumarating naman siya dito, nagkikita kami.

“Nakita nga kami, ‘di ba?”

NEW SIBLING. Pero kung may isang ikinatutuwa si Mikael na naikuwento niya sa amin noong gabi ng PEP List awards ay ang pagkakaroon niya ng bagong kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kakapanganak lang daw ng mommy niya sa ika-siyam na anak.

Sa siyam na anak ng mommy niya, pangalawa raw si Mikael.

“Super woman yun,” may pagmalalaking sabi niya.

“Forty-eight years old, at ang mommy ko, nanganak four days ago, ang name ng baby, Marco Alvaro.”

Taong 2004 pa raw nang pumanaw ang ama niya at walo raw silang magkakapatid dito.

“Actually, dapat sa tatay ko, siyam talaga kami, kaso nagkaroon ng miscarriage, yung pang-pito. At walong normal yun, ha.

“Pero ngayon, nag-C-section siya, medyo hirap siya sa recovery dahil nanibago siya.”

Ano ang pakiramdam niya na nagkaroon pa siya ng kapatid na baby?

“Alam n’yo, nakalimutan ko na, e. Yung pinakabunso namin ngayon, 14 years old na.

"Noong sinabi ng mom ko, ’I gave birth na,’ congratulations, congratulations!

“Noong pinuntahan ko yung baby, kakagigil,” masayang pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN