Eric Quizon says Zsa Zsa Padilla and Dolphy have no conjugal properties; adds the Divine Diva will have her share of inheritance

Since Zsa Zsa Padilla and Dolphy weren’t married, Eric Quizon says the two don’t have conjugal properties.


“Oo, definitely meron, ganun ang bilin ng daddy ko, gusto pantay-pantay lahat. Kasama siya sa 19, kasi 18 lang kami magkakapatid, e.”

Ito ang sagot ni Eric Quizon nang tanungin siya kung kasama si Zsa Zsa Padilla, longtime partner ng yumaong si Dolphy, sa mga makakakuha ng mana ng Comedy King.

Ito ay sa kabila ng hindi pagkakaroon ng kasal nina Zsa Zsa at Dolphy.

“Nagplano sila twice,” ani Eric tungkol sa naudlot pagpapakasal ng Divine Diva at King of Comedy.

“Yung una, nagkasakit yung daddy ko. Yung isa naman, yung annulment ni Zsa Zsa, hindi lumabas.”

Nakausap si Eric sa press conference ng legal drama na Ipaglaban Mo, na magsisimula sa ABS-CBN ngayong June 7.

Isa si Eric sa mga nagdirek ng episode ng Ipaglaban Mo.


So hindi na kailangang ipaglaban pa ni Zsa Zsa ang bahagi ng kanyang mana?

“No need, no need,” ani Eric. “Kasi kumbaga parang understood na ‘yon na Zsa Zsa will always be part of the family.”

Paliwanag ni Eric, nagkaroon ng oras si Dolphy noon na maayos ang kanyang mana bago siya pumanaw.

“Three years siyang nagkasakit, four years siya na-diagnose. From the time na ‘yon parang naayos na ang dapat ayusin.”

Gayunpaman, nilinaw ni Eric na walang conjugal properties sina Dolphy at Zsa Zsa dahil hindi sila kasal.

Ang conjugal property ay ang ari-ariang naipundar o perang kinita ng lalaki at babae habang nasa ilalim ng kasal.

“No, Zsa Zsa and my dad were never married so there’s no conjugal property; kung ano yung kay Zsa Zsa, kay Zsa Zsa. Kung ano sa daddy ko, sa daddy ko. Maayos talaga.”

Sa darating na July 10, 2014 ang ikalawang death anniversary ni Dolphy na pumanaw dahil sa multiple organ failure.

Walang dudang malaking responsibilidad ang ginagampanan ni Eric para mapanatili ang kaayusan ng pamilya Quizon ngayong wala na si Dolphy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sabi ni Eric: “’Cause my dad assigned me to be the administrator.

“But I can only fix. I cannot decide, like I said, ang decision talaga kailangan it’s a unanimous. Hindi yung 17 sang-ayon, yung isa hindi.

“The moment ang isa hindi sang-ayon, we have to let it go and move on and come up with a better decision. Kailangan lahat oo.

“Hindi puwedeng kalahati oo, kalahati hindi. It has to be unanimous. Yun ang batas.

“I guess siguro nga because with all of these things na nangyayari, marami akong natututunan sa batas, but it’s all good because pamilya ko naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN