Alexa Ilacad tapped to reprise the role of Maricel Soriano in Kapamilya adaptation of Inday Bote for television

Alexa Ilacad is excited over the comeback of her old gang in LUV U: "So mas masaya, mas maraming mapapanood at mas maraming kulitan.”


Isa si Alexa Ilacad sa fastest rising teen star ng bansa.

Mula sa pagiging bahagi ng Goin’ Bulilit napasali siya sa cast ng youth-oriented show sa ABS-CBN na LUV U kapareha si Nash Aguas.

Dahil dito, lalong nakilala ng madla ang 14-year-old bagets.

Sa ngayon ay inihahanda na ang paglulunsad sa tambalan nina Alexa at Nash sa telebisyon.

Mangyayari ito sa pamamagitan ng remake ng 1985 movie ni Maricel Soriano na Inday Bote.

Aminado si Alexa na matindi ang pressure na nararamdaman niya sa proyektong ito.

“Opo siyempre, nape-pressure na kinakabahan, kung kaya ko bang gawin yung ginagawa niya [Maricel] doon, dahil sobrang galing niya.

"Pero mas excited po ako, kaysa sa kinakabahan,” saad ni Alexa nang makapanayam ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa R. Bistro Bar kamakailan.

GETTING READY. Kakayanin daw ni Alexa ang tomboy ngunit kikay na pagganap ni Maricel sa orihinal na Inday Bote.

"Kakayanin po, magwo-workshop ako,” nakangiting saad niya.

Nakatawang sabi pa ni Alexa, “Ako naman po, may times na parang tomboy kapag umaga.

"Kapag gabi… it depends.”

So, mas nagiging babae ba siya dahil kay Nash?

Tumawa muna ang dalaginding bago sumagot, “Mas parang tomboy po, actually, kapag kasama ko siya."

Napanood na ba niya ang original Inday Bote?

“Opo, napanood ko na po.

"‘Tapos, tina-try hanapin ni Mommy ko sa mga… nagpapa-download siya para makakuha ng movie.

"Kasi napanood ko lang yun sa ABS-CBN Blockbusters.”

TANDEM. Ano ang unang naramdaman niya nang ibalita sa kanyang Inday Bote nga ang magiging unang lead starring role niya.

“Siyempre noong una, natuwa po ako.

"Pero yun nga rin, nakaka-pressure at nakaka-kaba po talaga.

“’Tapos, hindi ko pa po nakakatrabaho si Direk Wenn [Deramas], pero excited na po akong makatrabaho siya.

"And ’ayun… masaya ako dahil napansin kami ng management and ng ABS-CBN.

"And they trust us enough na bigyan kami ng malaking project na ganoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inusisa rin ng PEP ang dalagita kung sino ang peg ng tandem nila ni Nash.

“Wala naman po, pero sa acting po ay gusto siyempre naming parang John Lloyd [Cruz]-Bea [Alonzo].

"Idol namin yun, e. ’Tsaka siyempre ang KathNiel [Kathryn Bernardo-Daniel Padilla].

"Pero wala naman po kaming pine-peg talaga.

“Dati pa po kasi, idol ko na si Bea, at nakakakilig kapag magkasama yung Bea-John Lloyd e.”

HUGE COMEBACK. Naibalita rin ni Alexa na magbabalik na ang ilang cast members ng LUV U gaya nina Miles Ocampo, Kiray Celis, Igi Boy Flores, at iba pa, kaya magsasama na muli ang mga old and new batch ng nabanggit na afternoon TV series ng Kapamilya Network.

Ano ang masasabi niya na mas pinag-uusapan ang loveteam nila ni Nash sa LUV U, kaysa kina Miles at Marco Gumabao?

“Flattered po kami, marami rin pong nakaka-miss sa tambalan nila, kaya nga po sila ibabalik na sa LUV U,” matipid na sagot ni Alexa.

Ano ang comment niya sa paniniwala ng iba na tinalbugan na raw nila yung ibang love team sa LUV U?

“Hindi po kasi namin iniisip ang ganyan,” mabilis na sagot ni Alexa.

“Pero siyempre po, natutuwa kami na iniisip nila na malakas ang love team namin.

“Na napag-iisipan nila na bagay kami dahil we really work hard naman po talaga para maabot kung anuman yung stage na naaabot namin ngayon.

"And madami na rin kaming napagdaanan.”

Natutuwa rin daw si Alexa sa pagme-merge ng old and new cast sa LUV U.

“Opo, sobrang natutuwa noong nalaman namin iyon.

“Kasi, more kulitan, more gabihan sa set,” nakatawang sabi niya.

“Puro laro nang laro… ’Ayun po, siguradong sobrang matutuwa sila [the fans], dahil na-miss nila yung old batch.

“Pero ngayon, kasama na rin ang new batch na minahal na rin nila.

"So mas masaya, mas maraming mapapanood at mas maraming kulitan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN