Claudine Barretto camp blames village security for failing to report shooting incident to the police

Claudine Baretto’s legal counsel Atty. Ferdinand Topacio reacts to the contradicting statements of Maraban Security Agency versus Malanday Philippine National Police (PNP) sub-station and barangay office: “Kung hindi nila [Maraban Security Agency] ini-report sa barangay or sa police station sa Malanday, it is not our fault but the fault of the security office,” says Atty. Topacio in an exclusive interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last nig


Umalma ang kampo ni Claudine Barretto dahil sa diumano’y kawalan ng aksyon at pagpapabaya ng Marban Security Agency sa inihaing reklamo ng aktres.

Kaugnay ito ng insidente kung saan diumano’y tinamaan ng bala ng baril ang bahay ni Claudine bandang "12:05" ng umaga noong May 8.

Ang Marban Security Agency ang siyang nangangasiwa ng seguridad ng Loyola Grand Villas (LGV) kung saan nakatira si Claudine at ang kanyang dalawang anak.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Attorney Topacio, sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, kagabi, May 30.

Dito ay ipinaliwanag ng abugado kung bakit hindi nagtugma ang pahayag ng Marban Security Agency kumpara sa sinasabi ng PNP sub-station at barangay office ng Malanday.

Kasabay nito ay ipinaliwanag din ni Atty. Topacio kung bakit May 20 na nakapag-issue ng certification ang security office ng LGV hinggil sa May 8 “multiple gunshots” incident sa kanilang lugar.

Read: Claudine shows “proof” of shooting incident allegation

Kuwento ni Atty. Topacio, una nang ginarantiya sa kanya ni Danny Gamboa, pinuno ng Marban Security Agency, na inindorso na ang reklamo ni Claudine sa Philippine National Police (PNP) sub-station ng Malanday.

Kaya naman dismayado umano ang kampo ni Claudine nang malaman na hindi nai-file sa pulisya ang nangyaring pagpapaputok ng baril sa tabing-bahay ng aktres noong May 8.

Read: Authorities say no report on Claudine alleged shooting incident

Paliwanag ni Atty. Topacio tungkol sa diumano’y “serious flaw” ng pamunuan ng security agency ng LGV: “Last Wednesday, I went to LGV together with the head of CIDG [Crime Investigation and Detection Group] Colonel Roberto Fajardo.

"But even before that [May 28] meeting, yung si Mr. Danny Gamboa ng LGV security told me that the shooting incident was reported to the Malanday police.

“Nung pumunta kami sa police station nung May 28, sinabi naman ni Danny Gamboa na he reported it to the barangay police.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I confronted him in front of Gen. Fajardo. I told him na wala siyang sinasabi sa aking barangay police. ‘Ang sinabi mo sa PNP mo ni-report.’

“So, I requested for a certification from LGV, which I had previously requested from the president of the [LGV] Homeowners Association na there was a shooting incident.

“If you notice sa certification, makikita mo sa ilalim nakalagay: ’...endorsed to PNP Malanday sub-station.’

“Kung hindi nila [Marban Security Agency] ini-report sa barangay or sa police station sa Malanday, it is not our fault but the fault of the security office.”

Iginiit din ni Atty. Topacio na mayroon pang ibang insidente kung saan mayroong banta sa buhay ni Claudine bukod sa nangyaring pagpapaputok ng baril sa tabing-bahay ng aktres.

Bunsod nito, umasa ang kampo ng aktres na gagawa ng aksyon ang security office ng LGV nang maghain sila ng reklamo noon.

Dagdag pa ng abogado, “Nagtitiwala kami sa kanila na ire-report nila kasi sila ang security ng village.

“So, sila ang una mong tatawagin, ‘di ba?

“Sinabi niya [Gamboa] sa akin nun na ni-report na niya sa PNP.

"Kaya nung sinabing wala raw [silang natatanggap mula sa security ng LGV] nagtaka kami kung bakit.

“Nung sinabi niyang nasa barangay, parang nagpapalusot ’ata.

“Sinungaling ‘to. Bakit niya pinagtatakpan yung pagkukulang niya?”

Bunsod ng hindi pag-usad ng reklamo hinggil sa diumano’y banta sa buhay ni Claudine, nagpasyang humingi ng tulong ang legal counsel ng aktres mula kay Col. Fajardo.

Ito ay upang siguruhing mabibigyan ng karampatang atensiyon ang diumano’y banta sa buhay ng aktres.

Ayon pa kay Atty. Topacio, nakatakdang magsumite ang kampo ni Claudine ng reklamo sa pamunuan ng LGV laban sa kapabayaan ni Gamboa.

Dapat daw tanggalin sa puwesto si Gamboa, dahil malinaw na hindi nito kayang gampanan nang maayos ang trabaho nito bilang pinuno ng security ng naturang exclusive village.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, nakontak ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pamunuan ng Loyola Grand Villas noong Sabado, May 31, at Linggo, June 1. Subalit nagdesisyon silang huwag magsalita tungkol sa isyu.

Nananatiling bukas ang website na ito sa anumang pahayag ng kampo ni Claudine, pamunuan ng Loyola Grand Villas, at ng security office ng naturang village.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN