Kylie Padilla confirms breakup with Aljur Abrenica

Kylie Padilla on breakup with Aljur Abrenica: “Ewan ko bakit kailangang ganun yung nangyari. Nasayang sa walang-kuwentang dahilan.”


Pinipigilan ni Kylie Padilla na maiyak nang humarap ito kay Heart Evangelista sa one-on-one interview niya para sa Startalk.

Nangako raw siya sa papa niyang si Robin Padilla na hindi siya iiyak. Pero hindi pa rin niya napigilang pumatak ang luha nang kinumpirma niyang break na sila ni Aljur Abrenica.

Nagsimula ang usapan nila ni Heart sa bagong album niyang Gitara na malapit nang i-launch.

Maluha-luha na ito kapag pinapakanta sa kanya ang linya ng kantang makaka-relate sa kalagayan nila ngayon ni Aljur.

ALJUR INITIATED BREAKUP. Inamin na rin ni Kylie na si Aljur ang nakipag-break sa kanya noong nasa Australia pa siya.

Bago raw siya umalis para magbakasyon sa Australia ay medyo may problema na raw sila pero naha-handle naman daw nila nang maayos.

Pahayag ni Kylie, “Kami pa nung bago ako umalis.

“Pero may mga isyu na nangyari sa buhay ko noon na nakakaapekto na sa akin personally and then work-wise and my relationship as well. But it has nothing to do with third party.”

Sabi pa niya, “Hindi ko kasi alam kung masaya pa ako sa ginagawa ko o kung bakit ko ginagawa ’to.

“Ewan ko kung ano ang nangyari. Medyo ang iniisip ko na lang noon, ang iniisip ko na lang noon ang pinapasaya ko hindi ang sarili kundi ang ibang tao.”

CLEARS GEOFF RUMOR. Ang unang third party na tinutukoy ni Kylie ay ang pagkaka-link niya sa leading man niya sa Adarna na si Geoff Eigenmann. Pero mariing itinatanggi ito ni Kylie.

Ayon sa Kapuso young actress; “Me and Geoff kasi, we’re so similar. We’re both middle children, so talagang nag-click kami.

“Maybe people saw na talagang close kami. Nilagyan talaga nila ng malisya.

“After that, parang awkward na sa akin, kaya umiwas na lang ako kay Geoff. Ang hirap kasi na magka-loveteam kayo ’tapos awkward na kayo sa isa’t isa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang isang third party na sinasabi pa ni Kylie ay ang sa panig naman ni Aljur na kung saan sangkot na si Louise delos Reyes.

Ayaw na niya sanang pag-usapan pa ang tungkol kina Aljur at Louise dahil iyun daw ang gusto na niyang makalimutan.

“Ayoko lang maalala kung paano nangyari yung breakup,” pakli nito.

Pero hindi niya itinatangging galit ang naramdaman niya nung nakumpirma na niya ang lahat.

“Nagalit ako kasi lahat ng effort na ginawa namin, nasira for something na hindi naman totoo.

“Ewan ko bakit kailangang ganun yung nangyari. Nasayang sa walang-kuwentang dahilan,” diretsong pahayag ng 22-year-old na anak ni Robin Padilla.

Tingin nga niya, naging madali raw para kay Aljur ang makipag-break sa kanya dahil sa third party na dahilan.

PARENTS’ REACTIONS. Mabuti at kasama raw niya ang kanyang inang si Liezel Sicangco noong nangyari iyun.

Sa mga magulang niya, si Liezel daw ang galit at nag-react nang husto.

Saad nito, “Yung pinaka-nag-react ang nanay ko. Siya talaga ang nagsabi na, ’Anak, ’pag ginawa niya sa ’yo mauulit at mauulit lang ’yan.

“’’Huwag mo nang balikan.’ Masakit marinig yun kasi siyempre naghu-hope ka pa rin. Pero siguro tama nga siya.”

Pagdating sa kanyang ama, hindi raw niya gaanong ipinapakitang apektado siya nang husto.

“Mas nag-iingat ako kapag kasama ko si Papa.

“Actually, masaya ako kung paano nag-react si Papa.

“He was really in control. Nakakagulat yun. Pero hindi siya okey,” dagdag pa ni Kylie.

COPING WITH BREAKUP. Medyo okey na raw siya ngayon, dahil sa tulong ng pamilya niya at malalapit na kaibigan.

Pero hindi raw ganun kadali para kalimutan na lang ang first love na naging first breakup na niya ngayon.

“Sometimes people are talking, wala na akong naririnig nakatulala na lang ako.

“Wala, e. Ganun kasakit, walang pumapasok, e. Blurred na lahat.

“Kaya ganun na lang, pray to God. Wala na akong ibang mapuntahan,” malungkot niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon daw ay iniiwasan na niyang umiyak.

“Sinasabi ko na lang sa sarili ko, gamitin mo na lang sa eksena ’yan,” napapangiti niyang pahayag.

NOT READY TO TALK TO ALJUR. Sa ngayon ay hindi pa raw siya handang makausap si Aljur.

Hindi rin siya open sa ideyang makipagbalikan o kahit maging friends na lang sila.

“I’m scared na, e.

“It’s hard to be friends with someone you love. You’ll just fall in love again,” bulalas pa niya.

Nagkita nga raw sila sa Sunday All Stars, pero umiiwas daw siya dahil hindi pa siya handang kausapin ito.

“Gusto ko lang sabihin na sana may natutunan siya sa nangyari.

“Ako sobrang dami, and next time, sa next relationship iba na, sana alagaan niya at alagaan ko rin,” tugon nito.

MESSAGE FOR ALJUR. Ang mensaheng gustong iparating ni Kylie kay Aljur:

“Ang daming galit sa kanya ngayon, at ang dami na ring nagsasabi sa akin na naapektuhan na rin siya.

“I just wanna say na be strong. Lahat naman tayo nagkakamali, even me.

“Sana may natutunan ka sa nangyari. Ako marami akong natutunan.

“Sana sa susunod, alagaan na natin ang mga future relationships natin.

“Love is supposed to be precious, not painful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN