PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Ballesteros on co-host Marian Rivera: “Kung ano siya dati, ganoon pa rin siya ngayon.”

Paolo Ballesteros says his Mariah Carey impersonation is his favorite.
by Rose Garcia
Published May 31, 2014
Paolo Ballesteros on Marian Rivera: “Kahit na sa unang trabaho pa lang namin, kung ano siya dati, ganoon pa rin siya ngayon. Wala siyang arte sa katawan. 'Tapos, hindi nagme-make-up. Ang gaan-gaan katrabaho.”

Hindi na lamang sa segment ng Eat Bulaga! na "Juan For All" magkakasama sina Paolo Ballesteros at ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Si Paolo ang co-host ni Marian sa kanyang bagong dance show sa GMA-7 na Marian.

Biro nga namin kay Paolo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial nila noong May 26 sa Studio 6, parang si Joey de Leon lang ang peg niya na co-host ng ilang sikat na female actresses noon.

“Baka Roderick Paulate, mga ganun,” natatawang sagot naman niya.

Nagkasama na raw sila ni Marian sa ilang teleserye tulad ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at Dyesebel at ngayon nga sa Eat Bulaga!

Wala namang ideya si Paolo kung si Marian daw ba ang personal na pumili sa kanya.

Natatawang sagot naman niya, “Hindi ko alam, e. Baka sa palabunutan lang. Pa-raffle, yun...”

Magkaibigan daw sila ni Marian at ninang nga raw ito ng anak niya na si Keira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IMPERSONATIONS. Sanay na rin ang manonood na nakikita siya sa iba’t ibang karakter. Kailan lang nga, may pinost siyang larawan na ang ginaya naman niya ay si Angelina Jolie bilang Maleficent at halos kamukhang-kamukha niya ito.

View: Paolo Ballesteros as Maleficent

Siya rin daw ang isa sa nag-make-up sa sarili sa pagiging Maleficent niya.

Sa mga ginawa na niyang karakter, ano ang pinakapaborito niya?

“Kasi, si Angelina, madali ko lang gawin. Kapag nilagyan ko ng lips na malaki, kahawig na agad.

“Pero, ang pinaka-favorite ko kasi, si Mariah Carey. Nakakatawa kasi ang character niya na ginawa ko sa Bulaga.

“Si Angelina kasi, maganda lang siya, pero si Mariah, nagpe-perform. May ginawa ako na wala, nag-whistle-whistle lang ako. So, yun ang pinakagusto ko,” saad niya.

Sa Marian show, in character din ba siya o bilang si Paolo nga?

“Hindi, as Paolo 'ko rito, so far,” natawang sabi niya.

May mga preparasyon din siya para sa show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Well, unang-una, mga outfit ko, kasi wala naman akong ganito. Pormal-pormalan ang peg.

“Para naman maiba dun sa araw-araw nakikitang pawisan, basa ang kili-kili, naka-shorts, naka-rubber shoes,” pahayag pa niya.

May dance performances din ba siya?

“Yun ang titingnan natin. Kasi as of now, co-host. Baka kapag nag-progress ang show, baka kinakailangan na i-challenge or something,” pakli niya.

Pero, ano ang pinaka-challenge ng show sa kanya?

Sagot niya, “Siyempre, iba ang Eat Bulaga!, talagang nasa labas kami. 'Tapos yun nga, kamukha nito, kailangan kong mag-outfit nang maganda.

“Although, maganda rin naman ang outfit sa Bulaga, pero, hindi mo maiiwasan na paglabas mo e naiinitan ka bilang mainit.”

WORKING WITH MARIAN. Sa "Juan For All" naman, tatlong beses sa isang Linggo nila nakakasama si Marian.

Kumusta naman ito?

Pakli niya, “Hayun, luka-luka rin kaya walang mabigat, masaya lang.”

Hindi sila naninibago nina Jose Manalo at Wally Bayola na may kasama sila ngayon bilang sanay na rin sila na silang tatlo lang lagi?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Siyempre, parang, 'Teka, babae ‘to, kailangan alagaan natin ‘to.' Pero, kapag nandoon na, kausap na namin ang winner, wala, parang normal lang na kausap namin.

“Nilapitan nga yung may bulutong,” sabi pa niya tungkol kay Marian.

Mas okey ba ngayon ang pagtanggap sa kanila ng tao na kasama nila si Marian?

“Oo,” mabilis naman niyang sagot.

“Kapag narinig pa lang nila sa barangay na pinapatugtog yung 'Sabay-Sabay Tayo,' naglalabasan na sila, tugtog pa lang yun, ha.”

WALANG ARTE.” Kilala na rin niya si Marian nang matagal.

Kung tatanungin siya, ano ang pagkakakilala niya kay Marian?

Lahad niya, “Ano kasi yun, walang arte sa katawan. Kahit na sa unang trabaho pa lang namin, kung ano siya dati, ganoon pa rin siya ngayon.

“Wala siyang arte sa katawan. 'Tapos, hindi nagme-make-up. Ang gaan-gaan katrabaho. Siya ang bida, pero kapag tatawagin na siya, magma-mascara lang, okey na.”

Bilang magaling siyang mag-makeup, na-makeup-an na ba niya si Marian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-drawing-an ko na siya, noong birthday niya na magkatrabaho pa kami. Dinrowingan ko siya ng mukha niya,” dagdag pa niya.

DAUGHTER. Limang taon na ang anak ni Paolo sa ex-girlfriend na si Kaye Nevada. Mag-aaral na nga raw itong muli sa kinder naman.

Tapos na ba ang isyu niya sa lola ng bata?

“Oo, tapos na, nasa amin na nga,” saad niyang nakangiti.

Masaya ng lahat?

“Oo, ewan ko sa Lola, sana happy rin siya,” natatawang sabi niya.

Hindi ba nanibago o nag-adjust ang anak niya noong sa kanya na talaga nakatira?

Ani Paolo, “Hindi naman. Actually, kapag pumupunta kami sa Baguio—kasi ang kapatid ko, taga-Baguio rin—sinasabi ko na pumunta sa lola.

"Kaya lang, parang na-trauma yata. Kapag sinasabing pupunta tayo, hayun, umiiyak na.”

Dugtong pa niya, “Siguro, na-trauma siya dati. Kasi, doon ko siya sinusundo, doon ko siya hinahatid.

“Kapag ihahatid ko na ro'n, malungkot na yun, alam na niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag may trabaho raw siya, ang kapatid daw niya ang kasama ng bata at may yaya rin daw.

CUSTODY. Ang mommy ng anak niya ay nasa Amerika at doon nagtatrabaho.

Wala ba itong planong kunin din ang anak?

Patuloy pa niya, “Actually, meron. Ang plano niya is kukuhanin niya at doon pag-aaralin.

“Pero, kailangan muna niyang makabili ng bahay. Kasi kailangan kapag may bata sa States, kailangan malaki ang bahay.

“So, kapag na-settle nang lahat yun, okey naman.”

Papayag siyang kunin ng nanay ang anak niya?

“Wala naman akong magagawa, mommy siya, e. Okey rin naman sila ni Keira, nag-uusap naman sila palagi,” pag-amin pa niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Ballesteros on Marian Rivera: “Kahit na sa unang trabaho pa lang namin, kung ano siya dati, ganoon pa rin siya ngayon. Wala siyang arte sa katawan. 'Tapos, hindi nagme-make-up. Ang gaan-gaan katrabaho.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results