Gabby Concepcion quells KC Concepcion pregnancy rumors

Gabby Concepcion on brewing pregnancy rumors involving daughter KC Concepcion: “Ay, ’di naman totoo, malalaman ko kaagad ’yan. ’Tsaka ’di pa ako handang maging lolo. Oo tinanong ko siya, natatawa lang daw siya. Hindi raw totoo yun.”


Usap-usapan na ang diumano’y tunay na dahilan ng pamamalagi ni KC Concepcion sa New York ay ang pagdadalang-tao raw ng aktres at hindi dahil gusto nitong mag-advanced study sa acting.

Si Paulo Avelino, na matagal nang nali-link kay KC, ang siyang itinuturong ama raw ng pinagbubuntis ni KC.

Sa katatapos na pocket presscon ng seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay binigyang-linaw na ni Paulo na walang katotohanan ang usap-usapang ito tungkol kay KC.

NO TRUTH TO PREGNANCY RUMORS. Sa interview naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ama ni KC na si Gabby Concepcion, idiniin nito na hindi totoo ang lumabas na balitang buntis nga ang kanyang panganay na anak.

Aniya, “Ay, ’di naman totoo. Malalaman ko kaagad ’yan. ’Tsaka ’di pa ako handang maging lolo.

“Oo tinanong ko siya, natatawa lang daw siya. Hindi raw totoo yun."

Agad naming tinanong si Gabby kung personal na bang naipakilala sa kanya ni KC si Paulo kahit sinasabing naudlot ang espesyal na relasyon sana ng dalawa.

Sagot niya, “Hindi, hindi pa. Naririnig ko nga ang tsisimis. Sabi ko nga hindi ko alam. Hindi naman ako involved sa personal life nila, e.

“Hindi ko pa siya nakikilala. Hindi ko nga alam kung pormal nga yun or what. Alam mo naman ang showbiz.”

LOVE ADVICE. Sa isang interview kay KC na lumabas sa isang Filipino magazine sa New York, nabanggit nito na hindi pa ito handa sa ngayon na pumasok sa panibagong relasyon, dahil sa trauma na pinagdaanan nito sa nakaraang pakikipagrelasyon. Ano kaya ang payong ibinigay ni Gabby kay KC pagdating sa pag-ibig?

“Wala naman, basta minsan malalaman ko na lang ’pag tapos na, e. Personal nila yun, minsan kasi sa showbiz tsismis lang.

“Siguro nga ganun, na-trauma siya pero mas marami pa akong nakikita sa news at sa diyaryo kaysa sa mga tunay na nangyayari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONSTANT COMMUNICATION. Ayon kay Gabby, bukas ang communication line nilang mag-ama at kasama nga raw ni KC ang kapatid niyang si Garrie sa New York.

Si Garrie ang anak ni Gabby sa businesswoman na si Grace Ibuna.

Nang tanungin namin kung bakit nagdesisyon na mag-aral sa New York si KC, nilinaw ni Gabby na matagal na pala itong sinasabi sa kanya ng anak.

Patuloy pa niya, “Oo, nag-uusap kami, pinadadalhan niya ako sa Instagram, madalas siyang mag-send ng mga pictures. Pinu-post ko naman.

“Actually pareho sila ni Garrie, pareho silang nagsasama ngayon.

“Okey naman, masaya naman sila, kanya-kanyang tadhana, kanya-kanyang career path. Kung ano ang gusto niya sa New York, yun ang ginagawa niya.”

“’Di ko alam kung bakit siya nag-decide na mag-advanced classes in acting.

"Siguro to hone yung craft niya, yun ang madalas niyang sinasabi sa akin. Wala naman siyang sinasabing ibang dahilan.”

DYESEBEL. Parte ng seryeng Dyesebel, ibinalita sa amin ni Gabby na maraming dapat abangan sa fantaserye, kung saan baka nga abutin pa ito hanggang Nobyembre.

“Mayroon kaming project ngayon, yung sa Dyesebel. Marami silang dapat abangan, sabi nga nila hanggang November pa ito, so aabutin pa niya ang birthday ko.

“Malapit yun sa birthday ko so sana nandun pa,” panalangin niya.

Sa November 5 ang birthday ng aktor na magpi-50 years old na ngayong taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN