Paulo Avelino on fizzled relationship with KC Concepcion: “Walang pain, happy heart.”

Paulo Avelino on KC Concepcion: “In a way there’s communication. We’re still friends. Walang pain, happy heart. Bilang fit naman ako ngayon, happy naman ang puso ko.”


Matapos siyang mapanood sa seryeng Honesto, muling mapapanood ang aktor na si Paulo Avelino sa upcoming teleserye ng Kapamilya network, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon, na magsisimula na ngayong Hunyo.

Kapareha si Bea Alonzo, isang mas sexy at mas daring na Paulo ang mapapanood dito. Pinaghandaan daw talaga ng aktor ang karakter niya.

Panimulang pahayag ni Paulo, “Ako, I’m happy. Convenient na patuloy pa rin akong binibiyayaan ng Maykapal ng mga proyekto.

“Actually sobrang kaunti lang ng panahon para mag-prepare physically to get me in the character, pero mukhang umabot naman yung pagwu-work out ko.

“I also attended several workshops like chocolate making.

“Well, yeah, aside from hinihingi siya ng script, kumbaga ako rin sa sarili ko, I think its time na to be fit again.”

Ayon kay Paolo ay palaisipan ang character niya rito dahil hindi mo masasabi kung nasa mabuti ba siya o masama.

“Actually, may pagka-naughty talaga si Patrick, yung character ko. Hindi naman, may misunderstanding na mangyayari, so parang ’di mo rin matatantiya si Patrick kung mabait siya o masama.”

IN PRAISE OF BEA. Para sa aktor ay napakalaking tulong ni Bea para magampanan niya nang mahusay ang kanyang karakter.

Pagmamalaki ni Paulo, “I have nothing to say but nice words for her. ’Di ko ma-imagine na ganito siya ka-down to earth, na ganito siya kadaling kausapin. Maliban dun napakasarap niyang katrabaho.”

“Medyo nung una, well, may ilangan, may hiyaan. Pero knowing me, mahiyain talaga ako.

“But with Bea, malaking parte siya kung bakit nabuo ko yung character ko dito, dahil sa pag-open niya, sa pagtanggap niya sa akin.”

Sa ilang eksena na pinapanood sa press, bumungad agad ang daring at suggestive chocolate scene nina Bea at Paulo.

Sa kuwento ng aktor, sa unang araw pa lang ng taping nila ay ito na agad ang kinunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Yeah, first day, yun agad ang kinunan. Well, for that, bilang marami pa kasing adjustments like sa lights rin and all, so buong araw, for the chocolate.”

“Mayroon pang mas daring, hindi lang kay Bea. Basta marami.”

NOT COMPETING WITH JOHN LLOYD. Mas nakilala si Bea noon bilang kapareha ni John Lloyd Cruz at tinangkilik talaga ng publiko ang mga pelikula at seryeng pinagtambalan nila.

Hindi raw kaya napi-pressure si Paulo na maaring maikumpara siya kay John Lloyd?

“Hindi naman. Ako rin napakataas ng respeto ko kay John Lloyd bilang aktor.

"Nag-worry lang ako na sana maibigay ko yung tamang level kasi, para masabayan ko si Bea,” lahad pa niya.

FACING THE PRESS. Kung dati ay laging iwas si Paulo sa tuwing pag-uusapan ang kanyang personal na buhay, kapansin-pansin ang pagiging bukas nito ngayon sa mga interviews sa kahit na anumang intriga na itanong dito.

Ayon kay Paulo ngayon daw niya mas napagtanto ang tulong na nagawa sa kanya ng media.

“Trying to be, as much as possible, but right now, still adjusting slowly," tukoy ni Paulo sa pakikitungo niya sa mga miyembro ng entertainment media.

“Hindi naman... but more than the intrigas, parang it’s the press people, minsan ’pag nagagalit sila sa akin.

“Totoo, kasi minsan I never really talk about anything, I never answer anything.

“Naisip ko ngayon na from the start, sino ba ang tumulong sa akin since I tried the reality search sa kabila? Ito yung mga tao na tumulong talaga sa akin,” pag-amin niya.

NOT BROKEN-HEARTED. Inakala ng marami na mauuwi sa isang malalim na relasyon ang pagkakaibigan nila ni KC Concepcion.

Pero dala ng distansiya, katulad ngayong nasa New York si KC ay naudlot ang papausbong na relasyon sana nila ni Paulo.

Siniguro naman sa amin ng aktor na hindi siya broken-hearted at magkaibigan pa nga sila ni KC hanggang sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In a way there’s communication. We’re still friends.”

“Walang pain, happy heart. Bilang fit naman ako ngayon, happy naman ang puso ko,” paglilinaw niya.

Sa ngayon ay naka-focus si Paulo sa kanyang career at malayo sa isip niya ang pag-ibig, pagkatapos ng naudlot sana nilang relasyon ng aktres.

“Now, gusto ko munang mag-concentrate on my career. Napakarami ko ring ginagawa dito. Just Sana Bukas Pa Ang Kahapon alone, ubos talaga ang oras ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN