Kaye Abad admits brewing relationship with Paul Jake Castillo; clarifies "sulutan issue"

Kaye Abad on "sulutan issue" involving new squeeze Paul Jake Castillo: “Wala, walang sulutan or whatsoever. Malinis ang konsensiya naming dalawa, wala talaga kasi before nung pinagdududahan kami ng ibang tao like my friends, na feeling na mayroon, wala talaga.”


Sa lumabas na larawan sa social media nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo na magkasama at sweet na sweet sa isa’t isa sa isang beach resort, agad itong sinundan ng mga balitang may espesyal na relasyon na namamagitan daw sa dalawa.

Huling nakarelasyon ni Kaye Abad ang aktor na si Guji Lorenzana, samantalang si Melissa Ricks naman ang huling girlfriend ni Paul Jake.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Kaye, hindi naman nag-deny ang aktres at agad na kinumpirma ang tungkol sa relasyon nga nila ng aktor.

“Oo, bago lang. Masaya ako, masaya. ’Wag na lang yung detalye,” saad niya.

WEEKEND VACATION. Kay Kaye pala nanggaling ang mga larawan nila ni Paul Jake na kumalat sa social media. Kuha ito sa Cebu, probinsya ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate kung saan nagkakilala ang kanyang mga magulang at pamilya ni Paul Jake.

Kuwento ni Kaye, “I actually posted a picture of both of us this weekend lang yun.

“Wala lang, nagpasalamat lang ako kasi naging host siya ng bakasyon namin nung Sunday.

“Sa beach, nag-beach kami, may tugtog din kasi si Jay [Contreras of Kamikazee], yung bayaw ko, pinasama ko na rin yung anak niya, yung sister ko, sinama ko na rin yung brother ko and yung mom ko.”

“Yeah, they met nung nagpunta kami. I met his parents before pa, nung magkaibigan pa lang kami. Wala namang formal na ganun, but understood na lang yun.”

LONGTIME FRIENDS. Tinanong namin ang aktres kung anu-ano bang katangian ang nagustuhan niya kay Paul Jake.

Ayon kay Kaye, naging magkaibigan sila sa loob ng matagal na panahon at nakita na niya pareho ang negatibo at positibong ugali nito.

“Nakilala ko siya as who he is kasi naging kaibigan ko siya nang matagal, e.

“Importante na makilala mo siya kung sino siya talaga. Kasi, ’di ba, once you like each other, ’pag nauna yun, siyempre nandiyan yung best foot forward, pakitang-tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas maganda yung nakikita mo kung ano talaga siya talaga kahit barubal siya, kahit salbahe siya, yung bad niya nakita mo na rin,” lahad niya.

SULUTAN” ISSUE. Sa naunang interview namin kay Melissa Ricks ay nabanggit nito na inasahan na niya ang relasyong Paul Jake-Kaye at hindi na niya ikinagulat ang mga nangyari.

Naikuwento ni Mel na dati pala silang lumalabas bilang grupo kung saan boyfriend pa niya noon si Paul Jake at girlfriend naman ni Guji si Kaye.

May mga ispekulasyon na may diumano’y "sulutan" na naganap—bagay na nilinaw naman ni Kaye.

“Ako kasi ’di ko in-expect, honestly. I did not expect this. My friends, actually, were telling me, ’Bakit ’di na lang kayo, kasi okey naman kayo, magkasundo kayo...’ ganyan.”

“I was actually looking for date for him [Paul Jake]. When I broke up with Guji, I was actually looking for a date for him.

“Ang dami kong ipapakilala sa kanya pero ’di naman natutuloy. I was not really expecting it, yung romantic side that time.

“Yun ang nami-misinterpret ng tao kasi close kami talaga na naiintindihan ko na nami-misinterpret ng tao, kasi ’di naman lahat ng tao may best friend na opposite sex, e.

“Wala, walang sulutan or whatsoever.

“Malinis ang konsensiya naming dalawa, wala talaga. Kasi before nung pinagdududahan kami ng ibang tao like my friends—na feeling na mayroon—wala talaga.

“Kahit ako sinasabi ko sa mga kaibigan ko ngayon na kinain ko yung sinabi ko before na ’di kami puwede ni Paul Jake. Friendship lang talaga nung una.”

“I told him before that I’m not ready yet. Sinabi ko yun, alam ni Paul Jake yun. Kaibigan ko siya, e.

“Sinasabi ko sa kanya na hindi pa ako ready, pero ’di mo inaasahan may mga nangyayari. Ganun talaga,” paglinaw ni Kaye.

SHOWBIZ BOYFRIEND AGAIN? Lahat ng mga naging boyfriend ni Kaye ay taga-showbiz, mula kay John Lloyd Cruz, Chito Miranda, hanggang kay Guji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa na raw kaya ang aktres na ngayong taga-showbiz na naman ang boyfriend ay pag-uusapan pa rin ang relasyon niya?

Pakli niya, “Kilala mo naman ako, ’di ako ma-showbiz.

“As much as possible nga, hindi ako ma-interview, kung puwede sa akin lang talaga.

“Ganun lang din, hangga’t may maitatago for privacy pero siyempre bilang public personality hindi mo rin naman puwedeng itago din lahat, so yun.”

NEVER HID ANYTHING. Marami ang nagtataka na kung dati raw ay hindi agad umamin si Kaye tungkol sa kanila ni Guji ay siyang bilis naman daw na aminin ni Kaye ang tungkol sa kanila ni Paul Jake.

Ipinaliwanag naman ng aktres ang ispekulasyon na ito ng iba.

“Actually hindi ko siya tinago before, we were asked before we were just dating then, friends then hangga’t eventually lang na naging kami.

“Na yung mga tao kasi they assume na we were together nung tinatanong kami before so nung naging kami, ’di na sila nagtatanong kasi akala nila matagal na,” pahabol pa niyang paliwanag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN