Richard Gutierrez finally admits: “Yes, I’m a proud father.”

Ruffa Gutierrez posted on Instagram pictures of Richard Gutierrez and Sarah Lahbati in a tight embrace. Sarah also posted on Instagram a picture of Richard’s open palm and his son Zion’s tiny hand (inset).


Ang pag-amin ni Richard Gutierrez ngayong gabi, June 1, sa premiere telecast ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez na proud father na siya ang kumpirmasyon ng balita na inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang taon tungkol kay Baby Zion, ang anak na inilihim nila ni Sarah Lahbati sa publiko.

Read: Source: Sarah Lahbati gave birth to baby boy in April

Ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez ay ang six-part series reality show ng Gutierrez family na napapanood sa E! Channel.


PILOT EPISODE. Last week, sinabi ng magkakapatid na Ruffa, Richard, at Raymond sa pocket presscon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez na pasabog ang pilot episode ng kanilang show at tungkol ito kina Richard at Sarah.

Sa interview kay Richard, sinabi nitong mapapanood sa episode one ng kanilang reality show ang lahat ng mga kasagutan sa mga tanong ng publiko.

Sabi ni Richard, “Yung relationship namin ni Sarah kumbaga last year, maraming unanswered questions.

“Maraming ideas yung mga tao kung ano’ng tingin nila na nangyari. Kumbaga, hindi namin talaga siya na-confront.

“Now I think is the perfect time. Ayos na ngayon ang lahat ng kaguluhan sa side ni Sarah and GMA-7.

“Ngayon nakapag-move on na lahat so now is the perfect time to answer all the questions and sa reality show namin.”


RICHARD’S ADMISSION. Katulad ng pangako ni Richard, inamin niya ngayong gabi sa pilot episode ng kanilang reality show ang pagkakaroon nila ni Sarah ng anak, si Baby Zion.

“Yes, I’m a proud father,” ang rebelasyon ni Richard sa It Takes Gutz To Be A Gutierrez na naging dahilan upang mapaluha sa tuwa si Sarah.

Magkakasama na pinanood ng pamilya Gutierrez sa tahanan nila ang pilot episode ng reality show na tinatampukan nila at napanood ngayong gabi sa 20 countries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ruffa ang nag-post sa Instagram ng litrato nina Richard at Sarah habang magkayakap, ilang minuto pagkatapos ng pag-amin ng aktor.

Si Sarah naman ang naglagay sa kanyang Instagram account ng larawan ng kamay ng anak nila ni Richard na may photo caption na: “Extremely happy to announce the new member of our family, baby Zion.”

Ayon kay Raymond, ipapakilala at ipapakita nila si Zion sa viewers ng It Takes Gutz To Be a Gutierrez sa second episode na mapapanood sa susunod na Linggo, June 8.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN