Miles Ocampo not envious of batchmates Julia Montes and Kathryn Bernardo

Miles Ocampo admits that despite the stardom of her former Goin’ Bulilit batchmates Julia Montes and Kathryn Bernardo, the two continue to treat her as a dear friend. She says, “Noong una po, siyempre, hindi natin maiiwasan na parang, ’Bakit sila ganyan?’ Pero, kaibigan ko naman kasi sila Ate Julia, si Kathryn.”


Mula pagkabata ay Kapamilya na si Miles Ocampo. Sa mga shows ng ABS-CBN, mas madalas siyang makasama sa mga comedy shows tulad ng Goin’ Bulilit kunsaan siya nagsimula.

Nasundan ito ng LUV U at ngayon, nasa Home Sweetie Home naman siya.

Excited din si Miles nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Home Sweetie Home noong May 23 dahil sa unang indie film na ginawa niya, ang Padre de Familia.

“Natapos na po naming i-shoot yun. Anak po ako ni Ms. Nora Aunor, kapatid po namin si Kuya Coco [Martin].”

STARSTRUCK. Sa kuwento ni Miles, si Coco raw ang naging daan para makasama siya sa naturang indie film.

“Si Kuya Coco po talaga ang tumawag sa akin. Kasi, si Kuya, close ko rin po kasi, nag-Sa ‘Yo Lamang ako.

“Napag-uusapan namin na never pa kong gumawa ng indie talaga.

“Noong nabasa raw po niya ang script at may role na may kapatid, sabi niya na bagay raw po sa akin at bigyan daw po ako ng chance for the role, so siya po ang tumawag sa akin,” masaya niyang kuwento.

Challenging daw para kay Miles ang karakter na ginagampanan niya sa Padre de Familia dahil kakaiba raw sa lahat ng roles na nagampanan na niya.

“Rebelde po ako rito, para akong black sheep sa amin,” sabi pa niya.

Ang Superstar na katrabaho niya at gumaganap pang nanay niya, kumusta naman?

Pag-amin niya, “Okay po, mabait po siya at grabe talaga, starstruck ako! Kahit yung mata niya, umaarte.

“Kahit sina Coco... may eksena ako, si Ms. Nora tapos si Kuya Coco, nandoon ako. Hindi mawala sa isip mo, ’Ay, napakalaking eksena nito.’”

HOME SWEETIE HOME. Masaya naman daw siya sa pang-Sabado ng gabi na sitcom nila na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Sabi nga ni Miles, “Ito pong set na ‘to, sobrang saya po rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat po rito komedyante, sina Tito Rico [J. Puno], Kuya Jason [Gainza], so lahat po talaga komedyante.”

Madali sa kanyang naging ka-close o ka-bonding ang cast?

“Pinaka-close ko po talaga rito, si Kuya Lloydie kasi nagkasama na nga po kami sa movie. Tapos, yun nga po, sina Clarence Delgado madalas kong kasama kasi nga, sa Goin’ Bulilit.

“Pero, bago pa po kami mag-taping, may ginawa na talaga kaming bonding lahat,” saad niya.

LUV U. Sa Sunday youth-oriented show naman nilang LUV U, kahit nawala na sila Miles sa show, nagawa pa rin itong itatag ng mga bagong batch ng mga teens na inilagay dito.

Anong naramdaman ni Miles nang malaman niyang kaya naman pala nina Nash Aguas, Alexa Ilacad, Jairus Aquino, Sharleen San Pedro at iba pang bagong teens na maitayo ang show at mapag-rate pa ng mas mataas?

Ayon kay Miles, “Siyempre po, noong una, hindi pa po talaga namin alam kung ano ang mangyayari after ng batch namin. Kasi, baka wala na kaming balikan.

“Pero, noong magsimula ang batch nila, nakakatuwa naman po, kasi okay din naman po ang pagtanggap ng tao.

“At saka kaya rin po nagpasok ng iba, kasi sa original na batch, sa isang taon namin, parang yung story namin, baka po magsawa ang mga tao.

“At itong mga bago, kapag naka-one year na sila, may mga bago namang papasok.”

Sinasabi naman na kumpara raw sa loveteam nila noon, yung loveteam daw ngayon ng mga bagong teen stars ng LUV U ay mas maingay at madalas din mag-trending.

Anong feeling niya pag ganun?

“Siyempre, hindi po natin maiiwasan yung compare-compare. Pero siguro po, hindi natin maiaalis yung hatak na sina Nash, Sharlene, bata pa lang, SCQ pa lang, alam niyo yun talaga.

“’Di ba ngayon, nagkakagulo yung Nashlene... dapat si ganito, si ganyan. May pinanggagalingan sila. E, yung sa amin po, bago pa lang talaga,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong May 29 ay pumunta ng Malaysia ang cast ng LUV U para sa taping nila. Sa naturang episode naman daw siya mapapanood muli kasama ang iba pang orihinal na cast ng LUV U.

Kuwento ni Miles, “May parang competition kasi silang isu-shoot doon, tapos ako naman sa story, nasa Singapore kaya doon na po ako pupunta.

“Pagbalik po nila ng Philippines, kasama na kami ni Kiray (Celis).

“Actually, may mangyayari po sa LUV U dahil magkakaroon ako ng work. So parang sa trabaho ko, doon magmi-meet ang old batch at new batch.”

Sila raw nina Kiray, Igi Boy Flores at CJ Navato ang alam niyang babalik sa LUV U.

Ang nakilalang ka-loveteam niya rito na si Marco Gumabao, hindi na kasama sa mapapanood pa rin sa LUV U?

“Ngayon po kasi, ang alam ko, parang iba muna ang mangyayari. Pagtagal po baka po doon po yata sila babalik,” balita pa niya.

DEBUT. Sa isang taon ay ipagdiriwang na ni Miles ang kanyang debut.

Kaka-17 lang niya noong May 1 at katulad ng mga kaibigan niya na sina Julia Montes at Kathryn Bernardo, plano rin ba niyang magkaroon ng isang engrandeng debut party?

“Hindi ko po alam e,” lahad ng dalaga.

“Pero, sabi ko kila Mama, gusto kong mag-out-of-the country.”

Ginawa naman naming halimbawa kay Miles si Kathryn na pagkatapos nitong magkaroon ng debut party, nagbakasyon sa Europe at Korea.

Natatawang sagot naman niya, “Si Chay [Chichay] sikat po!

“Pero hindi, kasi si Kathryn naman po dire-diretso rin so, parang yun na ang bakasyon niya.”

NOT ENVIOUS OF JULIA, KATHRYN. Diretsuhan naming tinanong si Miles kung wala siyang nararamdamang inggit sa mga ito.

“Wala,” sabi naman niya.

“Noong una po, siyempre, hindi natin maiiwasan na parang, ’Bakit sila ganyan?’

“Pero, kaibigan ko naman kasi sila Ate Julia, si Kathryn.”

Biro namin kay Miles kung binabahagian din siya ng “blessing” na natatanggap ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Opo naman, kasi, yung dalawang yun naman, halimbawa, nakita nilang mataba ako, sasabihin nila, ’Uy, magpapayat ka.’

“Si Kathryn, ‘yan po ang stylist ko. Strict ‘yan pagdating sa damit ko.

“’Ganito ang isuot mo, ganyan.

“Halimbawa napanood ka nila sa isang show, sasabihin nila, ’Gusto ko yung ayos mo na ganyan. Ayoko ng ayos mo na ‘yan.’

“Parang nagtutulungan po.”

BACK TO SCHOOL. Papasok na rin daw si Miles sa kolehiyo ngayong pasukan. Kukuha raw siya ng kursong Theater Arts sa University of the Philippines.

Naalala namin na nabanggit niya noon na plano nila ni Kathryn na sabay mag-college at isang kurso ang kukuhanin nila.

Anong nangyari?


“Yun po ang plano namin, pero, hindi natuloy. Kasi, ang alam ko po, nag-stop din siya kasi, hindi na kaya ng schedule niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN