Tina Paner on rumors linking sister Danita to Willie Revillame: “Wala rin akong alam. Kasi, ayoko rin makialam.”

Tina Paner on rumors linking her sister Danita Paner to Willie Revillame: “So, ang lahat ng bagay o anumang nangyayari sa kanya, siya lang ang puwedeng magdesisyon. So, if ever, kung anuman ang balita between Dan and Willie, wala rin akong alam. Kasi, ayoko rin makialam.”


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang comebacking actress-singer na si Tina kung ano ang masasabi niya sa isyung diumano’y magkarelasyon na raw ang adoptive sister niyang si Danita Paner at ang host na si Willie Revillame.

Sagot niya, “Well, actually naman yung kay Danita, when it comes to personal life niya, wala ako dun.

“Unang-una, si Danita, hindi naman menor de edad.

"Si Danita ay nasa tamang edad na puwede na siyang mag-decide kung anong bagay ang gusto niya o hindi.

“Alam niya kung tama ang ginagawa niya, alam niya kung mali ang ginagawa niya.

"So, ang lahat ng bagay o anumang nangyayari sa kanya, siya lang ang puwedeng magdesisyon.

“So, if ever, kung anuman ang balita between Dan and Willie, wala rin akong alam. Kasi, ayoko rin makialam.”

Sila ba ang tipo ng magkapatid na nagsasabihan ng mga bagay-bagay o nangyayari sa isa’t isa?

“Well, may mga bagay siya na tinatanong noong time na nandoon pa ako sa bahay before.

"Kasi noong dumating ako, doon ako sa bahay nag-stay ng few months.

“Nagtatanong siya, and siyempre ako, magbibigay ako ng advice.

"But still, at the end of the day, siya pa rin ang magde-decide kasi buhay niya yun.

“Ayokong makialam sa ibang buhay at ayoko rin naman na pakialaman ako,” giit niya.

Ano naman ang masasabi ng ina nilang si Daisy Romualdez sa isyung ito?

Sabi ni Tina, “Well, okay naman.

"Well, naririnig ko naman, same thing. Kung ano ang sinabi ko rin.

“Si Mommy, nag-e-enjoy na ’yan sa apo niya, so para intindihin pa niya ang intriga... tama nang maging stressed.

“Si Dan pa rin naman ang magde-decide, e.”

May balita ngang diumano’y nagbakasyon na magkasama sina Danita at Willie, at meron din na kesyo nagsasama na raw sila.

Naniniwala ba siya sa mga ganoong balita?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, honestly, wala akong masasabi, kasi wala akong alam.

"If ever na kung anuman, kung totoo o hindi, si Dan pa rin ang nakakaalam," pahayag ni Tina.

Kinumusta rin ng PEP kay Tina ang naging isyu sa kanya sa Barcelona kaugnay ng diumano’y plane-ticket scam, na sinasabing naging dahilan kung bakit nagpasya siyang bumalik ng Pilipinas.

Tugon niya, “Inaayos naman yun. Hindi naman napapabayaan.

"Siyempre, hindi naman ganun kadali, e. Pero, okay naman."

TINA’S DAUGHTER. Sinamahan ni Tina ang nag-iisang anak na si Lui Sane Kristiel bilang isa sa participants ng Regine Tolentino’s Ultimate Summer Workshops noong Biyernes, May 30, sa Robinson’s Magnolia.

Dito nakausap ng PEP ang dating That’s Entertainment member.

Lahad ni Tina, “Well, in-invite siya ni Ms. Regine to join yung workshops.

"Actually, since Barcelona time, nagwu-workshop na siya for theater.

“When we arrived here last year, nag-attend din siya ng isang workshop, yung sa Trumpets naman.”

Hindi na niya tinuloy ang workshop ng anak sa Trumpets?

Sagot ni Tina, “No naman, hindi kasi ako sure kung ano talaga ang gusto niya.

"May time kasi na she wanted, maya-maya ayaw. Hindi pa siya fixed sa isip niya.

“And then, noong in-invite siya for this kind of workshop, bago sa kanya, kasi it’s a dance workshop.

“Tinanong ko siya if she wanted, kasi nga may modelling, may hosting sila, and then singing and dancing nga.

“Nagustuhan naman niya.

"At first, medyo nangangapa. Pero later on, nakita ko na nag-enjoy naman siya.

"Nakita ko naman na nag-enjoy siya."

Papasukin din ba ng anak ang showbiz?

Ayon kay Tina, “Well, bahala siya.

"Sabi ko nga, ayokong mag-decide na gusto ko, ’tapos ayaw niya. Whatever her decision...

“If she wants, wala namang problem sa akin.

"Basta ako, I’ll be here to guide her and support her. Pero yung ako ang mamimilit, no.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman niya pipigilan kung gusto nga ng anak?

“If ever na dumating yun, hindi ko naman siya pipigilan.

"Pero nasa sa kanya pa rin yun if she wants.

“Basta alam niya, ang kailangan, hindi niya papabayaan ang studies niya.”

Ngayon daw, sila na ng anak niya ang magkasamang nakatira sa isang bahay.

Pero noong bagong dating sila mula sa Barcelona, Spain ay sa bahay ng mommy niyang si Daisy sila nakatira.

Sabi ni Tina, “Siyempre, nasanay kasi ako na ever since na nag-solo ko, talagang gusto ko nang mag-solo.

“Lalo na nang magkaanak ako, gusto rin niya meron din siyang sariling kuwarto and all, which is, sanay kasi siya sa Barcelona na talagang solo namin.”

Dito na talaga sila ng anak niya sa Pilipinas?

“Siguro,” nakangiting sabi ng dating Regal baby.

“Once in a while, nagge-guesting ako and nag-start ako ng isang teleserye sa TV5, which is yung Trenderas.



TRENDERAS. May bagong serye si Tina sa TV5, ang Trenderas, pero hindi naman daw siya nakakontrata sa Kapatid network.

“It’s for project lang and yun nga, ang Trenderas.

"It’s a teleserye, a musical drama na pinagbibidahan ng mga baguhang artists at magagaling na singer.

“Ngayon, kung tanungin bakit Trenderas, kasi sila yung mga tindera na nag-trending sa YouTube.

"I think, tindera sila sa Quiapo,” paliwanag niya.

Kasama rin daw niya ang kaibigang si Sheryl Cruz sa serye at posibleng ngayong June na ito magsisimulang mapanood.

TRIPLETS REUNION. Kilala noong ’80s ang grupo nina Tina, Sheryl, at Manilyn Reynes na Triplets.

At ngayon nga, madalas silang napapanood muli sa iba’t ibang guest appearances nila sa telebisyon.

Saad ni Tina, “Ang saya, ang saya ng feeling, kasi nagkakaroon kami ng chance na magkasama-sama.

"And, at the same time, nandoon ang bonding naming tatlo.

“At marami ang natutuwa at marami kaming nabibigyang kasiyahan sa mga dati... ilang dekadang mga fans na until now, yung mga nagkakagusto at nangangarap na magsama ang Triplets e natutupad naman na magsama paminsan-minsan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wish pa rin ba niyang magkasama-sama silang tatlo sa isang show o soap opera?

“Yes, isa pa rin naman yun sa mga wishes ko.

"Aver since na nandoon pa ako sa Barcelona, ilang beses na akong nag-attempt na magkaroon kami ng show.

“Kaya lang, ang nangyayari, hindi puwede si Man [Manilyn], ako puwede o hindi puwede si She, hindi puwede si Man.

"Nagkakaroon lang kami ng problem sa schedule," sabi niya.

Ano ang pinakagusto niya sa friendship nilang tatlo?

“Well, ever since na magkaibigan kami sa That’s Entertainment, kahit na ilang taon na ang dumaan, nagkahiwa-hiwalay kami as Triplets, nandoon pa rin ang communication namin.

“Until si Sheryl nasa States, ako nasa Spain, si Manilyn nandito, may communication kami. Yun ang nakakatuwa sa amin.

“At saka, kung may mang-iintriga sa amin, hindi namin pinapansin. Ayaw naming sirain ang friendship namin ng dahil sa intriga,” pagmamalaki ng dating child star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN